[1] Prank

790 22 2
                                    

Natripan ko lang talaga out of kilig.

#TeamJustin represent! 🙋🏼‍♀️
— —

The Unggoy & Tuta

The nerve of that guy! Bwisit talaga! Inis na inis si Celina habang naghahanda ng sandwich sa kusina.

"Matagal pa ba yan?," Tanong ni Justin, na nasa sala ngayon habang nage-edit ng isang wedding video para sa isang kabarkada nito.

"Wow naman ha! Teka lang," sagot ni Celina, umiirap pa na akala mo naman nakikita ni Justin.

Bwisitin ko kaya tong unggoy na 'to? Napangisi naman siya sa naisip. Nasa huling tinapay na siya nang naisipan niyang kunin ang iodized salt at binudburan ang huling sandwich. Ano kayang lasa ng egg sandwich na 'to kung may asin? Natatawa na lang siya sa ginawa. Ibinukod niya ang sandwich ni Justin na may iodized salt at inilagay sa kabilang panig ng plato.

Kumuha siya ng dalawang baso at sinalinan ito pareho ng orange juice pero umiral na naman ang pagiging maldita niya kaya nilagyan niya rin ng iodized salt ang isang baso, iyon ay ang para kay Justin.

Kumuha siya ng tray at doon inilagay ang meriendang ginawa at lumabas na ng kusina para ibigay ito sa binata.

"Ito na egg sandwich mo, señoritong unggoy," sabi niya at inilapag sa side ng center table.

"Thanks, tuta," sabi ni Justin sa kanya, binigyan pa siya ng kindat. Inirapan niya lang ang binata at tumabi dito upang maka-upo sa beanbag nito.

She can't contain that smug smile of hers habang iniaayos ni Justin ang laptop nito para makakain.

Napansin naman iyon ni Justin when he looked at her.

"What?" He asked, an eyebrow quirked up at her. Nginisian lang siya ni Celina.

"Nothing... sige na kainin mo na yan,"

"You're creeping me out," sabi ni Justin. Tinawanan lang siya ni Celina.

"Praning neto! Kumain ka na nga lang unggoy!," tudyo ng dalaga, kinuha niya ang egg sandwich na bukod na pinagpala at iniabot ito kay Justin. "Dami mo hanash. Eat!" Utos niya dito.

Kinuha naman ni Justin ang sandwich dito, still eyeing her as if alam nitong may binabalak ang huli.

Celina rolled her eyes.

"Don't stop being cute," sabi ni Justin dito. Paborito rin kasi nitong asarin at pagtripan si Celina.

Celina just gave Justin a mocking smile habang naka-abang sa pagkagat nito sa tinapay.

And when Justin took a bite on his sandwich, Celina's really trying her hardest not to laugh at him. Sa una kasi wala pa itong reaksyon... he was on his third bite when he grimaced.

"Bat sobrang alat?" Tanong nito, tila nauubo sa alat ng sandwich napinagtataka talaga niya dahil he knew that ready-made naman ang spread na meron siya sa ref.

"Ha? Hala ewan ko," pagmamaang-maangan ng dalaga, na pigil na pigil ang tawa. Kinuha niya ang juice at iniabot dito. "O, inumin mo 'to," dagdag niya.

Justin gave her a questioning look but took the glass at uminom nga dito.

Halos maibuga ni Justin lahat ng ininom niya when he took a huge gulp.

Sobrang alat!

Hindi na napigilan ni Celina ang sarili at doon na bumuluhit ng malakas na tawa.

"Sabi ko na nga ba!" Sigaw ni Justin, umuubo pa dahil nga sa ininom. Tawa lang nang tawa si Celina.

"Hahahaha itsura mo," Pang-aasar pa nito.

Justin rolled his eyes at her.

Sabi ko na nga ba eh may ginawa na naman 'to, isip-isip niya.

He was just looking at her, na wala pa ring humpay sa pagtawa at halos mahiga na sa beanbag. Sinisilip pa siya nito bago tatawang muli. She was cackling at halos magsnort na rin kakatawa.

Napailing na lang siya at hindi na rin maiwasang mangiti.

"You asked for this!" Sabi niya kay Celina bago nito hinapit ang bewang at ikinulong sa kanyang bisig.

Gamit ang hindi nakayakap na braso dito at pinagkikikiliti niya si Celina, na ngayon wala nang humpay sa kakatawa. Pareho na silang nakahiga sa malaking beanbag.

"Gusto mo talagang pinagtritripan ako," akusa ni Justin, na patuloy pa rin sa pangingiliti. Celina was squirming at halos iyak-tawa na habang sinusubukang kumawala kay Justin.

"Hahahaha yoko naaaa," hirap na sabi nito pero hindi siya tinatantanan ng binata.

"Justin!!!! Tama na!!! Naiihi na ako hahahahaha," sigaw nito. Tawa na lang din nang tawa ang binata.

"Pagtritripan mo pa ako?" Tanong niya, panako-nakong kinikiliti pa rin si Celina.

"Haaaaaa teka! Hahaha NAIIHI NA AKO! Yoko naaa! Hindi na!!! Sorry na!!," Sigaw ni Celina, hingal na hingal.

Tinigilan naman siya ni Justin pero hindi pinakawalan sa pagkakayap sa kanya.

"Baliw ka talaga eh no?," Bulong ni Justin, amused na amused pa rin sa mga naiisip ng dalaga.

Kahit hingal pa ay natatawa pa rin si Celina.

"Masarap?" Pang-aasar pa nito.

"Hindi!" Mabilis na sagot ni Justin. "Pero ito masarap," dagdag nito then he looked straight at her and lowered his head at mabilis na hinalikan si Celina sa labi.

"Hmmm, di rin," nakangiting sabi ni Celina, as if unaffected sa ginawa ni Justin.

"Talaga ba?" Natatawang tanong ng binata bago pinaghahalikan sa mukha si Celina at kiniliti ulit ito.

"Ito masarap!" Sabi nito habang pinupupog ng halik ang dalaga. Tawa lang nang tawa si Celina.

"Hindi talaga eh!"

"Liar!"

He was looking at her habang nakakapit ito sa kanya, wala pa ring humpay sa paghagikgik.

She chose me and I get to be with her like this. I am lucky, isip-isip ni Justin.

Napansin naman ni Celina na tumigil si Justin at parang natulala na lang sa kanya. She reached for his face and held it.

"Bakit?" Tanong niya rito. Umiling lang sa kanya si Justin at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Thank you," sagot lang ni Justin bago hawakan rin ang mukha niya at tuluyan siyang halikan sa labi.

He kissed her affectionately and so did she. It wasn't a long one but just enough to show her what he feels.

After that kiss, Celina just nuzzled at the crooked of his neck at yumakap na sa binata.

"Babawian kita kala mo," bulong ni Justin, Celina just chuckled and smack his chest.

"1-0," sabi ni Celina.

"Whatever, babe," Tumawa lang si Justin at lalong hinigpitan ang pagkakayap sa dalaga.

— —

Well, I tried. Sana kinilig kayo kasi trust me kilig na kilig ako habang nasa utak ko 'to. I used the name Celina and Justin because sila naman shiniship ko sa #MyGuitarPrincess. Lakas kasi ng on-screen chemistry ni Julie and Kiko.

Thanks for reading! Hope you could vote, comment and share. :-)

Scribbles  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon