Chapter 8

1.6K 36 1
                                    


Sophia's POV

Hayssss.......monday nanaman , ibig sabihin lang nun ay may pasok nanaman kaurat kasi eh bakit kasi one week lang ang walang pasok eh , paniguradong tatambakan nanaman kami nang projects , assignments at report niyan

Pag ka tapos ko mag ayos nang mga gamit ko at mag reklamo sa isip ko na bakit saglit lang ang walang pasok dun sa kwarto ko ay bumaba na ako at kumain na

Pag tapos ko kumain ay lumabas na ako sa bahay at nag lakad na papuntang school ay biglang may bumusina nang malakas

"Tss....nasa gilid naman ako bakit ka bumubusina dyaan?!"sasabihin ko dapat yan pero na isip ko na baka malate lang ako kung papansinin ko pa yun paniguradong nang tri-trip lang yun kaya hahayaan ko nalang

Beep,beep

Beep,beep

Beep,beep

Beep,beep

Hinayaan ko nalang siya at nag patuloy na sa pag lalakad at pag dating ko sa school ay nakita ko yung mga schoolmates ko na merong pinag kakaguluhan dun sa board pero hindi ko na yun pinansin at pumunta na agad ako sa classroom

"Hi , goodmorning sophia" anong meron ngayon at nag si babatian sila saakin ngayong umaga siguraduhin lang nila na hanggang mamaya sila babati saakin ah pag tatandaan ko yung mga mukha nila....wahahaha

Syempre joke lang yun dahil sa sobrang daming nabati saakin kung tatandaan ko isa isa ang mga mukha nila ay paniguradong hindi ko na matatandaan

Pag pasok ko sa claaaroom ay nag babatuhan sila nang mga papel.....syempre kung first subject toh malamang nasa last section ako buti nga kasama ko na si chloe dito sa last section eh

syempre pag katapos mag turo nang teacher namin ay pumunta na kami ni chloe sa totoo naming classroom

~~~

Break time na namin kaya sabay na kami ni chloe pumunta sa cafeteria at nakita namin dun si charlotte at kent kaya umupo na kami ni chloe si chloe katabi si kent at ako katabi si charlotte

Kanina pa kami nag bubulungan ni charlotte dito dahil mukhang tahimik ngayon yung dalawang loko sabi saakin ni charlotte kanina maingay naman daw si kent kanina at nung makatabi niya lang daw si chloe bigla nanahimik si chloe din maingay kanina nung kaming dalawa pa ang mag kasama pero ngayon tumahimik ang loko

Nag ka tinginan kami ni charlotte at mukhang parehas kami nang iniisip

Pag bilang ko nang tatlo ay tumayo kaming dalawa at umupo sa gilid nang dalawa ako sa gilid ni kent at si charlotte naman ay sa gilid ni chloe tapos nun ay pinag dikit namin sila at nag katinginan naman kaming dalawa ni charlotte dahil parehas nag blublush ang mga loko kaya inasar asar namin yung dalawa

Nang mag bell na ay pumunta na agad kami ni chloe sa classroom at tinignan ko siya nang pag tingin ko ay tumingin din siya kaya tinignan ko siya na parang sinasabi ko sakanya na mag-uusap-tayo-mamaya look sabay ngisi ko sakanya

History na ang subject namin ngayon at nung tinignan ko si chloe sa tabi ko hindi siya maka pag focus kaya sinangi ko siya tapos bigla naman siya natauhan dahil dun sa ginawa ko

"Bakit?"tanong niya saakin halata namang wala siya sa sarili eh tatanong tanong pa nginisian ko lang siya dahil dun napakunot yung mga noo niya

"Hindi mo na agad maalala mag uusap tayo mamaya kung bakit ka nag kakaganyan"pabulong kong sabi sakanya

Mabilis lang natapos yung klase namin dahil wala yung tatlong teacher namin dahil may pinuntahan daw hindi pa nga ako naniwala eh kasi sunod sunod na subject wala baka nag eenjoy lang sila kasi mag pipinsan sila kaya sila nag eenjoy ngayon dahil birthday ni MS.soliano kaso nag sisilabasan na sila eh tapos ako nalang yung nakaupo kaya lumabas na din ako

Kaganina pa ako text nanv text kay kyle kaso hindi siya nasagot sa mga text ko baka may klase pa siya kaya hindi ko na siya tinext ulit kaso nga lang makulit talaga yung mga daliri ko eh kaya tinext ko ulit siya

[Uwian na namin dahil wala yung teacher namin , sumunod nalang kayo saamin ni chloe sa mall kung gusto niyo❤] text ko sakanya

"Oyy....chloe mukhang may hindk ka sinasabi saakin ah ano yun? Bakit ganun kayo kanina ni kent sa cafeteria? Bakit hindi kayo nag iimikan?" Sunod sunod kong tanong sakanya tapos lumingon ako sakanya kaya lang mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko sakanya eh kasi wala siya sa sarili

"CHLOE..........!!!!"sigaw ko sakanya tapos bigla siya natauhan sa pag sigaw ko sakanya

"Ha? Bakit?"tanong niya saakin

"Ang sabi ko bakit ganun kayo ni kent kanina nag kakahiyaan , walang imikan tapos pareho pa kayong namulala kanina sa cafeteria ano ba nang yari? Meron ka ba hindi sinasabi saakin?" Tanong ko sakanya tumingin ulit ako sakanya at mukhang nag iisip siya nang palusot para hindi niya masagot yung tanong ko

Mag sasalita na sana siya kaso inunahan ko na siya mag salita

"Wag mo nang subukan mag simungaling , sabihin mo na saakin ano kasi yun tayo lang naman yung makakaalam eh promise" sabi ko sakanya sabay napahinga naman siya nang malalim dahil kapag hindi niya saakin sinabi hindi ko siya titigilan sabihin niya saakin yun kahit mamaos ako basta masabi niya lang

"Aish......alam ko naman hindi mo ako titigilan kahit anong mangyari eh......kasi ganto yan tinawagan niya ako sa cellphone tapos sinabi niya saakin na may gusto daw siya saakin" sabi niya saakin habang nakangiti at medyo namumula yung pisngi niya

Ayieeee......mag kakalove life na yung bestfriend ko tapos dun pa sya mapupunta sa taong mahal na mahal niya grabe sobrang saya ko para sakanila wahahaha kahit alam kong bago palang sila ang saya saya ko pa din

Nag hanap kami mi chloe nang makakainan kaso lahat puno kaya napag isipan nalang namin na sa food court nalang kumain masasarap naman yung pag kain dito eh kahit nga fishball , kikiam , at kung ano ano pang pag kain basta pag kain okay na saamin wag lang panis wahahaha

Yung kinain lang namin ay inihaw na manok at inihaw na isaw favorite kasi namin ni chloe yung mga inihaw eh kaya ito yung kinain namin pagkatapos namin kumain ay pumunta naman kami sa DQ at bumili nang ice syempre food is life kaya tigisa kami nang malaking ice cream wala pang 2 minutes ay na ubos na agad namin yung malaking ice cream

Pag tapos namin kumain nang ice cream ay nag arcade naman kami una namin pinuntahan ay yung crain naka kuha naman ako nang teddy bear habang si chloe ay hindi pa din nakakakuha nang teddy bear kaya nag basketball nalang kami kahit hindi naman kami magaling sa basketball na yan trip lang kasi namin eh wahahaha

Nang matapos na kami mag laro ay pinapalit na namin yung ticket namin at dalawang teddy bear na malaki yung pinapalit namin dahil sobra sobra sobra sobrang dami namin na ipon na ticket

Uuwi na sana kami ni chloe kaso bigla kami may nadaanan namin yung blue magic kaya pumasok na kami ni chloe sa loob para bumili nang pang reregalo sa isa pa naming best friend syempre best friend yun nang ate niya kaya naging bestfriend na din namin siya

Pag katapos namin bumili sa blue magic ay umuwi na kami

Pag pasok ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko sabay nag palit nang pangtulog ginabi na kasi kami ni chloe eh dahil sa arcade , pag katapos ko mag palit ay humiga na ako sa kama at tinignan yung cellphone ko kung may text galing sa kanya pero wala siguro pagod yun itetext ko na lang siya

[Good night kyle.....lab you❤......sweet dreams💋 😘] text ko sakanya tapos inilagay ko na yung phone ko sa ilalim nang unan ko tapos natulog na din ako

My Boyfriend Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon