Chapter 2: Kyle's Unforgettable Past

9 0 0
                                    

KYLE'S UNFORGETTABLE PAST
~~
.

Kyle POV:

Ilang araw na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na  magandang plano na tiyak na magtatagumpay para hindi nila maagaw ang kaharian ko, I mean ang kasikatan ko. Masaya ako na naging heartthob ako dahil nabibigyan ako ng atensyon ng mga tao. Kaya naman napakahalaga nito sa akin at ayokong mawala to at ayoko ding bumalik sa dati nung di pa ko sikat.


{Flashback}

Naglalakad lakad ako habang nagbabasa ng libro papunta sa library ng may mabangga ako. Dahil doon nahulog ang salamin ko kung kaya't naging malabo ang paligid.

"Ano ba?! Di ka tumitingin sa daanan mo ah! Hindi mo alam na dadaan ako? O sadyang wala ka lang respeto sa akin?!". Isang boses lalaki tiningnan ko siya pero dahil nga malabo ang mga mata ko di ko matukoy kung sino siya.

"Sorry, di ko naman sinasadya. Sorry". Saka ko kinapa ang sahig sa paligid ko para hanapin ang salamin ko.

"Ganon nalang yon? Huh nerd na pangit?!". Grabe naman siya. Sino ba sya para laitin ako.

"Sorry na nga e, ano pa bang gusto mo?". Hindi porket ganito ako hindi ko na kayang ipagtanggol ang sarili ko.

"Gusto ko? Sinabi mo yan ah". Kinabahan ako sa sinabi niya. Nakarinig naman ako ng mga padyak papunta sakin. Madaming padyak, tinangnan ko yon. Alalay nung lalaki.

"Kit? Ano bang nangyayari dito? At sino yan?". Tanong nung sa tingin ko ay kakarating lang din. Si Kit pala iyong nakabanggaan ko. Isang bad heartthrob sa school, mayabang, babaero at kahit ganon ang ugali niya hinahangaan ng lahat ng kababaihan.

"Lampa ano Troy? Alalay ko yan. Slave". Sabi ni Kit. Si Troy pala yung bagong dating. Pwe slave daw, slave niya mukha niya.

Asan na kaya yung eyeglass ko. Kailangan ko makaalis dito.

"Slave mo lampa? Haha Kit naman nag iba na yata taste mo?". Ako ba ang sinasabihan niya. Siya nga manyakis e.

"Wala kang pakialam sa gusto ko e". Sabi ni Kit.   

"Hoy ikaw?! Gusto mo bang makita, I mean makuha ang salamin mo? Ibibigay ko lang to sayo kung susunod ka sa gusto ko". Alam kong naka evil smile siya ngayon. Hindi ako magpapaalipin sa kanya noh.

"O kung di ka naman susunod sa kaibigan kong si Kit... alam mo na ang mangyayari". Binulong niya pa yung last sentence niya. Ano pa bang magagawa ko? Wala namang may paki sa akin dito sa school, di na ko aasa na mag tatangol sakin kaya mapipilitan akong sumunod sa kanila.

"Akin na ang salamin ko Kit". Yon nalang yung sinabi ko imbis na sabihin na 'oo susunod ako'.

"So, payag ka na? Hindi naman kita at pinipilit e haha". Hindi pa ba pamimilit yon? Porket kaibigan siya ng anak ng prinsipal dito pwede niya nang gawin lahat ng gusto niya. Oo anak si Troy ng prinsipal.

Tumango nalang ako.

"Okay, heto na. Tara". Sabi pa niya saka pinadala sakin yung bag niya. Kakayanin ko kaya? Sana.

Maraming araw, linggo, buwan ang nagdaan di pa din sila nagsasawa sa pagpapahirap sakin. Wala yatang oras o araw na di nila ko pinahiya, pinagtawanan at pinahamak. Ako ang pinagagawa nila ng homework at projects nila.  Pero lahat ng yon nalampasan ko. Hindi ako papayag na gawin nila yon sakin habang buhay. Buti nga nakaisip ako ng paraan.

"Master Kit? Master Kit?". Tawag ko sa kanya. Alam kong gagana to at maganda ang epekto nito.

"Ano ba yon? Disturbo ka alam mo ba yon?!". Bulyaw niya sa akin pero di ko na pinansin yon,  lagi niya naman ginagawa sakin yon.

Magsasalita na sana ako ng may dumating na isa pang bata niya.

"Boss! Panoorin niyo to!". Saka pinlay yung video sa phone niya. Pinanood namin yon, pero di pa natatapos yung video hinagis niya na yung phone ng bata niya.

Haha! Nakakatawa reaksyon niya.

"Troy! Humanda ka!!". Haha! Nagmadali siyang naglakad at sumunod naman ako. Ano kayang mangyayari?

Kahit nagtitilian ang mga babaeng estudyante sa paligid namin dahil sa pagdaan ni Kit, hindi niya yong inintindi o pinansin. Alam kong si Troy at ang Girlfriend niya ngayon ang nasa utak niya. Pero Ano kaya ang pakiramdam ng maging Heartthob?  Ng tinitilian? Ng sikat? Sana maranasan ko din yan.

Malayo layo pa kami ng makita ko, hindi lang pala ako, NAMIN si Troy sa may tapat ng locker niya at kung sinuswerte nga naman kausap niya ngayon yung Girlfriend ni Kit. Bat ang bad niyo Haha!

"O--". Naputol na sabi ni Troy dahil Agad siyang sinuntok ni Kit. Gumanti naman si Troy. Aba sa pagkakakilala ko sa mga yan walang magpapatalo sa kanila.

Nagsasapukan sila habang dumarami ang nakatingin at nanonood sa kanila, walang sino ang gustong umawat sa kanila, wala kahit isa. Umalis nalang ako. San kaya ako pupunta? Alam ko na Haha.

Bumalik naman agad ako pagtapos kong gawin yon. Pero di pa rin sila natatapos.

Ilang minuto rin ang lumipas di pa rin sila natatapos sa pagsasakitan sa isa't isa. Ayan may parating na prinsipaln. Kailangan may gawin ako.

" Master Kit! Master Troy! May parating!". Sigaw ko. Di naman sila natinag.

"Master ang Prinsipal! Andyan na!". Tapos sabay pa silang napaligon. Yari kayo.

"Anong nangyayari dito? Troy?! Kit?!". Yung prinsipal. HaHayst problema na nila yan. Bahala na sila.

"Ah-". Magpapaliwanag pa sana si Troy at Kit kaso inunahan na sila ng prinsipal.

"YOU TWO!! GO to my office! NOWW!!". Uh oh babye na mga Master.

{END OF FLASHBACK}

Mula noon wala na kong balita kay Kit. Ang huli kong narinig naKick out daw siya. Oh dapat din siguro yon sa kaniya. Pero bat si Troy? Ano pa nga bang aasahan ko? Malamang pinagtakpan  na naman ng ama niya, ng prinsipal.

Matagal tagal din na natupad yung pangarap ko. Pero masaya ako dahil nagbunga lahat ng pinaghirapan ko at hindi na din ako maaapi, tatapaktapan at mapapahiya. Kaya gagawin ko lahat para magtuloy tuloy tong pagiging sikat ko, ang pagiging HEARTTHOB ko.


~~~
A/N:
Chapter 2 well done.
Hope ya like it.
Enjoy.

The Four Bad Girls And a Heartthrob (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon