The VISION
~~
.Kyle's Pov:
~
"Haha! Felix!? Nerd na pangit? Hoy!". San kaya galing ang boses na yon. Hindi ako si Felix, hindi na matagal na.
"Di na magtatagal yang kasikatan mo! Di na magtatagal yang sinasabi mong 'pangarap mo wahahaha!". Alam ko kung kaninong boses yon. Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon.
"Wahahaha! Maaapi ka na ulit! Tatapakan ka na ulit! Mapapahiya ka na ulit! At higit sa lahat wala na ulit tutulong sayo! Wahahaha!". Hindi. Hindi totoo yan! Hinding-hindi mangyayari yan! Tumigil ka!
"Wahahaha! Magdidilim na ulit ang paligid mo Felix! Maghanda ka na! Dahil wala ng makakakita sayo Haha!". Patuloy ko pa rin hinahanap kung saan galing ang boses na yon. Pero sa paghahanap ko isang bagay lang ang nakita ko. ISANG MALAKING SALAMIN.
~
"Hoy! Kyle! Gumising ka na nga diyan! Hoy!". Napadilat naman ako bigla ng marinig ko ang ingay na iyon. Hayst. Salamat panaginip lang pala. Pero ano yon? ISANG PANGITAIN?
"Kami, mapapahamak sayo Kyle e tss". Oo na, ako na pahamak. Isa sya sa dorm mate ko. Hyung kung umasta dito sa dorm (Hyung means older brother). Hayst akala ko mag isa lang ako dito yun pala marami kami. Sa katotohanan lima lang dapat kami dito e. Ang kaso yung isa nagdala ng kaibigan niya ayan nadagdagan kami tapos yung Jason naman na yon nagpalipat dito sa room namin. Edi naging pito kami dito. Pero buti nalang at malaki naman to kaya walang problema, I mean the only problem is... ang INGAY nila. Sige ipapakilala ko na nga sila ng di na kayo magtanong.
Yung gumising sakin si Ramon yon. Anak ng prinsipal, oo kapatid sa labas ni Troy pero matalino at mahusay mag ingles, di din sila close na magkapatid kaya magkakasundo kami, pero may pagkakatulad sila sa ugali ng konti.
"Kyle-ya gising ka na? Tara na kumain". Si Gimboy, sya talaga yung pinaka Hyung namin dito ang kaso para siyang Noona namin e. Pero lahat kami ginagalang sya kung hindi, di kami makakakain ng luto o mga hinahanda niya.
Tumayo nalang ako saka lumabas sa kwarto.
"Oy Kyle! Tara dito". Saka niya tinap yung upuan sa tabi niya. Siya si Jhon, madalas kami masaya pag andyan siya, funny kasi siya. Friendly din siya. Siya din yung nagdala ng kaibigan dito na si Brandon.
"Hindi, dito siya. Diba Kyle-ssi?". Si Jason yung kaibigan kong puro chicks nasa isip. Madaldal nga sabi ko sa inyo. Pero malaki katawan niyan anak kasi siya ng may ari ng pinakasikat na Gym dito.
"Wag kayo maingay, kita niyong may natutulog e". Si Mino ang one and only antukin na dorm mate namin. Tignan mo natutulog na naman kahit kakagising lang.
"Jhon dali na, may pupuntahan pa tayo". Ang Last si Brandon, yun nga yung dinala ni Jhon dito, di masyadong palakaibigan at palaimik siguro nahihiya siya kasi bitbit lang siya ng kaibigan niya o baka di lang talaga siya marunong makisama.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls And a Heartthrob (Ongoing)
Teen FictionIsang gwapong lalaki na kilala sa pangalang KYLE, na kilala sa Universidad na pinapasukan nila. Ngunit naagaw ang atensyon ng lahat ng estudyante ng dumating ang apat na masasamang babae na mahilig sa labanan. Ano kayang gagawin ni Kyle para manatil...