Chapter 43

3K 57 0
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

"Hoy Zaylee, bakit ka umiiyak?"

Agad kong pinunasan yung luha ko. Sh*t this feeling!

"N-nothing. Napuwing lang ata ako", pinilit kong ngumiti at tumawa.

"Wait ah, CR lang ako", paalam ko sa kanila bago nagdire-diretso sa restroom ng girls. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo dun.

Nasapo ko na lang yung mukha ko.

Sh*t!

"Sinabi ko na nga sayo Zaylee eh. Bakit ba kasi hinayaan mo yang sarili mo na mahulog sa taong yun? Alam mo naman yung possibility, ilang beses kong pinaalala yun sayo. Zaylee, ang t*nga mo para mahulog dun sa g*gong yun", pagkausap ko pa sa sarili ko.

"From now on, I promise that I will not let myself be with him. I will not let myself fall for him with just his simple gestures", dagdag ko pa.

Lalabas na sana ako nang cubicle para ayusin yung sarili ko kaso bigla na lang akong may narinig na usapan ng mga babaeng kakapasok lang.

"Ang cute ni Justine tumawa kanina girl tapos gulat na gulat sya nung hinalikan ko sya sa pisngi", kwento nung isa.

Kung ihahalintulad ko yung sarili ko sa bomba, matagal na akong sumabog dito.

"Haynako girl, wag na si Justine kasi may Zaylee na yun. Remember dun sa vlog ni Eurie? Yung nagkasagutan yung dalawa?"

"Yeah right, I don't care. Tsaka wala naman silang relasyong dalawa kaya wala akong masisira", sagot nung isa.

"Pero girl—"

"No but's, parang wala naman atang gusto si Zaylee kay Justine. Nagsasayang lang ng oras si Justine dun sa babaeng yun na feeling maganda"

Nag-iinit yung ulo ko! Buong pwersa kong itinulak yung pinto ng cubicle kaya gulat silang napalingon sakin.

"Oh Zaylee, nanjan ka pala. Narinig mo ba lahat?", nang-aasar na tanong nung babaeng humalik kay Justine.

"Hindi, wala akong pandinig para sa mga walang kwentang bagay", cold kong sagot at naglakad na palabas. Wala akong mapapala kung aawayin ko yung babae na yun.

"Hello my Zaylee", hinawakan ako ni Justine sa braso na parang walang nangyari. Self kalma lang.

"Wag mo akong hawakan", matigas kong saad at hinawi sya paalis sa dadaanan ko.

"Hey Zaylee, may problema ba?"

Ramdam kong nasa likod ko pa rin sya pero hindi ko sya pinansin.

"Zaylee, kausapin mo naman ako oh", hinawakan nya ako sa balikat. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya.

"Oh?", cold kong tanong.

Kahit masakit, I need to pretend like I'm not affected. Baka kasi mamihasa at paulit-ulit pa niyang gawin yun sakin.

"May problema ba?", tanong niya.

"Wala"

"Eh bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Anong tawag mo sa pagkausap ko sayo ngayon?"

"Zaylee naman"

"Ewan ko sayo", tinalikuran ko sya at naglakad na papunta sa table namin nila Hadley.

"Anyare?", usisa ni Ash.

"Wala", sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Zaylee naman, kung may problema ka sakin sabihin mo para maayos ko"

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon