Chapter 30

721 15 0
                                    


Sophia's POV

Nang makita ko yung kotse ni kyle hindi na ako mapakali dito kasi bakit siya pupunta dito na hindi man lang nag papaalam saakin

Kasi hindi mo siya papayagan

Bwisit tong bulate sa utak ko ah papayagan ko naman siya pero bat hindi siya nag text man o tumawag

"Sophia okay kalang ba?" Tanong saakin ni ate claire

"Oo ate claire" sagot ko agad sakanya

Nang makapasok na kami sa bar yung mga tao dito parang mga nakawala sila sa hawla tapos sobrang ingay pa dahil sa malakas na tugtog

"TARA DUN SA TAAS BAKA NANDUN SI JOYCE!" Sigaw ni kenji kasi nga kung mag uusap usap lang kami dito nang normal hindi namin maririnig ang isa't isa

Sumunod nalang kami kay kenji at samantha na nag lalakad na papuntang hagdan nang makaakyat na kami nakita naman namin agad si joyce dun umiinom mag isa sa sulok kaya lumapit na kami

"Baka gusto mo mang share?" Biglang tanong ni samantha kay joyce tapos umupo na siya sa tabi ni joyce

"Tama na yan joyce ang dami mo nang nainom" sabi ni charlotte kay joyce kaya binilang ko yung bote

1...2...3...4...5...6...7...8...9...........10

Takte yung pangten ayun na yung iniinom niya grabe anlakas niya naman sobrang uminom eh ako nga kahit kalahati palang naiinom ko lasing na ako eh

Bigla naman lumapit si marco kay joyce tapos kinuha yung bote sa kamay ni joyce na halatang lasing na

"Ano ba hik umiinom pa hik ako eh" sabi ni joyce na parang lasing na siya kung mag salita at sinisinok na din siya

"Tara na joyce pag usapan natin yang problema mo sabihin mo saamin nandito kami para sayo" sabi ni kent kay joyce tapos tinulungan niya na din si marco na alalayan si joyce

Nang makababa na kami may nakita akong sobrang familiar na lalaki at may kasama siyang babae nag hahalikan sila sobrang sakit para saakin

"K-kyle" tawag ko dito tapos agad naman siya napatingin saakin nang makita ko na siya nga yun tumulo na yung mga luha ko

Nag mamakaawa saakin si kyle na saktan ko siya pero hindi ko magawa kaya lumabas nalang ako dederetsyo na sana ako sa van pero nakita ko yung kotse ni kyle kaya pumunta na muna ako sa van at may kinuhang box

Nang makuha ko na yung box nakita pa ako nila kuya pero dumeretsyo ako sa sasakyan ni kyle at may kinuha akong papel at ballpen dun sa box tapos sinulatan ko yun

Pag katapos ko mag sulat ay dinikit ko yun sa ibabaw nang kahon at iniwan yung kahon sa labas nang kotse niya at pumunta na ulit ako sa van

"Saan kaba pumunta sophia?" Tanong ni chloe saakin pag dating ko sa van

"Dyan lang may nakita kasi akong familiar na tao eh pero mali pala ako" palusot ko sabay kamot sa batok

"Saan mo naman dinala yung box na bitbit mo ano ba laman nun?" Takang tanong saakin ni ate claire

hindi nga pala nila alam kung anong laman nung box

"A-ano w-wala lang yun mga kalat ko kasi puno na din siya kaya tinapon ko na may nakita kasi akong basurahan na malaki dun eh kaya tinapon ko na dun" palusot ko ulit tapos inilipat ko yung tingin ko kay kuya ivan

"Uhh....kuya sige po pupunta po ako nang korea para sa ikakabuti naman yun eh tama sila mommy mas ligtas ako dun" sabi ko kay kuya tapos nag pilit ako nang ngiti

My Boyfriend Is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon