Chapter 6 : Hospital

14 0 0
                                    

Chapter 6 : Hospital

Kia's pov

nakaupo lang ako ngayon sa office ng boss namin habang pinapagalitan ako dahil sa walang galang kong trinato yung halimaw na lalaking yun kanina.

"kia ilang beses ko na bang sasabihin sayong gumalang ka sa mga costumer natin" nakayuko lang ako habang nakikinig sa mga salitang binibigkas ng amo ko. "matuto kang lumugar kung saan ka nakalugar kia. costumer sila nagtratrabaho ka lang dito"

maluha luha na ako sa mga sinasabi ng amo ko kung kaya ay tiningnan ko ito sa mga mata at nag salita.

"sir, walang galang na ho dahil ang sa pagkakaalam ko ang itinuro saakin ng magulang ko ay hindi sa lugar, pera o kaantasan ng tao ito binabase dahil lahat tayo ay ipinanganak dito para magkaroon ng sari-sariling kaalaman at masaksihan kung gaano kagaganda ang mga lugar meron ang mundong ito. sir, paano gaganda ang ekonomiya kung puro pang iinsulto at pang aapak ng katauhan ng tao ang ipinapakita ng ibang pilipino sa mismong kagaya pa nating mga pilipino?" tumayo naman ako at unti unti ng nag lakad papalapit sa pintuan. huminto ako at sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa kaniya at nag salita. "salamat po sa lahat nang tulong niyo" binuksan ko na ang pintuan at umalis.

***

"kia! kia! are you okey? akala ko pa naman mabait yung lalaking yun kanina hayst gwapo pa naman din" nakayuko lang ako at nawalan ng gana makipag usap "kia yung totoo okey ka na ba?" tiningnan ko lang si johanna ng ilang segundo at ngumiti. bigla naman akong nag lakad papalapit sa mga gamit ko para mag ayos.

"kia di pa naman tapos trabaho natin ha bakit ka na aalis?" nakatalikod ako ngayon sa kaniya habang patuloy lang sa pag aayos ng mga gamit. bigla namang nagulat si johanna at nagsalita "don't tell me nag resign ka?!" bigla naman akong napahinto dahil sa binanggit niya "oh no kia diba kailangan mo tung trabaho na to para sa pamilya mo? kia ito na yun oh bakit aalis ka pa?" tinapos ko nalang ang pag aayos at humarap sakaniya.

"ito na yun eh, nangyari na kaya wala na tayong magagawa" nahalata kung naguguluhan si johanna sa sinabi ko kaya huminga muna ako ng malalim at tsaka ulit nag salita "siguro di lang talaga nababagay saakin ang ganitong trabaho at marami pa naman pwedeng kuhanan ng mapapasukan kaya don't worry johanna makakahanap din ako ng trabaho baka not now but soon" ngumiti naman agad ako sakaniya at niyakap siya "mamimiss kita pero magkikita pa naman tayo eh"

kumalas naman agad siya sa pagkakayakap ko at nagsalita "ikaw talaga kia" natatawa na siya sa ganun din ay naiiyak "siyempre naman magkikita pa tayo ano ka ba makukulong para hindi tayo mag kita?" at tuluyan na siyang natawa pero sa pagkakataong ito ay di ko na din mapigilang matawa.

Klarence pov

pagkababa ko na pagkababa ng kotse takbuhan agad ng mga maid ko ang sumalubong saakin.

"sir klarence! sir klarence! ang mom niyo po" hingal na hingal nilang sinambit at bigla naman akong nagtaka.

"what happen?"

"nasugod daw ho siya kanina sa hospital sir" bigla naman akong nagulat dahil sa sinabi nila. what the fuck anong nangyari!

"prepare the car now!" sigaw ko sa bodyguard ko agad naman niyang tinawag ang driver para sa sasakyan para mahanda na ito.

"sinubukan ka rin ho daw i contact ng kuya niyo kanina dahil nahimatay ang mom niyo kaso di niyo daw ho siya nirereplyan at sinasagot ang tawag niya" sabi ng isa ko pang katulong. agad ko namang binuksan ang phone calls ko at message. damn it! how many missed calls na pala meron ako at message ang di ko nasagot at nabasa.  bigla ko namang binasa ang mga message na natanggap ko galing kay ethan.

"klarence isinugod sa hospital si mom"
"nahimatay siya dahil humina ang katawan niya"
"come here before it's too late"
"after your works hurry up and go here"
"our mom needed you klarence, she needs you."

agad naman akong sumakay ng kotse para makapunta na sa hospital kung saan si mom ngayon.

pagkadating na pagkadating namin ay agad akong bumaba baka makaabot pa ako. agad kong hinanap kung saang kwarto ngayon si mom. after how many minutes i finally found it.

papasok na sana ako ng bigla ko silang nakitang nagtatawanan. kumakain ng prutas si mom habang nakatayo si dad at kinakusap si ethan at masayang nagkwekwentuhan.

aalis na sana ako dahil mukhang okey naman na sila at wala ng problema. nakatalikod na ako ng bigla silang magsalita because they saw me.

"klarence?"-dad

"son?"-mom

nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nagkunwaring di ko sila narinig nang biglang lumabas si ethan.

"klarence bakit di ka pumasok?" fuck it. di naman siguro siya bulag. i don't want to see their idot faces and i don't want them.

"because i don't want to"

"and why klarence? ano pa ba ang ibang rason?"nakataas ngayon ang kilay niya. bigla naman siyang huminga ng malalim at biglang nagsalita. "our mother want to see you klarence so stop that sensitive attitude come with me and go in" bigla naman siyang tumalikod at naglakad ng bigla akong nagsalita.

"don't you dare control me" napahinto naman siya. "di pa ba sapat na nandiyan ka na para kay mom? as if naman gustong gusto mo din—" di ko na napatapos ang pagsasalita ko nang magsalita na siya.

"yes, i want to" at bigla naman siyang lumapit saakin "i really really want to pero wala naman tayong magagawa dahil she want you as her son and she loves you more than me"

nagkatinginan lang kami ng ilang segundo walang emosyon ang mga mukha namin at walang may umiimik kahit isa saaming dalawa.

dahil sa sawa na akong makita ang pagmumukha niya ay bigla akong umirap sa kaniya at umalis na.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Undentified One [ON GOING]Where stories live. Discover now