Chapter 8 Part 3

894 3 0
  • Dedicated kay Rj Ampoy Borja
                                    

Chapter 8 Part 3




ZOE'S POV

 



Kailangan naming manalo kasi sayang naman ng movie ticket hehehe, gusto kasi ng team ko na manalo kasi para daw makapanood sila ng movie na gusto nila for free. Kaya ito kinarir namin ang paghanap sa place ng team Z hahahahahaha. At ang kapatid ko todo sa pagcheer sa amin...

Naalala ko ano ba kasi iyon, "you know how to save a life" ano ba ang koneksyon nun dito sa Doctor na Figurine .... Napaisip ako.. Shit! Tama si Doc knows how to save a life.

"guys I know the answer sabay dampot ng figurine at tumakbo papunta sa judges station. Hingal na nagsalita ako

"hh—uhha—uuhaa, "you know how to save a life", doctor figurine.."

"Good job! Team Z won the 1st game! Movie ticket for her team!" excited na sabi ng asawa ni Daryl. Dapat malungkot siya dahil hindi asawa niya ang nanalo.

"20 points for team Z, 25points for Team Z" announce ni Ron. Nilapitan at  niyakap ako ni Jill.

"good job mom! I know you'll win the game." Naupo kami sa sand ako at ang team ko,

"really baby, thank you, please give me a kiss I deserve it you know." He chuckled and gave me a kiss.

Sunod sunod nang nagsidatingan ang iba, si Team D ang sumunod sa amin tama naman ang nakuha nila F scorecard they got 15points, 20points all in all. Tapos si Tof sad face stress ball, 10points, 15 points all in all, at huli sina Troy, broken heart frame, 5 points, 10 points in all.

"thank you Ma'am, kung hindi po dahil sayo hindi po kami mananalo." Si Claire

"ano kaba, wala yun at isa pa nagtulungan tayo kaya tayo nanalo ano ka ba"

"water race na po tayo Ma'am, sino po ang kukunin mong kasama?" si Bea

"Ako na lang po Ma'am since marunong po akong magsagwan," si May.

"oo ba, kailangan kita para manalo na naman tayo, naku Gift check worth Php2000 din yun ah." Sabi ko.

"kayo po Ma'am makakakuha rin po ba kayo ng premyo?" sabi ni Bea.

"hindi, the prices are really for you guys its to show you that we care for you" I gave them my sincere and not a sad smile.

"thank you Ma'am the best po talaga kayo. Thank you talaga po." they all said in unison.



Water Race



"Team Z, Zoe and May..Team D D aryl and Maki.. Team T1 Troy and Mace.. Tof and Bianca. For your security and safety everyone should wear Life Vest okay?" si Ron.

Lahat ay ready na ang ibang member ng Team ay hawak na ang Kayak na gagamitin ng bawat team. Yey! Makaka-kayak na naman ako J sana manalo kami hihihi. Jill kissed me, Good luck daw hahaha J.

"READY SET GO!"

Sinabi  ko kay May dapat sinc ang kilos at pag paddle namin para mas mabilis ang andar ng kayak namin, nasa kalagitnaan na kami ng race ng biglang inalis ni May ang lock ng upuan niya at biglang tumili dahil may.... Palaka sa gilid ng upuan niya shit "wag kang tatayo May" sabi ng isip ko pero huli na at nahulog siya, shit!!! Inalis ko naman ang life vest ko para makalangoy ng maayos papunta sa kanya at iangat siya sa kayak, nasa may medyo malalim na parte pa naman kami.. naiangat ko na siya sa kayak but shit!.... wag naman ngayon..hinagilap ko ang life vest na inalis ko, medyo malayo na ito sa kayak naming.. fuck.. I don't want to panic pero pinupulikat na ako.. umiiyak na si May Im cursing nonstop, hindi ko na makaya ang pulikat ko, paghumawak pa ko sa kayak pareho kaming malulunod dito at alam kong hindi ako papabayaan ni May, kahit hindi siya marunong lumangoy hahawakan at hahawakan niya ako pero pang isahan lang ang life vest niya lulubog at lulubog kaming dalawa. Bumitaw ako sa Kayak kailangan kong kayaning languyin pabalik sa dalampasigan ang kayak at si May, kahit hindi ko na kaya dahil sa pulikat ko kakayanin ko at dahan dahan kong tinulak ang kayak pabalik.

"May paddle please, pabalik sa dalampasigan" hingal na hingal na sabi ko.

"o-ope ma'am" tumigil na siya sa pagiyak kumapit na rin ako sa kayak at pipilit na mawala ang pulikat ko...pero unti-unting nawala ang ulirat ko.

Love Game (Completed)- Story of Daryl & ZoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon