Chapter 1

0 1 1
                                    

"Dai! Bilisan mo baka maabutan pa natin si Sir V sa office niya." Pagmamadali na ani ni Aria sa'kin.

I need to retouch. Kailangan ko pang magliptint, magpulbo at kung ano pa para magmukha naman akong kaaya-aya.

"Aria ba--" di na ako pinatapos ng pagsalita ni Aria kasi nidrag na niya ako sa sobrang pagmamadali.

"Napakatagal mo no. Kala mo naman may pepe". Painis na sabi ni Aria.

"Alam mo di ka rin mapakali no. Ang aga aga pa tapos minamadali mo ako. Remember. 11:30 pa out ni Sir V. Gash ah."

Walang imik si Aria pagkatapos ko yung sabihin. Paulit ulit ko na kasing sinasabi sa kanya lahat ng galawan ng teachers dito sa school.

Palakad kami sa admin building, and great! Nakasalubong namin si Sir V.

"Good morning Sir." Bati namin ni Aria.

"Bakit?"

"Ipapasa lang ho namin itong narrative report na pinagawa ninyo."

Tinignan ni Sir V ang folder at parang kitang kita ang iritasyon sa mata niya.

"Diba sabi ko na white folder!? Bakit brown? Then sabi ko, I need this na parang pang Harvard ang kalinisan, hindi parang galing sa basurahan!" Pagalit na sambit ni Sir V sa harapan namin ni Aria.

Bigla kaming tumahimik at pati si sir ay napafroze sa kinatatayuan niya.

"Uhm sir, I thought na gusto mo lang ipasa namin ito without folders or any kaechosan. Tas ngayon mag aalburuto ka kasi ganito pinasa namin? Sir. Wala kang sinabi na kailangan naka white folder ito. At wala ka ring sinabi na pang "harvard" ang gawa na'to. If you're trying to point out na palpak ginawa namin, diretsuhin niyo na lang po. Wag nang maraming kuda."

May galit na sa boses ko. After 2 nights na walang tulog tas ganito lang. Sht. Hindi ito normal sa 14 year old na katulad ko.

"At sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan Brinier?" Pagalit na tanong ni Sir habang si Aria ay kapit na kapit sa right elbow ko.

"Excuse me? Anong nangyayari dito?"

Omg! Ang isang nag iisang gwapo sa campus! OMAYGAD ANG HEART BEH!!

"Wala naman Mister SSG pres. No need to worry. " ani ni Aria

"Parang di kayo nagpapakita ng respect sa teacher dito sa school." Medyo paboss na sabi ni Alexus habang nakatingin sa mata ko.

"Mr. Pres, wala kayong dapat ikabahala. Kami ang nadadawit dito, hindi ikaw. And respect? Yes. May respeto kami kay Sir. We're just defending ourselves. " Di ko alam kung anong sinabi ko sa mukha hi Alexus. Kinakabahan ako na parang ano!

"Alam mo bang pwede kang mareport sa principal's office nang dahil sa ginawa mo, ..." Tinignan niya ang id ko "Brinier. Hmm. Nice surname. Tatay mo pa naman ang principal sa elementary school. Bad for your name. You 2 should go. Okay?"

Padabog akong tumalikod at hinila si Aria paalis. At habang naglalakad kami. Rinig na rinig ang sigaw ni Alexus.

"MAGREADY KA RAW BRINIER!"

Gusto kong sumigaw rin para bitawan siya ng salita kaso wag na. Nakakatamad. Ayoko sa mga taong pakialamero. At yan ang pinakaayaw ko sa lahat.

--------

ACG: So hala HAHAHAH. May parusa kaya si Zian at Aria nito? Hmmm. Let's see.

Sana magustuhan ninyo. Mwah. I love you all.

-------

Hey It's You  - Zian BrinierWhere stories live. Discover now