Chapter 42

1.9K 47 0
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

After class ay agad akong lumabas ng classroom namin papunta ako sa parking lot. Sila Lisa naman ay nandun pa sa room, may pinapaasikaso ata sa kanila.

Nagpaalam naman na ako sa kanila na mauuna na ako sa van eh.

Babalik na ako sa bahay namin ngayon nila Lisa. Medyo maayos naman na ako.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay bigla na lang bumuhos yung malakas na ulan.

Takte! Wala pa naman akong dalang payong! Agad kong itinakip yung bag ko sa ulo ko at lakad-takbong pumunta sa parking lot kung saan naka park yung van namin.

Bakit ba kasi ang layo eh!

Napatigil ako sa pagtakbo dahil biglang may humigit sa braso ko kaya napasubsob ako sa kung kanino mang dibdib ito.

Hindi na ako nababasa kasi naka payong si kuyang humigit sakin.

"Sino ba may sabi sayong lumusong ka sa ulan?", inis na tanong ng pamilyar na boses. Agad kong inangat yung tingin ko sa lalaki at napag alamang si Justine yun.

TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *

"H-ha?"

Eh kasi naman eh! Ang taksil ni puso. Iniwasan ko na nga para hindi kami magkasabay pero ganun pa rin ang nangyari! Kainis ah!

Nang gigigil na ako tadhana ah!

"Gusto mo bang magkasakit ka sa ginagawa mo? Hindi mo man lang inalala na baka magkasakit ka dahil sa paglusong mo sa ulan", inis nyang sabi.

"E-eh w-wala akong d-dalang payong—"

"Edi sana hinintay mo ako bago ka lumabas para hindi ka mabasa"

Sakin ba 'to naiinis o sa ulan?

"Look Zaylee, alam mong ayaw kong nagkakasakit o napapahamak ka kaya please naman, isipin mo din yung sarili mo kasi nag aalala ako sayo", sabi pa nya na parang kalmado na.

Inakbayan nya ako at hinila para makapag lakad na, sabay na kaming naglalakad ngayon.

Bakit ganun? Kahit anong pilit kong iwasan at layuan siya ay walang effect? Ano ba talagang trip ng tadhana sakin?

Nang makarating na kami sa tapat ng van ay iginaya nya ako papasok sa loob.

Isinarado nya agad yung pinto at may inilabas na towel.

"Look here", seryoso nyang sabi kaya sinunod ko sya.

The next thing I knew ay pinupunasan na niya yung mukha kong nabasa dahil sa ulan.

TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* * TUGDUG* *

"Next time ay wag kang lalabas ng bahay nyo kapag wala kang dalang payong. Okay?", saad nya habang abala naman sa pagpunas sa braso kong basa din.

Ewan ko pero nakatingin lang ako sa ginagawa nya. Mababaliw ako sa lalaking to! Sa halip na nananahimik ang puso ko hays.

"Wala bang importanteng gamit dito sa bag mo? Yung phone mo nandito ba? Wait titingnan ko ah", binitawan nya yung towel at hinalungkat yung bag ko.

Bakit Justine?

Bakit kailangan mong maging ganyan?

Bakit ang sweet mo?

Bakit ganyan ka mag alala?

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon