Chapter 5

25 7 1
                                    


Irene's POV

Nakatingin ako sa papalayong bulto nung lalaking tanga na yun. Masakit.  Aminin ko naman o hindi nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Kahit malakas ang loob ko babae parin ako.  Alam ko naman na walang pakialam saakin si Jake pero masakit parin lalo na kapag ipinag didiinan ang katotohanan. Naramdaman ko na lang na may kamay na humaplos sa pisngi ko.

"nakatulala ka na dyan hindi mo alam na may tumutulo na pa lang luha dyan sa mga mata mo." pinunasan nya pala ang mga luha na kanina pa pala tumutulo sa pisngi ko. "sabihin mo lang kung sinaktan ka nya, uupakan ko talaga sya."

"hindi na ok lang ako, tara na sa room!" tugon ko.

"hoy! Baka nakakalimutan nyo na kasama nyo ako." nakacross arm pang tugon ni Rio. Haha oo pala kasama pala namin sya haha.

"ay! Kasama ka pala namin?" asar ni Zoey.

"tse! Tumigil ka, kakakilala mo pa lang saamin---"

"sakanya." pagtatama ni zoey.

"hayss tara na kaya! Tong mga to!" saka ko hinila si Zoey.

"hoy! Irene baka nakakalimutan mong ako ang bestfriend mo." haha talaga tong bestfriend ko di papaawat. Saka ko din sya hinila.

Nagpaalam na si Rio dahil magkaiba kami ng section, sayang! Pero ok lang meron naman si Zoey eh haha may kasama na din ako kahit papano. Nang makarating na kami sa room ay sakto din ang dating ng teacher namin kaya naman nagsi as yos na ng upi ang mga kaklase namin.

PAGKALIPAS ng ilang oras na hindi nakikinig sa teacher joke! ay break time na! Hindi ako nagugutom dahil busog pa naman ako haha pati daw si zoey busog pa kaya di na rin sya nagmeryenda. Napalingon ako ng magsalita si cyree.

"ahm babe... May emergency sa bahay kaya di na ako makaka abot sa fourth period" ani ni cyree na parang nagmamadali.

"ahh ganon ba babe, sige magiingat ka ha?" si Mr. Stupid, napairap na lang ako. Maya maya lang ay napatayo si jake.

"pare kailangan ko na ding umalis dahil sumakit daw ang tiyan ni mama, wala kasi syang kasama ngayon at day off ng mga katulong namin, paki sabi na lang sa teacher natin."

"ah sige mag ingat sa pagmamaneho pre!" tumatangong tugon nito.

Nagtatakang sinundan ko ng tingin si jake na nagmamadaling umalis, parang may mali?

"ah Irene! Mukhang di ata kita maihahatid ngayon kasi maaga daw uuwi ngayon yung kapatid ko susunduim ko sya mamaya sa ballet school, sorry ah.." si zoey.

"ah ok lang! Marami pa namang next time eh haha." tugon ko. Pagkatapos ng 15 minutes break ay dumating na rin ang teacher namin.

"IRENE mauna na ako ah? Ingat ka sa pag-uwi, sorry di kita maihahatid ngayon pero babawi ako." ngumiti at tumango lang ako sakanya saka sya umalis.

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko ng tawagin ako ng teacher namin. "Ms. Ramos pwede ko bang mahiram ang oras mo?"

"bakit po ma'am?" tanong ko. Aba syempre mahal ang oras ko no haha joke lang.

"kailangan ko kasi ng tulong mo sa pagchecheck ng mga test papers, pwede ka ba?"

"ahhmm..sige po ma'am! Sunod na lang po ako." sabi ko.

"sunod ka na lang sa office ko, ok?" tumango lang ako. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dumeretso na ako sa office ng teacher namin.

Naku mapapalaban nanaman ako sa pag checheck check na yan. Hayss ang dami nya namang kasing studyante na pwedeng utusan pero bakit ako pa? Pero ok na din yun dag dag grades na din haha.

Jerome's POV

Masaya akong nag lalakad palabas ng gate ng makapa ko yung bulsa ko. It felt weird. Kinapa ko pa ang bulsa ko. Hanggang sa halughugin ko ang bag ko.
"fishball!  Kikiam!  Kwek kwek!  Bili kayo dyan! "

Naalala ko na! Yung wallet ko!  Agad agad akong tumakbo paloob ng campus. Akala ko kung ano naman na ang kulang. Akala ko puso ko na ang naiwan wallet lang pala. Sinubukan kong buksan yung isang pintuan ng room pero banas lang at nakasara Malapit na ako sa isang pintuan ng room ng biglang...

*boooooooooooooogshh*

"Ouch! Aray ko pooo!!! Yung pwet koooo!!!! " napailing ako ng makita ko kung sino ang nakabungo ko. Martyr na nga, malandi na, tanga pa. Oh diba. San kapa? 3-in-1. Binalingan niya ako ng tingin at nakita ko sa mata niya ang galit na parang malungkot? Tsk!  Ano kaba Jerome?! Bakit naman sya malulungkot?

"Tsk! Kainis kang stupid ka! " Sabi niya at nag martsa paloob ng room. Ako naman ay naiwan na tulala. Siya pa ang galit. Tsk tsk. Ibang klase. Pailing iling akong pumasok ng room.

Kinuha ko yung wallet ko na nasa ilalim lang pala ng upuan ko. Paalis na sana ako ng humarang sa daanan ko. Huminga ako ng malalim at dadaan ulit sana ako ng humarang na naman sya. At naulit yun ng naulit ng naulit ng naulit. Hindi ko na talaga kaya.

"Ano bang problema mo?!"  sabay naming sigaw sa isat isa. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Ako pa pala ngayon ang may kasalanan. Wow naman." nakangisi kong sabi.

"Like hello?! Dadaan ako. At ng makaalis na ako at maka free nako sa Jero-virus." nakakusilap niyang sabi. Napangisi naman ako at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko naman ang pagkataranta niya.

"Edi sige. Daan ka. Tignan natin kung may dadaanan ka dyan." lalampasan ko na sana sya ng bigla.

*blag!*

Sabay kaming napalingon sa pintuan at nag katinginan.  Sabay kaming tumakbo papunta sa pintuan pero...

*thuuuuuugssshhh*

"kyaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

*blag*






To be continued...

Mr. Stupid meets Ms. MartyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon