Chapter 4- Not A Really Bad Day

129 1 0
                                    



I went home before the clock strike six. The first plan was to go to the mall at doon ilabas ang lahat ng inis ko through shopping but because it rained, hindi na natuloy. Mas gusto ko nalang mag stay sa bahay at gawin yung project ko for our final output sa isang subject. By the way, September na ngayon and malapit na ang birthday ni Beetle. I'm planning to surprise her kaso I lack the ideas so after I make my project, magreresearch nalang din ako.


Totoo yung sinabi ko na ako ang may-ari ng school. Well, technically. Si Dad talaga yung may-ari but no one knows that we own it. Ayaw namin ang fame eh. Bale yung head ng school is my tita. Siya yung nagpapatakbo ng buong university. And since her surname is Go, hindi obvious na related kami.


Biglang tumunog yung phone ko. Bubuyog calling...


I swiped my phone and said "Please lang kung tungkol to sa libro mo, pumunta ka dito sa bahay at ipapakain ko sayo." I heard sobs on the other line. I knew this day would come. I freakin' knew it. "Speak Beetle." I said. "Exy, ka.. kasi..ano eh.. kasi si Pat may ano.." her voice sounds like she just cried a river.

"Ano? Patay na? O ipapapatay ko na?" ilang beses ba tataas blood pressure ko sa araw na to?Jusko!

"He has a girl, Exy. *sniff* Last week nag-update pa.. pa.. sya na.. na.. wala na si.. si.. la ni Ka..ty tapos makikita ko nalang sa ano.. sa FB *sniff* na may bago na. Ang sakit eh. Ang sakit-sakit." Ngayon maririnig ko na talaga na umiiyak na sya.


Haaays. Ang hirap magcomfort ng tao na alam mo naman na kahit anong sabihin mo, hindi pa din siya makikinig. Yang gagong Pat kasi ay long time love of her life ni Bee. Magkaibigan sila. Close pa nga. Kaso para kay Pat, Beetle is just his friend. Yun bang pag kailangan niya ng lambing, isang tawag lang si Bee tapos punta agad. Kung kailangan niya ng pang show-off na ka-date, kahit may exam si Bee, gumagawa talaga siya ng paraan para ma cater ang needs ng lalaki. Ganyan si Bee, she's single but it's like her whole life is reserved only for Pat.



And that's not me.


Dahil para sa akin, lahat ng lalaki ay kagaya ni Pat. Babaero. Gago. Pa-fall. Bobo. Nakakabwisit. Sarap patayin. Douchebag, etc. That's why I don't believe in love. Dahil pag umibig ka, walang happiness. More tears. Walang freedom. Puro luha nakukuha mo and most of all, masakit. It hurts so much that the pain is excruciating. Yun bang parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso mo ng dahan-dahan pero palalim ng palalim. Masakit diba?


"Bee..." I called her. "Pang-ilan na ba to?" I'm trying to calm myself dahil baka di ko kayanin, mapapasugod ako sa bahay ng shit na lalaki na yun. Pinakaayaw ko sa lahat ay yung pinapaiyak ng mga lalaki ang mga treasures ko. My bitch friends. "Akala ko ba sanay ka na? You told me before it was just for fun diba? No feelings attached?" sana naman matuto na siya. Nakakainis na kasi. Sisimulan ko na nga yung project ko. Kastress ah.

"Exy, dumaan ka din naman sa ganito diba? Alam mo how it feels." Yun na nga eh dinaanan ko na. Kaya alam kung dapat yang ganyan bisyo ay di na dapat pinagpapatuloy. "Bee, I know. I've been there, done that. And alam mo kung ano natutunan ko?" I asked her. "Ano?" she asked. "I learned to let go. I realized na kaya kung mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko. Bee, you can do that too. Hindi man agad2x, but you will if you try." Narinig kung bumuntong hiniga siya. Sana talaga wag na niyang gawing mundo ang isang tao.

"You know what Exy? You're right. Again. Lagi naman eh. Kasi you know this so well. And hindi ako nagkamaling tinawagan ka." Narinig kung may buhay na yung boses niya. "Pero seriously Exy, ngayon lang ulit kita narinig na sobrang serious yung sinasabi. Haha" kita niyo? Nang-aasar na siya. I'm glad she's better now. "Kung alam mo lang kung pano ko pinigilang mag cuss. Asar kang babae ka." We were now talking as if walang nangyari. Chineck ko din yung FB ko for any updates and one notif caught my attention.


Axl Kace Constantine wants to be friends with you.


"Peste!" bigla akong napasigaw. "Ay grabe Exy ah? Kala ko ba walang cuss? Ang sakit sa tenga." Reklamo ni Bee. "Gotta go Bee. I'm slaying monkeys now. Ciao!" I ended the call and stared at my laptop for about 10 seconds.


Ano nanaman ba to? What is he up to? Suddenly nag beep yung phone ko and only to find out na may message request ang unggoy sa messenger. What da pak! Nakakabwisit na talaga!


"Exy, please accept my request. I have something important to tell you. Please Exy. *sad emoji*" Ano? May sasabihin daw siya? Neknek niya! Mga style niya bulok. Bahala siya mamatay siya sa kahihintay ng confirmation. I shut down my laptop and went straight to my study table. Kumuha ako ng sticky notes and wrote down something that will remind me that I should never ever cross paths with that monkey ever again. Things that will remind me how he crushed my life 2 years ago. "Hindi ako isang laruan na kung gusto mo ulit laruin eh andiyan lang sa tabi to satisfy you. I am way more than that, mister." Kausap ko yung laptop.


I went to the bathroom and did my thing. Saka bumaba ako to eat dinner which I almost forgot. Ako lang naman kasi at ang mga maids ang nasa bahay. And the maids never knock my door to tell me things dahil kakain naman ako kung kailan ko gusto. I don't need to be reminded. I went downstairs and as expected, handa na ang dinner ko. I am halfway through my dinner when one maid interrupted me.


"Miss, someone is looking for you." Nakaduko pa siya habang nagsasalita. "Mukha ba akong sahig?" gaga to ah. Ba't nakatingin siya sa baba? "Sorry po ma'am." Tiningnan niya ako at inulit and sinabi niya. "So ngayon naman, bingi ako? Bakit pa ulit2x ka? Ano ba manang ayusin mo nga sarili mo. Pumunta ka na sa room mo. Ako na ang bahala sa dishes ko." Tumayo na ako kahit di pa ako tapos kumain. I need to be accommodating to whoever this visitor is.


Naglalakad ako papunta sala and I can see the back of the head ng bisita. Lalaki. Bigla nanaman nag on ang bitch mode ko. Tingin ko mapapamura nanaman ako ngayon. Wala na talagang katapusan tong araw na to.


"Sino po sila?" I asked him kahit hindi ko pa nakikita yung mukha niya. Tumawa siya ng konti and faced me.



"Hi Ey-ey, miss me?" said the guy. Nagulat ako at napanganga. Literally. Nung narealize kung muntik ng tumulo ang laway ko. Tumakbo ako ang hugged him so tight na halos di na siya makahinga sa sobrang higpit ng yakap ko. I let go and I looked at him. "Kuya." Tawag ko sakanya.


"I miss you too baby girl" tapos inakbayan niya ako and we went to the kitchen. What a great thing to end my day. Parang nawala lahat yung inis at napalitan ng saya. Thank God for my brother is back!


__________________________________________

A/N: I hope you're enjoying. Lots of love :)

The Status Between UsWhere stories live. Discover now