Chapter 31

788 30 3
                                    

A/N: ahihihihi so guys 3 years ago agad tayo dahil wala na akong maisip na pwedeng idugtong dun

Sophia's POV

3 years later

Sabi nila mommy 2 years lang daw ako dito pero dahil nag ka problema sa bussiness eh ako muna yung pina manage nila mommy nung ibang bussiness dahil yung iba inasikaso muna nila dahil bumababa na daw yung mga bumibili kaya ipapalipat daw nila yun sa philippines at si kuya na mag mamanage

Ngayon na ako babalik nang philippines pero may kasama akong bata sabi kasi nila mommy isabay ko na daw si rizcy at saamin na din siya titira ng ilang years kasi daw busy talaga daw sila tita

Nandito din kasi yung mga bussiness nila eh pero dahil sa busy nila napapabayaan na nila si rizcy kaya pinaubaya muna nila tita kila mommy si rizcy

"Sophia bilisan mo dyan aalis na tayo hahatid na namin kayo ni rizcy sa airport" tawag saakin ni mommy kaya bumaba na agad ako nandun na din naman yung mga maleta ko eh

"Hey unnie why always your clothes is like that?" Tanong ni rizcy woahhh.....mapapaenglish ata ako marunong naman siyang magtagalog pero sabi niya kapag nasa pilipinas na daw kami dun na lang daw siya mag tatagalog

Haysttt....damit ko kasi lagi parang nung hindi pa ako nag aayos simula kasi nung  pumunta ako dito sa korea manang na ulit ko manamit pero maayos yung buhok pero nasa mata ko na ulit yung eye glasses ko

May sinabi si mommy kay rizcy nag korean sila pero syempre ako hindi na ako nakinig pumunta na muna ako sa kusina para uminom nang tubig

Pag katapos ko uminom lumabas na ako nang bahay kasi nandun na sila sa labas at nakasakay na sila sa kotse

Pag sakay ko inistart na agad ni daddy yung engine nang kotse tapos pinaandar na

Pag dating sa airport bumaba na agad kami tapos hinatid muna kami nila mommy sa loob nang airport tapos hinayaan na kaming umalis

Nang makasakay na kami sa eroplano umupo agad kami syemre ako nanaman yung nasa tapat ng bintana favorite na pwesto nga diba

"Hey ,I want there" sabi ni rizcy saakin

"Ayaw ko nga favorite na pwesto ko toh eh" sabi ko sakanya kaya wala din siyang nagawa

"Hey unnie wake up, you know you look like a zombie"

"Unnie hey we are already in philippines"

"Ate gising na" agad naman akong gumising agad nang bigla siyang bumulong sa tenga ko kasi naman nakiliti ako

Agad naman kaming tumayo ni rizcy tapos bumaba na nang eroplano

Nag hihintay nalang kami dito sa airport kasi susunduin daw ako nila kuya pero hindi nila alam na may kasama ako

"Ate naiihi na ko nasana restroom dito" sabi ni rizcy saakin habang hinihila niyang ibaba nang damit ko

Agad ko naman siya hinawakan sa kamay niya tapos hinila ko na siya papuntang restroom iniwan ko muna sa guard yung maleta namin

_____

Kyle's POV

3 years later

3 years na mula nung iwan niya ako sabi niya babalik siya after 2 years pero umabot na nang 3 years wala pa din siya at madami na ding nangyari nitong makalipas na taon pero ito ako di alam ang gagawin at parang bumalik din ako sa dating ako

"Sophia kailan kaba babalik? Sana di mo nalang nakita yun di ko naman sinasadya yun eh" sabi ko sa sarili ko tapos tumulo na yung luha ko nandito ako ngayon sa park

My Boyfriend Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon