16: MHMOI50D

16 1 0
                                    

Make Him Move On In 50 Days
by: nininininaaa
{Make Him Move On In 50 Days, Make Her Mine In 50 Days}

Genre: General Fiction

Main Characters:
Xylia Saavedra
Brendt Stewart

Beng! Gulat kayo noh? General Fiction! Hahaha level up! I'm a big girl na kasi HAHA

The title says it all. Tutulungan ni Xylia na maka move on si Brendt sa kanyang past. And nagsimula ang lahat dahil sa isang bet!

Kung ang nasa isip niyo ay 'Alam ko na to!' Pwes. Nagkakamali na naman kayo!

Hindi ito tulad ng ibang wattpad stories na masiadong teeny. Mid 20's na ang age ng characters and makatotohanan ang takbo ng story. Pati ang settings. Soooooo wag na kayo magtaka kung may SPG

Halos nakakailang chapters pala ako, nagulat agad ang lola mo! I kenaaat!! SPG agad agad! Walang warning! Haha

Nabanggit ko na ba na hindi ako masiadong fan ng SPG scenes/stories?

Pero yong dito naman ay SPG-na-mejo-keri hindi siya yong makagiba kama scene HAHAHAHAHAHAHA (peace)

Ok. Wala na ata kwenta pinagsasabi ko.

Ayon nga. Nagsimula sa deal ang lahat. Hanggang sa tutulungan ni Xylia maka move on si Brendt sa loob lang ng 50 days. As expected, ma iinlababo si Brendt kay Xylia (di pwedeng hindi, masisira ang ritwal) perooooo hindi don natatapos yon!

Madaming twist ang story. Yong akala mo tapos na hindi pa pala. Mapapa 'shet! Sabi na nga ba!'  ka nalang eh. And may book 2 siya.

MHMOI50D ay nasa PoV ni Xylia, ang kanyang book 2 which is Make Her Mine In 50 Days (MHMI50D) ay nasa point of view naman ni Brendt. Sa book 2 ka malilinawan sa mga kaganapan. Na mali pala ang nasa isip mo nong book 1.

Gusto kong ilagay yong mga  part ng story na tumatatak sa akin pero baka maspoil ko na.

Kaya tiwala nalang. Maganda to. Lalo na ngayong pasukan na naman. Habang kakastart palang ng mga klase at wala pang masiadong ginagawa, pwedeng pwede to pampalipas oras or pang weekends. Maikli lang kasi siya. 30 chaps plus prologue and epilogue per book.

And for sure may matututunan kayong aral. Hindi ko nadin sasabihin kung ano, basahin niyo nalang ng malaman niyo. Haha

Wala ata talaga akong nasabing matino haha. Pasensya. Kung ako kasi ang naghahanap ng story suggestions, mas prefer ko yong gantong way. Kasi kung bibigyan mo ako ng kahit katiting na hint, parang kinuwento mo nadin sa akin buong story, napagtatagpi tagpi ko na agad hanggang ending.

Sooooo. Yeah. Give this a try.






Leave a comment. Share your thoughts :)

Wattpad's Best of The Best StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon