Chapter 4 : Tadhana

16 2 0
                                    

Chapter 4: Tadhana

Kia's Pov

naglalakad ako ngayon sa hindi ko alam kung saang lugar pero kahit saan ako maglakad halos puti lang lahat ng nakikita ko sa lugar nato ano ba ang nangyayari?

"jenniffer" jenniffer? sino si jenniffer? hindi ko maintindihan "jenniffer" paulit ulit niyang binibigkas ang pangalan na yan bakit ba? sino ang tinatawag niya? hindi ko makita kung sino ang nagsasalita. nilibot ko ang paningin ko pero ganun parin wala parin akong makita na kahit sino dahil halos puti parin lahat. "ikaw si jenniffer mcdavies" jenniffer mcdavies? sino? sino ba si jenniffer mcdavies na yan?! ako ba?

"sino ka?! magpakita ka wag kang ano! napipikon na ako!" napipikon na talaga ako dito. salita lang kasi siya ng salita wala namang satsat! napatakip ako ng ilong ng may biglang lumitaw na usok malapit saakin. napaubo ako ng may bigla akong nakita na matandang babae sa harapan ko. malapit siya saakin konting hakbang niya nalang ay magkadikit na kami.

"s-sino k-ka?!" tanong ko pero ngumiti lang siya at lumapit ng lumapit saakin habang ako ay paatras ng paatras. "t-teka! wag kang lalapit !" di ko siya kilala bakit parang feeling close siya saakin.

"nag uumpisa na ang storya niyo mahal kong jennifer" storya? niyo? jenniffer? bakit niya ba ako tinatawag sa pangalan na yan?! eh siraulo pala to eh ang tanda na ni lola kung sino sino pa ang kinakausap niya.

"h-hindi po ako si jenniffer lola. ako po si kia, kia quinn po ang full name ko" huminga ako ng malalim "baka nawawala lang po kayo lola kaya saan po ang bahay niyo? ihahatid ko nalang po kayo" ay wait. napatapik ako sa noo ko dahil sa katangahan dahil paano ko naman maihahatid si lola sa bahay niya kung kahit pati ako ay hindi ko alam kung anong lugar to o kung nasaan man ako. tiningnan ko naman ang matanda pero ngumiti naman siya saakin. nabaling sa iba ang attention ko ng dahil sa narinig.

"hoy ate kia! gising!"

"gumising ka anak!"

tiningnan ko naman agad ulit yung matanda dahil nagulat ako sa narinig ko pero tumayo ang lahat ng mga balahibo ko sa kamay ng bigla siyang naging abo at nawala. napaatras ako at tumakbo. tumakbo ako ng tumakbo ng may narinig nanaman ako.

"ma, paano kaya kung sampalin ko nalang si ate para magising or kung tapunan ko nalang ng tubig para gising na gising talaga?"

"wag gio masakit yan para sa ate mo"

"okey bahala nanga baka binangungot nayan"

*pak!* napa ouch ako ng may naramdaman akong may sumampal sa maganda kong mukha at agad kong hinawakan sa kung saan man ang masakit. bigla akong nagising at napaupo sa kama. panaginip. panaginip lang pala ang lahat akala ko kung ano na ang masamang nangyari saakin.

"ma! bakit mo siya sinampal? akala ko ba masakit?"

"eh kinabahan ako sa bangungot anak eh" bangungot. oo bangungot yung napanaginipan ko. nakakatakot. ano ba meron sa matandang yun? bakit ako si jenniffer sa panaginip na yun? bakit nag uumpisa ang story namin? ni sino? hayst ! wag mag isip ng kung ano ano kia. panaginip lang yun.

"thanks ma" naputol ang pag aalitan ng kapatid ko at ng mama ko at napatingin silang dalawa saakin dahil siguro bigla akong nagpasalamat. ewan ko ba kung bakit bigla lang iyan lumabas sa bibig ko dahil narin siguro sa takot.

"t-thanks? sa sampal?" tanong ng kapatid ko nagtataka ang mukha niya ngayon.

"oo" inirapan ko naman agad siya at napatingin naman ako kay mama "ma, ang saya saya ko ngayon dahil ginising mo ako kaya may pasalubong ka sa akin mamaya!" natawa naman si mama at agad akong niyakap ng mahigpit.

The Undentified One [ON GOING]Where stories live. Discover now