[11] In the Confusion and the Aftermath

430 9 0
                                        

Reader's discretion is advised.

Doctors!AU and contains lemons.

These songs were on repeat when I was writing this:

Sedated - Hozier
Work Song - Hozier
You Found Me - The Fray
Look Aftrer You - The Fray
Signal Fire - Snow Patrol (this is where I got the title)

Natatakot akong ipost 'to tbh but whatever! Ito na!
Again, I enjoy writing fluffy and smutty fanfics.
This is a fanfic. Unedited. All errors are mine.
Enjoy reading!
------

Prompt where in Julie & Kiko are doctors at the same hospital.

Reader's discretion is advised.

Naglalakad papunta sa Nurses' Station si Julie dahil tapos na ang kanyang rounds. She's been on duty for the last 42 hours at finally iyon na ang kanyang huli at tapos na rin ang mga operasyong naka schedule niya. Pupwede na siyang umuwi at magpahinga kahit isang araw lang.

Kasalukuyan siyang nagbibigay ng reminders at last minute instructions sa mga nurse na nakaduty nang maagaw ang atensyon niya ng isang nurse babaeng nurse. Laglag ang balikat nito ng makalapit sa kanila at namumula rin ang mga mata nito.

"Diane, are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito. Nagpabuntonghininga lamang ito at nag-angat ng tingin sa kanila. Maya-maya pa ay nagulat na lang sila nang tumulo ang mga luha nito at humikbi.

Agad namang nilapitan ito ni Julie at inalo. "Anong nangyari?" Tanong ng isang nurse. Humikbi lang si Diane at napakapit kay Julie. "Doktora..." sambit nito.

Hindi kinalaunan ay may lumapit na lalaking nurse sa kanila. "Anong nangyari, Tommy?" tanong ni Julie at gayon din ang mga nurse na naroon.

"We lost a patient, doktora," malungkot na sagot nito.

Hindi masisi ni Julie ang mga ito dahil kahit naman siya ay sobrang nanlulumo kapag hindi naililigtas ang isang pasyente. Pero, wala eh dahil sa kabilang banda, tanggap niyang kasama ito sa simumpaang propesyon.

"5 years old lang yung bata, nabangga sila ng lasing na driver habang critical pa ang mama niya," pagkwento ni Tommy sa kanila.

"Halos wala nga sa sarili si Doctor Ejercito kanina habang hinaharap niya yung tatay ng bata.." dagdag naman ni Diane, na nahihimasmasan na.

Worry was written all over Julie's face nang marinig niya na si Kiko ang naging doctor ng bata. The nurses silently cursed under their breath nang marinig ang nangyari at kanya-kanyang hayag ng saluobin tungkol sa mga drunk driver.

"Tommy, where did Dr. Ejercito went after?" Nag-aalalang tanong niya. God. He lost a patient at inosenteng bata pa ito. Kiko must be so wrecked right now.

"Ang sabi ho niya sa amin, kapag kailangan daw siya, nasa opisina niya lang daw ho siya," sagot nito. Alam ng lahat ang tungkol sa relasyon nilang dalawa at tanggap ito ng ospital. Isang emergency medicine specialist si Kiko habang siya naman ay isang general surgeon.

"Maiwan ko muna kayo," paalam niya sa mga ito. Lumapit siya kay Diane at niyakap ito then she gave Tommy a pat on the back. "You did well, guys. Alam ko mahirap whenever we have to lose a patient but as much as we want to save every one, we can only try..." sabi niya sa mga ito, giving them a tight smile.

Scribbles  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon