CHAPTER 64:

927 31 7
                                    

Nanghina











ANGEL'S POV











"So kamusta naman mga grades niyo mga loka" tanong samin ni Kath

"Umm... ayun... ganun... tapos ganun.... and yun" sabi ko

"Ayan hindi kasi nag aral tsk" sabi ni Lulu habang umiiling. Sila kasi yung mas madalas na nakakakuha ng matataas na score. Uy pero hindi ako bagsak ha! Mga average lang ako, sila kasi above average

"Kahit nag aral naman ako? Eh ang daya kasi ni Sir! Hindi sinama yung-" sabi ko pero hindi pinatapos dahil may nag interrupt sakin

"Hi girls, kami muna ni Kath Kath, pwede ba?" Tanong ni Matthew at kinindatan si Kath

Magsasalita na sana ako pero tumayo na agad siya at iniwan kami ni Lulu dito

"Good Tanghali sa inyong dalawa, kukunin ko lang muna ang girlfriend ko na si Lulu Mendoza dahil ako ang boyfriend niya at siya ang girlfriend ko kaya ibig sabihin na ako ang boyfriend niya at-"

"Oo na! Gets na namin! Just shut up!" Sabi ni Lulu at tumayo na at iniwan ako

Maya-maya naman may tumabi sakin

"Kawawa naman tignan ang baby ko, iniwan ng dalawang tao" sabi ni Martin habang pinagtatawanan ako. Tsss.

"Kala ko ba sasamahan mo akong kumain? Nandito ka lang pala para mag asar nanaman sa maganda mong baby" sabi ko sabay subo ng pagkain

"Sorry na po" sabi niya at bigla naman akong hinalikan sa cheeks ko

"Tss sige na nga" sabi ko. Sobra sobra kasing effective yung kung ano anong ginagawa niya sakin ehh

"Angel, kiss mo naman ako oh, sige na" sabi niya habang nagpapacute nanaman sa harap ko

"Alam mo naman na gusto kong gawin yan pero, hello, na sa canteen po tayo Kariño! At na sa school campus! Iisipin pa nila na PDA tayo" sabi ko

"Edi pa subo nalang, please" sabi niya kaya kinuha ko ang kutsara at pinasok sa bibig niya

"Ako naman subuan mo Martin" sabi ko. Kaya kinuha niya ang spoon pero biglang tumunog ang bell kaya hindi niya na nasubo sakin. Hays. Panira naman yung bell na yan
























Yes! Finally! Dismissal na!

Hinanap ko si Martin sa room pero wala na siya. Si Kath sana tatnungin ko pero umalis na sila ni Matt ganun rin sina Lulu at Lorenz


Habang naglalakad sa hall biglang tumunog ang phone ko at nakitang nag text si Martin sakin

Martin♡: Baby sorry pero na sa library ako kasama ng mga group mates ko. Sorry kung ngayon ko lang nasabi kasi mabilisan ehh. Ingat ka ha? Reply ka pag nakita mo na toh

Ahh kaya naman pala

Na type ko na ang sig pero bigla nalang ako nanghina at nawalan ng malay.
















MARTIN'S POV






"Hoy Kariño! Kamusta na ang part mo? At parang gusto mo nalang titigan buong araw yung phone mo ha?" Sabi ng leader namin

"Sandali nalang talaga" sabi ko at biglang tumunog ang phone ko. Baka nag reply na si Angel!

Tinignan ko ang message

Angel♡: sig ksoslw wkasddfkogtk

What the-

Then may naramdaman ako. Something isn't right here

A/N:

Vote
Comment
Share
Mention (If you Like)

The Vice President and her PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon