Chapter 18 - Something Broken

201 6 9
                                    

Ellaine's POV

 *Knock knock*

"Pasok."

"Miss Ellaine, may bisita po kayo sa baba." 

Bisita? 

"Sino daw po, manang?"

"Si sir pogi po. :)" 

Jeric?

"Sige manang, bababa na po ako." sabi ko habang tumatayo mula sa pagkakahiga sa kama ko.

Humarap ako saglit sa salamin at nag ayos ng buhok. Bumaba na din naman ako agad.

Wala namang tao sa living room. Baka nasa kusina.

"Jeric?" 

...

...

"Jeriiiic~"

..

..

Asan na kaya-- "Sino si Jeric?"

"Ay anak ka ng pugo!" 

-_-

"Hindi ako anak ng pugo. Sino si Jeric? -_-" tanong niya ulit.

"He's none of your business." sabi ko habang tumatalikod na ulit para umakyat sa kwarto.

"Oy teka lang." sabi nya habang sumusunod sakin.

"Ano bang ginagawa mo dito, Matthew? -_-" sabi ko habang patuloy pa din sa paglalakad.

"Nakikikaen. Heaven ang ref nyo. Daming cherries." napatingin naman ako bigla sa hawak nyang bowl.

"BAKIT MO KINAKAEN CHERRIES KO!? >____<" 

"Masarap kasi to. Wag ka madamot. Lakad na.. akyat na sa kwarto mo." kalmado nyang sinabi habang tinutulak ako paakyat sa hagdan.

Nang makarating na kami sa 2nd floor.. "O, alin dito kwarto mo?" tanong nya.

"Baket? -_-"

"Ano? Dito nalang tayo sa hallway? San kwarto mo? Bilis!" 

Aba makapag utos to ah. -_- Baka masampal ko to.

Pero dahil wala din ako sa mood makipagbangayan sakanya ngayon, naglakad nalang ako papunta sa kwarto ko habang sya.. sumusunod sa likod ko.

Pumasok ako sa kwarto at ganun din sya habang patuloy nyang kinakain cherries ko.

"Ayos ah. Liwanag sa kwarto mo." sabi nya habang nililibot ng tingin ang kwarto ko. Binaba nya yung bowl ng cherries dun sa bedside table ko habang umuupo naman ako sa kama.

"Closet mo?" sabi nya habang tinuturo yung walk in closet ko. Tumango lang naman ako.

Dahan dahan nyang binuksan yun at sumilip sa loob.. "Di ko maintindihan kung bakit kailangan ganto kalaki mga closet ng mga babae. -_-" tapos sinara na ulit nya yun. Umikot pa sya hanggang sa nakarating sya sa study table ko na katabi ng bintana ko. Umupo sya sa bintana at isa isang binuksan yung drawer ng study table ko.

"Hindi museum ang kwarto ko." I said coldly. Hindi nya ko pinansin at patuloy lang nya tinitigan yung isang nakabukas na drawer.. "Ano bang tinititigan mo jan?"

Her Short Second Life On EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon