Chapter 7

3.7K 71 4
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Ash'  POV

"Ash wake up"

Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang si Hadley ang gumigising sa akin. Mabuti naman at hindi si Astrid ang gumising sa akin hays.

Bumaba na kaming lahat sa sasakyan at dumiretso na sa kanya-kanya naming kwarto, dahil sa pagod.

**********

"Ash wake up! It's already morning!"

Automatic akong napamulat dahil sa lakas ng sigaw ni Hadley na akala mo ay katapusan na ng mundo. Hays.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso sa cr para maghilamos at magtoothbrush. Pagkalabas ko ng cr ay dumiretso na ako sa kusina dahil nagugutom na ako.

Pagdating ko doon ay nandun na silang lahat at naghihintay sila sa niluluto ni Hadley at Azaria. Umupo na lang din ako sa lamesa at naghintay ng pagkain.

Hindi nga pala kami nakakain ng dinner kagabi dahil sa pagod.

Nang matapos na silang magluto ay tinulungan namin silang maghain para sabay sabay na kaming makakain.

Habang kumakain ay nagsalita si Hadley na ikinatigil naming lahat.

"Tumawag sa akin si dad kanina," tumingin siya sa amin para tingnan kung sino ang nakikinig o hindi sa kanya. Sa lagay namin ngayon, lahat kami ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Minsan lang humingi ng favor si dad kaya pumayag na ako", agad naman kaming nagtaka sa sinabi nya, anong favor ang hiningi ni tito? Nakakakaba naman yan.

"Anong favor?", seryosong tanong ni Astrid sa kanya.

"Sasayaw daw tayo sa darating na school festival", lahat kami ay nagulat dahil sa sinabi niya. Sasayaw? Kami? 

Matagal na kaming tumigil sa pagsayaw at pagsali sa mga contest dahil naging busy na kami sa school. Hays, goodluck na lang sa amin. Hindi na rin naman kami makakatanggi kay tito since pumayag na si Hadley. Isa pa, minsan lang humingi ng favor si tito sa amin.

"Kailan ba ang school festival?", tanong naman ni Zaylee.

"Next week", sabay sabay kaming napabuntong hininga sa sagot ni Hadley.

Next week na? Agad-agad talaga? Kung ganon ay kailangan na naming magsimulang mag practice mamaya.

Nang matapos na kaming kumain ay pumunta kami sa living room para mapag-usapan kung ano ang tugtog na sasayawin namin.

"Anong kanta ang sasayawin natin?", pagtatanong ni Astrid samin. Kapag usapang sayaw, automatic na siya ang maglilead sa amin since mas gamay niya ang pagsasayaw.

"Yung middle kaya? Hindi na kailangan ng mash-up yun since upbeat ang tunog", suggest naman ni Lisa. Kung si Astrid ang bahala sa choreography, si Lisa naman ang sa music.

"Sige, yun na lang. Mamaya na tayo mag practice pagkatapos ng hour class", sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Astrid kaya nagkanya kanya na ulit kaming akyat sa mga kwarto namin para maggayak na papasok sa school.

Pagkatapos kong gumayak ay lumabas na ako ng kwarto at bumungad sa akin si Hadley na nakasandal sa may tabi ng pinto ko. Grabe! Aatakihin ako dito kay Hadley eh, bigla bigla na lang sumusulpot.

Naglakad na siya papunta sa labas kaya naman sumunod na ako sa kanya. Antahimik nito always, buti nga hindi napapanis ang laway niya hays.

Pagkadating namin sa school ay unang napansin namin ay ang nga studyanteng nagkakagulo dun sa harap ng bulletin board kung saan nandun nakalagay ang mga announcements.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon