CHAPTER 65:

654 28 4
                                    

Creepy Hall













MARTIN'S POV




No. Baka nagiging OA lang ako. Baka okay lang si Angel. Baka nagmamadali siya mag text kasi sasakay na siya ng jeep or something. Baka kailangan niyang ma off ang phone niya for an important matter. Yeah. OA lang siguro ako. Oo, OA lang ako.









Kakauwi ko lang sa bahay ng mga 8pm dahil madami talaga kaming dapat ma research. Habang pa akyat ako papunta sa floor namin ni Kath bigla ko nalang siya nakitang mabilis na bumaba ng hagdan tapos liningon niya ako at binalikan ako

"Kath anyare sayo? Bakit parang-"

"Martin. Si Angel. Nawawala" sabi niya at parang bumigat ng sobra ang pakiramdam ko. No. Baka panaginip lang toh. Oo baka nga panaginip nga lang ito dahil sa stress kanina sa library-

"Ano tutunganga ka pa ba diyan!? Lets go!" Sabi ni Kath at nahila nanaman ako sa realidad.

Pumunta ulit kami nina Matthew, Kath, Lulu at Lorenz sa school para maka access sa cctv ng school to see kung saan pumunta si Angel. Buti nalang at yung tita ni Lorenz ay isa sa mga matataas na officials sa school kaya ayun naka access agad kami.


Kaya na play back ni Lorenz ang video ngayon hanggang sa nakita na namin si Angel na naglakakad sa hall tapos linabas niya yung phone niya and I think, yun yata yung time na nag text ako sa kanya na nasa library ako with my group mates?

"Uy! Uy! Uy! Uy! Uy-"
Sabi ni Lorenz habang tinuturo ang lalaking naka all black at naka hoodie

"Shut up! Nakikita namin okay!?" Naiinis na sinabi ni Lulu kaya si Lorenz naman ay nag sorry sa kanya


Tinignan ko ang naka hoodie. First, he slowly walked towards Angel na busy parin sa phone niya tapos bigla siyang tinakpan ng isang bimpo at mga three or five seconds after agad agad na nahimatay si Angel at binuhat siya ng lalaki. Sinundan namin ang lalaki sa iba't ibang cctv

"What? I- I don't get it" sabi ni Kath dahil hindi na namin nasundan ang galaw ng lalaki after makita na naglakad siya papunta sa may dulong dulo ng school

"Agh! Paano na natin malalaman kung nasaan si Angel!?" Naiinis na sabi ni Lulu








This is my fault.

Kung hindi lang talaga ako nakapag text sa kanya at sinabi agad na may gagawin kaming research edi sana mas naging aware siya at hindi pinapakialam ang phone niya.

Binuksan ko ang phone ko at tinignan ulit ang huli niyang text sakin. Kaya naman pala ganun yung huling letters.


"Guys, kung puntahan kaya natin yung hall na last seen natin yung naka hoodie?" Suggest ni Matthew at napa oo naman kami sakanya kaya pumumta kami agad sa hall na yun

"Ang dilim naman dito" sabi ni Lorenz

Oo ang dilim talaga ng hall na toh. Ito nga yung tinatawag ng ibang students na "creepy hall" kasi nga daw may nakakakita daw ng kung ano dito, pero sa tingin ko madilim lang talaga yung hall na toh at walang kwenta yung mga pinag sasabi nila

Bigla nalang ako nakaramdam na may na apakan ako. Tinignan ko kung ano ang naapakan ko at kinuha ito.

Isang phone na may plain pink na design

"Guys, kay Angel toh diba?" Tanong ko sakanila

"Hala! Baka nandito lang siya!" Sabi ni Lulu

Kaya binubuksan namin ang mga doors sa hall, may narinig akong kalabog sa pinaka dulo ng hall

"What the f*ck is that?" Tanong ni Lulu habang lumalaki ang dalawang mata


Kaya pumunta ako sa room na yun at binuksan ito



















"Hmp! Hmp!" Sabi ng isang babae na naka uniform. Pawis na pawis ang buong katawan na nakatali ang kamay at paa habang naka tape ang bunganga

"Baby ko!" Sabi ko at tinanggal ang tape

"Agh! Martin naman eh! Alam ko naman na excited ka na makita ako pero please naman! Dahan dahan! Ang sakit kaya nu-" Sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos dahil linapit ko ang lips ko sa lips niya


"Wow. Halikan agad? Hindi ba pwedeng tanggalin muna yung tali at ilabas si Angel kasi halatang pawis na pawis na siya Martin?" Sabi ni Lulu kaya agad ko naman tinigilan ang pag halik sa kanya at tinanggal ang tali sa kamay niya



A/N:
Hi po readers! Ano ang masasabi niyo?

VOTE
COMMENT
SHARE
MENTION (If you Like)

The Vice President and her PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon