Chapter 2 : Coffee

20 1 0
                                    

Chapter 2 : Coffee

Kia Quinn's Pov

"Taxi! taxi!" hayst. kanina pa ako nandito naghahanap ng masasakyan pero parang ayaw naman ata nila akong ipasakay. ang choosy naman kasi ng mga driver ngayon eh ang papangit rin naman nila tsk tsk.

*phone ringing*  ng marinig kong nag ri-ring ang phone ko ay dali dali kong kinuha at sinagot ito.

"ma, bakit ka napatawag?"

"anak nakarating ka na ba sa trabaho mo?" alam kong mag aalala siya kapag sasabihin kong parang wala namang sasakyan ang gustong mag pasakay saakin pero di bale na.

"uhm. ma, wala pa po ako sa trabaho kasi may dadaanan pa po ako doon sa coffee shop"

"sige sige mag iingat ka kia ha? wag kang sasali sa kahit ano man na gulo nagmamakaawa ako" ganun na ba talaga ako ka warfreak ma para mag sali sa gulo?

"opo ma labyu" agad kong inend ang call pagkatapos ay inilagay sa bag. for sure late nanaman ako nito at papagalitan nanaman ako ng matapobre kong amo.

***
nakasakay na ako ngayon sa jeep dahil mukhang ayaw naman akong ipasakay ng taxi dugyot ba ako para ganun ganun nalang yun?! sadyang di nga naman talaga marunong mamili ng pasahero yung mga driver ng taxi dahil sa ganda kong to?! wth!

pagkababa na pagkababa ko ng jeep agad akong pumunta sa pinakamalapit na coffee shop "miss dalawang Café au lait po" pagkatapos agad kong binuksan ang bag ko para mag kalakal ng pera.

"kia? is that you?" kia? what? agad kong tiningnan kung sino man ang nagsalita sa harapan ko pero bigla akong napaatras dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko. omayghad ! seryoso ba to? "shocking noh?" shocking talaga bakit siya nandito? akala ko ba nasa ibang lugar na siya.

"a-abby? n-nandito ka?" dahil sa sinabi ko agad naman siyang napatawa. may nakakatawa ba sa sinabi ko? di pa rin siya nagbabago dahil siya parin talaga yung abby na nakilala ko.

"baliw ka kia" mas lumakas pa ata ang tawa niya di tulad ng kanina parang wala lang siyang pake alam na marami pang customer ang nakapila sa coffee shop na to. "siyempre nandito ako kia. hello? nasa harapan mo kaya ako" what? di yan ang ibig kong sabihin jusko po.

"i mean akala ko ba nasa ibang lugar kana dahil—" di ko na napatapos pa ang sasabihin ko dahil biglang nag iba ang aura niya, yung kaninang tawa ng tawa napalitan ng lungkot. di parin siguro talaga siya nakakamove on sa mga nangyari. "u-uhm dalawang Café au lait nga diyan abby—" huminto ako saglit at ngumiti sa kaniya "at mag uusap nalang ulit tayo mamaya pagkatapos ng trabaho ko dahil ang tagal narin kasi natin di nagkita eh. di bale ako ang pupunta sayo dito" pang iiba ko ng usapan dahil mukhang ayaw niya narin naman pag usapan pa yung mga nangyari dati.

"sure, sige sandali lang" agad niyang inayos yung order ko at ibinigay saakin "bakit dalawa? kanino yung isa?" naramdaman kong namula ang mga pisngi ko dahil sa tinanong niya "ikaw kia ha. sino?" tiningnan ko siya ng may pagtataka sa mga mata. anong ibig niyang sabihin? "sino? i mean sino siya? alam kong may lalaki ng nagpapatibok ng puso mo ngayon kia" ngayon nakangiti na siya at siyempre di rin mawala saakin ang mapangiti narin dahil sa topic namin ngayon.

"ethan" parang umiinit ang pisngi ko kapag sinasabi ang pangalan na yan matagal narin kasi akong may pagtingin kay ethan dahil halos lahat ata nasa kaniya na. matalino,mabait,gentleman etc

"osige yan na yung order mo" at inilagay niya sa dalawa kong kamay ang coffee na order ko "marami pa kasing nakapila kia kaya mag usap nalang tayo mamaya pag may time ka. ang daldal rin naman kasi natin ngayon" agad naman kaming napatawang dalawa. parang mga baliw lang. ang tagal narin naman kasi naming di nagkita nakakamiss lang yung mga crazy talk namin dati.

The Undentified One [ON GOING]Where stories live. Discover now