Chapter 1: Badgirls' Hobbies

12 0 0
                                    

Badgirls' Hobbies
~
.

Kyle's POV:

Bakit pa ba kasi sila lumipat dito sa school bwiset naman o! Marami ng nakakakilala sa kanila, ako naman heto nalalaos na yata. Shete talaga. Unang araw pa lang nila nakilala at pinag-uusapan na agad sila. Eh transfer lang naman sila.


{Flashback}

Napakasarap ng tulog ko ng bigla nalang may malakas na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Yung totoo sisirain niya ba yung pinto, shete. Bumangon nalang ako kahit parang hinihila pa ko ng kama ko pabalik. Wala na kong magagawa ang ingay naman kasi non. Sino ba yon!

"Sino ba yan!". Iritang tanong ko. Ang aga aga e istorbo.

"Hoy! Felix! Wag mo nga akong masigaw sigawan dyan ah!". Sigaw ni Noona noona means Ate). Siya pa galit niyan siya na nga nangiistorbo e.

"Ah hehe. Di naman Noona, napalakas lang". Sabi ko pagkabukas palang  ng pinto. Baka kainin ako ng buhay neto. Nagiging Tigre pa naman siya pag nagagalit.

"Hehe ka Felix! Ano pang ginagawa mo Huh?! May pasok ka diba!?". Ay shete, oo nga pala. Bat nakalimutan ko?

"Hehe Noona naka-". Sumabat naman siya.

"Nakalimutan mo na naman?! At Kailan ka pa naging ulyanin ha?". Eh bat sumisigaw ka? Problema mo?

"Bilisan mo na. Bumaba ka agad". Saka malakas niyang sinara yung pinto. Problema non? Sisirain pa pinto ng kwarto ko. Makaligo na nga.

Kinuha ko na yung tuwalya ko saka pumasok sa banyo.

~~

Pagtapos ko maligo malamang sinuot ko na yung uniform ko saka bumaba na.

"Ang tagal mo Felix! Daig mo pa babae ah? Hala sige kain na". Bungad agad sakin ni Noona. Daig ko babae? Ikaw nga daig mo pa si Mom.

"Haha babae daw o". Isa pa tong epal kong kapatid. Uulitin niya pa. Naririndi na nga ako e.

Dumeretso na agad ako sa upuan ko. Mahirap na baka mabulyawan na naman ako ng amazona kong ate.

Habang kumakain ako may naalala naman ako bigla. Bwiset naman o, bat ngayon ko lang naalala. Napasapak nalang ako sa noo ko.

Napalakas ata kaya napatingin sakin si Noona.

"Problema mo dyan Felix? Wala naman akong nakikitang lamok ah?". Aisshh ako nalang ba lagi niyang nakikita at makikita?

"Ah kase Noona ano.. ahm. ..". Di ko pa nga natatapos sumabat naman yung epal kong kapatid.

"Noona kasi ngayon na sila pinapalipat ng prinsipal nila sa dorm nila. Nakalimutan na naman siguro niyan". Sinamaan ko siya ng tingin. Wala bang preno ang bunganga niya. Lagot na naman tuloy ako nito.

"Felix wag ka ng mag alala alam ko na yan. Sinabi mo yan sakin matagal na, kaya ayon na. Nakaprepare na lahat ng gamit mo sa van". Seryoso ba siya? LAHAT talaga? Pero buti nalang di siya nagalit.

"Wahh daebak Noona! Gomawo". Saka ako ngumiti ng malapad. (Daebak means amazing/ gomawo means thank you). 

"Ako pa ba? Sige na. Dalian mo na dyan.". Sabi niya saka binalik ang atensyon sa magazine na hawak niya kanina.

Oo nga pala, sila lang na dalawa yung kasama ko dito ngayon sa bahay except sa mga guards at maids namin. May business trip kasi sila Mom at Dad. Ano pa bang aasahan ko sa kanila lagi naman silang busy e.

The Four Bad Girls And a Heartthrob (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon