Prologue
Black Princesses sila kung ituring ng karamihan. Mga nakakatakot pero parang walang kinakatakutan. Sila yung apat na babae na umagaw sa atensyon na dapat nasa akin lang lahat.
Zamirah Sanches. Pinakamabait sa kanilang apat, well hindi ko sigurado. Siya kasi yung pinaka tahimik sa kanila, yung parang may sariling mundo. Maganda, mayaman, masungit, snob tsaka sya yung gusto ko sa kanilang apat, I mean hindi kasi siya masyadong maarte tsaka medyo simple, basta ganon. Maraming bulungan na siya daw yung tipo na nasa loob ang kulo, well bulangan lang yon. Di ko maitatanggi na magaling siyang magrap at kumata, paano ko nalaman? Minsan kasi narinig ko siya.
Kiana Rivera. Kaano ano nya kaya si Mariane Rivera?. Siya yung pinakabata sa grupo nila, sa kanilang apat. Minsan kasi narinig ko na tinawag siyang maknae (Maknae = pinakabata sa family/grupo). Siya din yung laging nakakasama ni Zamirah, syempre magkaklase sila e. Maganda, mayaman, medyo maarte, childish pero pinakamasiyahin sa apat. Ang masasabi ko lang siya yung pinaka bata pero siya yung pumapangalawa kay Quila na tamad mag-aral. Mahilig din palang magbar.
Sheena Galvez. Pinakaclose at nakakasundo ni Quila sa grupo nilang apat. Cute, mayaman din, medyo malaki ang boses. Nakakasundo sila ni Kiana pag inuman at bar ang usapan. Siya din yung pinakasexy manamit at bulong bulungan sa school siya daw yung pinaka player, marami daw kasing nagiging lalaki yan.
At ang huli na bubuo sa grupo nilang apat, si Quila Coronoah. Ang leader nila sa grupo at ang pinakamasama sa kanila. Well, nasa kanya na yata lahat ng masasama at pangit na katangian. Lahat yata kinatatakutan siya pero marami pa ring nagkakandarapa sa kaniya. Siya daw yung 'Prinsesa kaya nga daw Coronoah ang apelyido niya dahil sumisimbolo daw iyon ng korona. Maganda, sexy halos lahat naman sila e, tsaka maliit ang mukha kaya siguro siya yung pinakahabulin ng mga lalaki. Numero uno sa pinakamasama, mayabang at bullyng babae sa school. Siya din ang pinakamayaman sa grupo kaya siya yung 'Top 1' na hindi nagseseryoso sa pag aaral. At siya ang pinakaAYAW ko sa kanilang apat, as if naman na gusto niya ko.
Mula ng mag-aral ako dito sa school nasa akin lahat ng atensyon ng mga tao, ng mga estudyante. Maraming nagbibigay sa akin ng tsokolate, bulaklak, pera, kulang nalang pati sarili nila ibigay na nila sakin. Pero biglang nagbago ang lahat ng dumating sila. Nawala ako sa pwesto ko, sa kaharian ko. Nabaling ang atensyon nila sakanila. Masasabi kong nasa akin pa rin ang atensyon nila pero hindi na lahat, 80% nalang yata. Lamang sila sa akin.
Sino nga ba ako?
Ako lang naman si Kyle Felix Chua, ang gwapogi at 'King' ng mga Heartthrob sa school nato wala ng iba. Isa lang naman akong ...
Super Good looking
Matalino
Dream boy ng maraming babae
Macho
Star
Na tinitiliian ng mga kababaihan
Kaso....
Hindi ko inaasahan na mangyayayri to. Hindi ko inaasahan na sa pag dating ng panahon paunti ng paunti ang tumitili, umiidolo, tumitingala at kumikilala sa akin.
Di ko akalain na magiging 'invisible' ako sa paningin ng marami, pagdating ng panahon.
~~~
A/N
Waaaaaahhhhh!
Nung nabasa nyo yung Prologue ano napansin nyo?
Alam kong may napapansin kayo e😂.
Namotivate at na inspired akong gumawa at magsulat ng story.
I think Girl Version sila ng kilalang libro dito sa wattpad.
Pero wag kayong mag alala kasi iba yung istorya nito😊.
By the way, idol ko talaga si blue_maiden.
Okay, okay.
Dito nalang muna😊😘.
Read and vote ng ganahan ako😊.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls And a Heartthrob (Ongoing)
Teen FictionIsang gwapong lalaki na kilala sa pangalang KYLE, na kilala sa Universidad na pinapasukan nila. Ngunit naagaw ang atensyon ng lahat ng estudyante ng dumating ang apat na masasamang babae na mahilig sa labanan. Ano kayang gagawin ni Kyle para manatil...