Chapter 2

0 0 0
                                    

Sa wakas at tapos na rin ang last period. Nakakapagod ang araw ko ngayon. Nakakastress. Para akong binagsakan ng 5 van dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.

"Ziaaaannnnnnnnn!!" Pasigaw na tawag sa'kin ni Ryla. "Halika ditoooooo!!"

Anak ng.. Gusto ko ng umuwi okay? Hays

"Ano ba kasi?" Inip kong tanong sa kanya

"May bagong open na convenience store! Gash! Pupunta tayo okay? Sa pagkakaalala ko, mga Fillar ang nagmamay-ari nun."

Gusto mo ba talagang pumuunta dahil gusto mo or dahil lang kay Alexus? Jusko dai.

Di ko alam kung bakit maraming patay diyan sa Alexus Fillar na yan. Jusko. Porket maganda ang bata, pormado ang lips, matangos ang ilong at bagsak ang buhok ay gwapong gwapo na talaga sila. Hmm.

Naglakad lang kami patungo doon sa sinasabi ni Ryla na "convenience store" ng mga Fillar.

"Ryla, tindahan lang naman yan hays. Bakit ba tayo pupunta doon?" May halong katamaran ang boses ko sa pagtatanong kay Ryla.

"You know what? Mag enjoy tayo okay? Mas okay na ito kaysa sa walwal."

Di ko alam kung sila ba talaga yung mga mababait na kaibigan ko noon. Grabe na ang pinagbago.

At nandito na nga kami. Well maganda siya, malaki. Fillar nga ang nagmamay-ari dahil sa kulay pa lang ng store ay ginto na.

Bubuksan ko na sana yung pinto nang biglang may umopen nito. And guess what? It's Alexus Fillar. Yung sinasabi nilang gwapo.

"Hey, Brinier! Welcome!" Bati ni Alexus sa'kin. "Diba ikaw yung sumagot doon sa isang teacher sa campus?"

"Yes po. Ako yun. May problema ba?" Then I smirked.

"Wala naman. It's just, na shock lang ako. So, enjoy kayo ng barkada mo dito. Grab kayo ng maraming snacks. Mura lang kaming magpresyo dito. Okay?"

"Okay."

Naririnig ko si Ryla na parang tumitili. Baliw lang?

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya

"Nakausap mo talaga ang isang Alexus Fillar dai ah. Omg. Crush ko yun since Grade 7. And like wtf!!? Panoooo? Huhu. Selos ako."

"Basta uy. Bahala na yun. Wag kang mag alala. Wala akong intensyon na magkagusto ron okay? Hmm." then kumuha ako ng basket para lalagyan namin ng bibilhing snacks.

" One hundred forty-five pesos sir." Ani nung cashier sa harapan namin.

Inabot ko sa cashier ang bayad at kinuha ang pinamili sa gilid. Medyo nairita na ako dito kay Ryla kasi pinapunta niya ako para librehan siya. Hmm. Rude girl. Pero haha. Generous naman ako. Pinalaki akong mapagbigay. Pero minsan, ayoko ng nasosobrahan na.

"Uy ziaaan! Thank you here ah. Mauubos ko ito!" Pagpapasalamat sakin ni Ryla

"Che! Akin yang isang pretzel diyan."

Junkfood ba yang pretzel? Diba hindi naman diba? Nakacoat lang ang pagkain sa chocolate.

Ibinigay ni Ryla sa'kin ang pretzel at yung 5 natitira ay di ko alam kung mauubos ba niya. Hmp.

Biglang nagring cellphone ko at tumatawag si mommy.

"Excuse muna, Ry."

And then sinagot ko ang call.

"Nak? Punta ka dito sa bahay ng ninong mo."

"Sinong ninong ma?" Marami kasi akong ninong.

"Dito kay Ninong Franco mo. Nandito si Alexus nak. Diba crush mo ito.?"

"No mom! Mandiri nga kayo." Kinikilig ang bakla hahaha. "Nandiyan na ako in 15 minutes. Sige na. Bye mom. I love you." Tapos binaba ko na ang tawag.

"Ry, may sundo ka ba?" Tanong ko kay Ryla na grabe ang pagkain ng Nova sa likod.

"Yes. Paparating na. Why?"

"Mauuna na ako. Pupunta pa kasi ako kina ninong. Baka traffic kasi maga-alas 6 na. See you bukas."

"Byee!!"

And yes grabe! Ang hirap humanap ng sasakyan. It's almost 6 na and crap, traffic.

Nakatayo ako doon sa may poste nang may humarurot na sasakyan sa harapan ko.

Bumukas yung bintana sa passenger's seat at really? Si Alexus na naman. Sht.

"Problem?" Tanong niya sakin.

Tbh, ayoko nang ginaganito. Anak ng. Ayokong mafall. Ayoko ayoko ayoko!

"Wala. Nag-aantay lang ako ng masasakyan papunta kina ni--"

"Ninong Franco" Tinapos ni Alex ang sasabihin ko. "Pinasundo ka sa'kin ng mommy mo. Baka raw kasi wala ka ng masakyan. Alam mo naman dito sa lugar natin diba?"

Sh*t mom.

Wala akong choice. Alangan naman tatanggi ako.

"Heavily tinted naman itong car diba?"

Bakit ko yan tinanong?? Baliw ka ba Z!?

"Hmm. Bakit Brinier? May balak ka bang mahagkan ang isang katulad ko?" Then he ended it with a wink.

"Wala! Wag mo na imind yon." Napamura na lang ako ng pabulong dahil sa kahihiyan.

Binuksan ko ang pintuan ng backseat at bigla siyang umangal.

"Hey dito ka lang." ani ni Alexus.

"No. Gusto ko dito. Plus, di ko gusto yung aircon na nakaface sa mukha ko."

"Eh? Edi icoclose mo."

Bakit niya ginagawa ang ganito? Like ayokong mag isip ng kung ano ano ah pero hmm.

Bigla niyang binuksan ang pintuan ng backseat at parang papalipatin talaga ako doon sa harapan.

"Alam mo, sinasayang mo lang ang oras." inip kong sabi sa kanya.

Magsisix na tapos di pa kami nakakaalis.

"Aalis tayo pag doon ka umupo."

"Grrr!" Lumipat ako sa front seat na puno ng galit sa mukha.

Oa mo beks?

"Good. Okay na?" Tanong ko sa kanya.

"Yep."

May lisensya na ba itong batang ito jusko. Baka mahuli siya ng pulis. And that's labag sa law diba?

After 20 minutes of biyahe, sa wakas at nakarating na kami dito. Nakasuot pa ako ng uniform at fxck may dumi pa sa bandang gilid and napansin ito ni Alexus.

"Chocolate hmm? Yan ba binili mo doon sa store?"

"Yes. Bakit?"

"Malinis sila dito, ikaw hindi." Tas tumawa siya ng medyo may kalakasan.

Grabe ang lalaking ito ah.

"Here." Inabot niya sakin yung jacket na nasa bewang niya. The scent smells good. Parang yung gusto mong suotin araw araw. "Suotin mo para matakpan yang dumi sa uniform mo."

Kinuha ko yung jacket na pag-aabot niya. "Salamat, Al."

"Al. Hmm. Ikaw pa tumawag sakin niyan. Let me think kung ano itatawag ko sa'yo."

Please don't call me Ian please. Ang lalaki pakinggan.

Naabutan siya ng ilang segundo para mag-isip.

"Pretty. I'll call you pretty. Yeah, you're gay but, maganda ka. " he ended it with a smile and yung mga mata niya, it's just breathtaking.

-----------

Acg: So ayan HAHAHAHHAH. Expect no jugjugan here. Bata pa si Zian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey It's You  - Zian BrinierWhere stories live. Discover now