Beware of Dog
LULU'S POV
Naglalakad na ako malapit sa may exit ng school pero biglang may tumapik sa balikat ko
"AHH! SH*T!" Napasabi ko ng malakas kaya pinagtitinginan na nga ako ngayon ehh hays
Tapos tumingin ako sa likod ko only to find Lorenz smirking at me
"Huwag mo nga gawin yun!" Sabi ko
"Bakit? Nagulat ka ba girlfriend ko?" Tanong niya na parang walang alam sa kakagawa niya lang
"Ay hindi. Tuwang tuwa nga ako ehh, dapat siguro lagi mo yan ginagawa sakin noh? Hindi kasi talaga ako nagulat. Oo, hindi talaga" sabi ko na may pagka sarcasm ang boses
"Hahaha, sorry na" sabi niya at inakbayan ako bigla. Hindi ko nga alam kung bakit parang nasasanay na ako na umakbay nalang siya agad sakin, siguro kasi nagiging ganito na kami for almost 2 months? Ewan. Hindi ko naman talaga binibilang, basta alam ko may pagka matagal na rin kami nagiging ganito.
"Girlfriend ko, date tayo" sabi niya
"Saan nanaman? At bakit ngayon ka lang nagtatanong?" Sabi ko na may matamlay na boses
"Mukang excited na excited ka na yata" sabi niya
"Oo. Super" sabi ko habang may matamlay na boses parin
Binaba niya muna ako sa bahay namin para maka palit ako and ngayon naman we just arrived at his house
"Pasok ka" sabi niya kaya sumunod ako. Note, first time ko dito
"Hintayin mo lang ako sa may living room, oo nga pala beware of dog" sabi niya then kumindat at pumunta na sa taas
Beware of dog? Anong klaseng biro nanaman yan Lopez? Umupo nalang muna ako sa sofa nila. Mukang wala yatang tao dito, kasi tahimik
Grabe ang tagal naman ng loko mag bihis! Mas matagal pa yata kay Angel. Inaantok na nga ako ehh. Siguro pipikit lang ako just a few seconds.
.
.
.
.
.
May narinig akong ingay and maybe si Lorenz yun kaya binuksan ko ang mga mata ko
"AHH! SH*T! SH*T!" Sigaw ko sabay tumayo sa sofa
Bakit? Ehh kasi naman pagkadilat ko ng mata may nakita akong malaking black na aso! Kaya siyempre nagulat ako! Pagkatapos kong sumigaw tumahol ito ng napaka lakas! Whaaaa mas lalo na talaga akong nagugulat ngayon
"Lulu! What's wrong!?" Sabi ni Lorenz na binibilisan ang pag baba sa hagdanan
"AHH! LORENZ! Y-YUNG ASO MO!" Sigaw ko sabay baba sa sofa at binilisan ang pag takbo papunta sakanya. Then. Just then. Na realize ko na yinakap ko siya. SH*T! NAYAKAP KO SI LORENZ! DATI KISS TAPOS NGAYON YAKAP! ANO PROBLEMA MO LULU!?!?
Nakita ko ang muka niya na gulat rin sa ginawa ko tapos bigla ko rin nalaman. Ngayon ko lang talaga nalaman. Na wala siyang pang taas!
Kaya kumawala agad ako sakanya tapos mas malakas na yung tahol ng aso ngayon kaya napayakap nanaman ako sakanya! Aghhhh bakit kasi ako ganito ka-nervous!?
"Ronald, sit" pagka sabi nun ni Lorenz biglang tumigil sa pag kakahol yung aso at umupo
"Wow. Kala ko wala kang kinakatakutan, yun pala si Ronald lang katapat mo hahaha" sabi niya laughing really hard
"And siya lang pala ang kailangan mo para mapayakap sakin ng husto hahaha, siya siguro ang captain ng ship natin hahaha" sabi niya habang tumatawa parin
Captain ng ship namin? Tsk anong kalokohan at walang kwenta ang sinasabi ng lokong yan?
A/N:
VOTE
COMMENT
SHARE
MENTION (If you Like)
BINABASA MO ANG
The Vice President and her President
Teen FictionNagpropose Nagpakasal Nagkaroon ng kambal Naging maganda ang pamamalakad sa kompanya Perfect ang lahat. Pero perfect nga ba talaga? well samahan natin ang pamilyang Kariño kung paano haharapin ang mga DEATH THREATS, ang LOVE LIFE ng JULUIS, pati an...