Chapter 12

2.4K 54 2
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Astrid's  POV

Nang makarating kami sa bahay nila Hadley ay hindi pa rin nagsasalita si Zaylee.

Ano kayang problema nito?

Nagsibabaan na kami sa van at tumuloy na sa loob ng bahay nila.

"Each of you has a room here", nagulat kami sa sinabi ni Hadley.

Totoo ba??

"Follow me", sabi ni Hadley at naglakad na paakyat. Bago magsalita si Hadley kanina ay nahagip ng mata ko sina Zaylee at Eli na dire-diretsong umakyat pataas at pumasok sa magkaibang kwarto.

"Yung nasa dulo ay kwarto ni Nixon yung sunod naman ay kay Ryker at sunod na yung saakin, kay Ash, Lisa, Zaylee, Astrid, Eli at ang nasa kabilang dulo naman ay ang kay Azaria", mahabang pahayag ni Hadley saamin.

"At ang mga susi niyo ay nakasabit lang jan sa pinto. May pangalan niyo naman yun kaya hindi tayo magkakapalit-palit ng susi", pahabol pa nya at pumasok na sya sa loob ng kwarto nya.

Naglakad na ako papalapit sa pinto at kinuha na ang susi ko. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat agad ako dahil alam nya ang gusto ko! Waaaaaaah!

Walang katapusan na hello kitty design hahahaha sarap matulog nito!

Isinarado ko na ang pinto at agad na naghanda ng gamit ko para nga daw sa stay namin sa bukid nila Hadley.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako ng hagdan at inilagay na muna sa van ang mga gamit ko.

Pagtapos ko ay pumunta ako sa kwarto ni Zaylee dahil feeling ko masyado syang badtrip sa di malamang dahilan.

Pagpihit ko ng doorknob nya ay nagulat ako dahil hindi yun naka lock. Tss! Baliw talaga kahit kailan.

"Hindi ba uso ang katok sa inyo?", bungad niya saakin bago pa man din ako makapagsalita.

"Hindi, kusa niya kasing pinasok ang puso ko", sagot ko naman sa kanya habang isinasara ang pinto.

"Ewan ko sayo!", inis nyang sabi saakin kaya tinawanan ko na lang sya.

Kung ang tiles ko puro hello kitty ang mukha, ang sa kaniya naman ay puro black and pink.

Umupo ako sa tabi nya para masimulan na abg pag iinterview ko.

"Bakit badtrip ka?", pasinghal kong tanong sa kanya, napalingon sya saakin kaso di ako pinansin.

Wala ba siyang planong pansinin ako?

"Masyado bang obvious?", seryoso siyang nagsalita kaya nagulat ako. Hindi kasi ako sanay na seryoso sya kapag kausap ako eh. Alam niyo naman, madalas ay loko-loko to. Pero sabagay, tatlong taon na ang lumipas na hindi kami nakakapag usap.

"Hindi lang masyado, sobrang obvious kaya", sabi ko sa kanya na ikina-irap lang nya kaya humiga na lang ako sa kama nya.

"Wag ka ngang humiga jan! Baka mabahidan ng germs", pabiro nyang sabi saakin kaya umupo na lang ako at inirapan din sya.

"Ewan ko din sayo!", panggagaya ko sa kanya.

"Zaylee? Bilisan mo na dyan! Aalis na tayo", rinig naming tawag ni Hadley kaya isinarado na nya ang dala nyang bag.

"Tara na daw at baka maiwan pa tayo"

"Excuse me? Pero walang tayo", pagtataray ko naman sa kanya. Hindi pwedeng siya lang nagtataray noh!

"Pwede ka namang dumaan oh, ang lawak ng pwedeng daanan eh", biro nya pa kaya naman napatawa kaming dalawa.

**********

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon