Chapter 21 - Misunderstandings

161 8 3
                                    

Ellaine's POV

"Lelang." sabi nya habang binubuksan yung hawak nyang pizza box.

"San naman nangaling yang Lelang?" tanong ko sakanya.

"Sa pangalan mo. 'Lika dito. Kain ka... usap tayo." seryoso nyang sabi.

Tulad ng sabi nya, lumapit ako, at umupo sa tabi nya sa kama ko.

Sa kama ko pa talaga sya may pagkain ng pizza. Pag naman nadumihan, hindi naman sya maglalaba...pero hindi din naman ako.. pero nakakahiya pa din kay ateng naglalaba. -_-

Napatingin ako sa mukha nya habang kumakagat sya sa pizza nya. Nakatulala lang sya na parang natatae na ewan.

"Hoy Matt, ayos ka lang ba? Natatae ka ba?" sabi ko sakanya bago ko kumuha ng pizza at kinagatan to.

"Yuck naman Lelang. Nakain ako." pagtataray nya.

"Mas maarte ka pa sakin ah. Oh, ano ba yung gusto mong pag-usapan?" tanong ko sakanya

"Hm... kasi ano... uh... pano ko ba sasabihin to?  :/ Kasi yung--"

Naputol ang pagsasalita ni Matt nang makarinig kami ng pagkatok sa pinto.

"Ate? May juice po ako dito.. para sainyo." narinig naming sabi ni Em sa labas ng pinto.

Siniko ko si Matt at sinenyasan sya ng tumayo at buksan yung pinto. Alam naman siguro nyang tamad ako tumayo, lalo na't kauupo ko lang. Hindi naman sya umangal at agad na tumayo para pagbuksan si Em ng pinto.

Pagpasok ni Em, nakita kong may dala syang tray at isang pitchel ng juice at dalwang baso. Nilapag nya yung tray sa bedside table, ngumiti lang, tapos umalis na.

"Buti pa yung kapatid mo, napakabait. Anyare sayo? -_-" tanong ni Matthew.

Kumuha ako ng pizza tapos sinubo ko sakanya. "Kumain ka na lang jan. -_-" sabi ko tapos kumuha na din ako ng pizza ko.

"Alam mo 'Laine, nagkita kami ng ex ko kahapon by chance sa mall." 

Oh shocker. Lol.

"It was very awkward."

Pano hindi magiging awkward yun? 

"When I saw her.. andun pa din yung butterflies." I looked at him with a weird face kaya napatigil sya sa pagsasalita. "I know it may sound gay, pero ganun talaga yung nararamdaman ko pag nakikita ko sya.. like the first time I saw her, when I first fell in love with her. It was the same feelings I felt when I saw her again."

"Then what are you doing here?" tanong ko sakanya. 

"Bakit ba lagi mo kong pinapalayas? -_- Nagkekwento ako sayo eh. Napakasama mo talaga sakin eh." tapos binatukan nya ko.

-___-  Binatukan ko din sya, pero mas malakas. Psh.

"What I mean is, kung sa tingin mo, at alam mong may feelings ka pa din sakanya, bakit andito ka sa bahay ko, at sakin mo sinasabi yan? Ba't di mo subukan sabihin sakanya? -_- Tanga mo rin eh no?" sabi ko ng dire diretso sa kanya.

*Knock knock*

"Pasok." sabi ni Matt.

Kapal ng mukha. Kala mo bahay nya to ah?

Her Short Second Life On EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon