chapter 22

821 17 10
                                    


Sophia's POV

Nakatingin pa din saakin si kyle tapos ako naman tumingin sa likod niya nagulat naman ako nang may lalaking papalapit sakanya at mukhang hahampasin siya nung bakal

"K-kyle sa likod mo!" Sigaw ko sakanya kaya nung papaluin na siya ay umiwas na siya at nakita ko sakanyang labi ang pag ukit nang ngisi niya tapos sinapak nang malakas yung lalaki na hahampasin na sana siya

"Tsk.....tigilan niyo na yan simulan na natin ang totoong laro" sabi nung patricia ata yun tapos biglang tinangal nung dalawa niyang alipin ang pag kakatali ko pero hawak hawak nila ako

"Ngayon kyle makikita mo ang pag papahirap namin dyan sa babae mo.....mas pinili mo siya ngayon mas masakit ang mararamdaman niya" tapos unti unti siyang lumalapit saakin

"Ano ang gagawin mo sakanya patricia ha!.....pakawalan mo na siya ako lang naman kailangan mo diba!" Sigaw ni kyle dun sa patricia nga ang panglan

"Sorry ka kyle huli na ang lahat" sabi nung patricia

Nauurat na ako sakanya ah pero lalaban ako para saaming dalawa ni kyle isang malaking pag subok lang naman ito eh

"Kyle! Magiging okay din ang lahat" sabi ko sakanya tapos bigla namang may humampas saakin peti din kay kyle

"Sabi mo ako lang ang sasaktan mo pero bat peti si kyle ha!" Inis na sabi ko dun sa babae

Oo, kilala ako bilang mahinang tao pero kapag nasaktan na ang mga mahal ko sa buhay ako naman ang lalaban para sakanila katulad ngayon sinaktan nila si kyle kaya di ko makakapayag

"Eh ano kung saktan din namin siya mas masakit pa nga ang naranasan ko dyan eh" sabi niya saakin sabay sampal nang malakas ulit sa kabilang pisngi at may humampas din sa likod ko tapos napaubo nanaman ako nang dugo

"Sh*t sophia , sorry sophia wala akong magawa ngayon para saiyo" sabi ni kyle saakin tapos tumingin naman ako sakanya at ngumiti

"K-kyle kaya natin toh lalaban tayo mag hintay ka lang" sabi ko sakanya tapos ngumiti ulit ako sakanya para palakasin ang luob niya

"Di na kaya makakalaban pa" sabi saakin ni patricia

"Ilabas niyo na ang balde" utos niya dun sa alipin niya tapos may nilabas naman sila na sobrang laking balde at punong puno nang tubig

"Ngayon ito na ang totoong laro" sabi niya pa....Tsk sinusubukan niya talaga ako

"Ngayon ipakita mo kyle kung gaano ka kalakas dahil mukhang di kakayanin ito nang mahal mo" sabi ni patricia kay kyle tapos inilubog niya ako sa tubig hawak hawak niya ang aking buhok tapos sobrang higpit pa nito kaya parang sinasabunutan niya na ako

"Ano ba patricia tumigil kana!" Sigaw ni kyle kay patricia kahit nakalubog ang mukha ko sa tubig alam na alam ko ang boses ni kyle

Hindi na ako makahinga parang aatakihin ata ako nang hika ko dahil ang tagal nang nakalubog ang ulo ko sa tubig at sinasabunutan pa ako ni patricia

Bigla naman inangat ni patricia ang ulo ko tapos iniharap kay kyle kaya napangiti ako dahil nakita ko si kyle

"ano na kyle kala ko ba malakas ka" sabi ni patricia kay kyle kaya napatingin agad siya kay patricia

Tapos tumingin saakin tapos ngumiti kaming dalawa sa isa't isa

"Mag sisimula palang ako patricia" sabi ni kyle kay patricia kaya napangiti naman ako

"Ngayon kyle ipakita mo na sakanila ang pag ka gangster mo lumaban ka para saating dalawa dahil lalaban din ako" sabi ko sa sarili ko

Nakita ko si kyle na sinusuntok na yung mga lalaking  may hawak na bakal napatumba niya naman lahat yun agad

My Boyfriend Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon