[4] FaceTime

401 7 2
                                    

Prompts lang 'to. Maisipan ko lang na scene ganon haha!

-

"Wag ka na sumimangot dali na smile ka na," pangungumbinsi ni Justin kay Celina, nakangiti siya sa dalaga habang kausap ito sa FaceTime.

"Nakakairita ka kasi," sagot nito bago inirapan ang nobyo. Justin just smirked at her.

"Sorry na... bawi ako sa 'yo pag-uwi ko, promise!" pangungumbinsi nito, "tska wag kang irap nang irap dyan mamaya duling ka na," pang-aasar pa ni Justin na lalong ikinaiinis ni Celina.

"Next time kasi sabihin mo sa akin kung aalis ka lalo na out of town pala 'yang lakad mo. Alalang-alala ako tapos late ko na malalaman na nasa Sagada ka pala," dirediretsong litanya nito sa binata.

Sumama lang talaga ang loob niya dahil na rin kay Taylor, na kapatid ni Justin, pa niya nalaman na umalis ito.

Buong akala niya kasi nasa opisina lang ito kaya hindi tumatawag sa kanya.

"I'm sorry, baby. Hindi na mauulit," seryosong sabi ni Justin. Nakasimangot pa rin sa kanya si Celina kaya hindi niya tuloy alam kung ano mararamdaman niya.

Cute na cute kasi siya kapag ganito ang girlfriend, nagpapalambing.

My cute tuta, amused na isip-isip niya.

Aminado naman talaga si Justin na at fault siya, nakalimutan kasi talaga niyang tawagan si Celina para ipaalam dito na aalis siya for 3 days. Biglaan naman kasi ang lakad niya pati nga rin sa mga kapatid niya ay late na niya nasabihan.

Si Adam lang talaga ang nakausap niya. Sunud-sunod din kasi ang mga nangyayari sa opisina dahil na rin naghahanap sila ng bagong susupplyan ng wines.

"How can I make it up to you?" Masuyong tanong nito sa nobya pero hindi ito sumagot.

"Kelan ka ba babalik?" tanong ni Celina.

"I'll be home by Tuesday morning," nakangiting sagot nito. "Gusto mo bang sa 'yo ako dumiretso?" dagdag ng binata. Tumaas lang ang kilay ni Celina.

"No hanky panky, I swear," he said, raising his right hand.

"Fine," she grumbled.

"Sorry talaga, baby, nakaligtaan ko lang talaga. Masyado kasi akong naexcite sa mga investor. Alam mo naman, I have to work for us," saad nito. He still got this look na hindi matiis ni Celina.

"Just be safe and behave ka jan. Promise me!"

"Baby naman! I only misbehave when we're together," sagot nito sa nobya sabay kindat dito, naikinapula ng mukha ni Celina.

"Sige na, sige na. Matutulog na ako may pasok pa ako bukas. Magpahinga ka na rin, alam kong pagod ka," she said. Tumango naman si Justin.

"Goodnight, babe. I'm really sorry for not telling you. Bati na tayo?"

"Oo na! Matitiis ba kita? Hindi naman," she grumbled. Justin laughed at her at nagflying kiss pa. "Kadiri ka talaga minsan ang dami mong paandar," saad ni Celina, pero deep inside kinikilig naman.

"Dream of me, babe, because I'm sure I'll be dreaming of you," sabi nito na ikinatawa ni Celina.

"Justin, ang corny. Grabe ka!" tawang-tawa si Celina sa banat ng nobyo.

"Oks lang basta sayo! Pero sige na matulog ka na para makabawi ka ng pahinga. May duty ka pa bukas," sabi ni Justin, tumatawa rin.

Hindi naman mapigilan ni Celina na hindi ngumiti habang nakatitig sa screen.

Sweet talaga ng lalaking 'to, isip-isip niya.

"Goodnight, baby. I love you," malambing na paalam ni Celina.

"I love you. Goodnight, mahal." tugon ng binata, kinindatan pa si Celina, naikinatawa naman ng huli bago nila tuluyang tapusin ang tawag.

Pinatay na niya ang lampshade sa kanyang kaliwa at umayos na sa paghiga. Wala pang limang minuto ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Alert tone pa lang ay alam na alam na niya agad kung sino.

Si Justin.

Monkeydoo:
My guitar princess, my tuta and my love, goodnight. I'm really sorry for not updating you. Bawi ako pag-uwi ko, baby. My body is yours kaya wag mo ako masyado mamiss. Mahal kita. :-*

Hindi mapigilan ni Celina ang matawa sa pahabol na text ng nobyo. Baliw talaga, isip-isip niya.

May pa-body is yours ka pa jan. Sira! Matulog ka na. Wag kang shunga jan ha? I love you! :) reply niya dito at tuluyan nang umayos para matulog.

Irita man siya kaninang umaga at panget ang simula ng araw, nakangiti at masaya naman niyang tatapusin ito.

At ang parehong dahilan? Si Justin Garcia. She wouldn't have it any other way, though.

-
Last na 'to for today. I'll work on that "Uwi na tayo" prompt. If you follow me on Twitter alam na if ano yon. 😂

Thanks for reading. Please comment and vote if bet niyo. 😊

Scribbles  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon