3. Sa Kanto

140 6 1
                                    

SA KANTO >>>



"Erin! Asan ka ba? Bumili ka nga ng ulam! Punyeta gutom na ako!" Hingal na hingal na sumalampak sa sofa nila si Cassandra dahil sa init sa labas.



Nagmamadali namang pumunta si Erin sa harapan ng kaniyang amo bago pa man uminit lalo ang ulo nito.



Ilang buwan na kasi simula nang maging ganito si Cassandra. Palagi na lang iritable. Dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang asawa kaya siya nagkakaganyan. Nalaman kasi nito na may kabit pala ang lalaki.



Simula no’n, nag-iba na siya. Maging ang kaniyang pakikitungo  kay Erin na siya nga lang kasama niya sa bahay at nagtitiis sa kaniya ay madalas pang mapagalitan.



Palibhasa ay sawi kaya naghahanap ng mapaglilibangan. Kaya naman, halos araw-araw kung makitang nasa sugalan si Cassandra. Madalas pa itong umuuwing talunan. Minsan na lang din siya pumapasok sa kaniyang trabaho.



Kaya sa mga ganitong araw na nagsusuplada na naman ang amo ni Erin, alam na niyang dapat siyang maging alisto sa mga iuutos nito sa kaniya, lalo pa’t talo na naman ang kaniyang amo sa sugalan. Mahirap na...



"Ano po'ng ulam ang gusto mo, Ate?" magalang na tanong ni Erin. Agad namang nairita si Cassandra.



"Peste ba't ako tinatanong mo?! Hindi ko alam! Bobitang 'to...kahit ano basta masarap! Umalis ka na nga! Bilisan mo! Kaltasan kita ng sweldo diyan eh," nanggigigil na saad ni Cassandra sa katulong.



'Anong kaltas kaya ang sinasabi ni Ate, e matagal na nga niyang hindi binibigay sa akin ang sahod ko...'



Dahil sa pagkataranta ay napakaripas na lamang ng takbo si Erin papalabas ng bahay. Binilisan nito ang pagtakbo. Humahangos siya bago pa makarating sa karinderya. Nasa kanto pa lamang siya nang maalala niyang wala palang binibigay na perang pambili ang amo nito.



"Babalik pa ba ako? Esh! Wag na nga lang. Baka batuhin lang ako nun ng sandok. Parang halimaw pa naman si Ate ‘pag galit at gutom,"



Pero iyon ang akala niya dahil kahit bumalik pa siya roon ay wala pa ring maibibigay na pera si Cassandra dahil naubos. Kahit singko, perdido. 'Yung sweldo nga ni Erin, baka sa susunod pang buwan maibigay.



Sweldo ba kamo? Dahil palaging 'sa susunod' ang sinasagot ni Cassandra sa katulong sa tuwing sinusubukan nitong magtanong sa kanya tungkol sa bagay na iyon.



Naisip ni Erin na mangutang na lang muna siguro sa matandang babae na siyang may ari ng bagong bukas na karinderya. Mukha naman itong mabait kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa. Babayaran naman niya mamaya pagkabalik niya sa bahay. Hihingi ng pambayad sa kaniyang amo.



"Magandang tanghali po ale," bati niya rito. Lumapit naman ang matanda sa kanya at ngumiti.



"Magandang tanghali rin ineng. Hmm..bibili ka ba?"



"A-ano po...uh, pwede po bang makakuha lang muna ng ulam? Diyan lang po ako sa kabilang kanto, nakalimutan ko po kasing makahingi ng pera sa amo ko. Pero pangako po ale, babayaran kita agad mamaya."



"Ano ba ang pangalan ng amo mo?"



"Si Ate Cassandra po,"



Ngumiti ang matanda at tumango. "Ah..kilala ko ang babaeng iyon. Siya sige, kumuha ka lang muna."



Parang kumislap ang mga mata ni Erin sa sinabi ng matanda. Aba, ang bait din kasi. Magkakilala pa sila ng kaniyang Ate Cassandra. Swerte si Erin at pumayag ang matanda.



One Shots (Horror Edition) Where stories live. Discover now