Collection of random ficlets featuring Julie Anne San Jose and Kiko Estrada.
Originally inspired by Celina and Justin from GMA7's now defunct My Guitar Princess.
Prompt requests are welcome. -> https://curiouscat.me/jpcarmona or tweet me at @omg...
This is still a JulieKiko fanfic. Next update will still be a JK fic. Next time na CelTin. ✌🏻
THANK YOU @ayobreezydizzy for this prompt idea and for being my enabler sa simula pa lang. Sana magustuhan mo 'to. 😊
Sana magustuhan niyo. Paborito ko 'to sa lahat ng naisulat ko so far. Again, I like writing fluffy and smutty fanfics so you've been warned. Enjoy reading! x
Made a playlist for this on Spotify. You can access it by scanning the image below:
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
UNEDITED — • — • — • —
"May scene ka pa ba, Choolie?" Tanong ni Marian nang makita niya si Julie na nakaupo sa foldable bed nito.
"Wala na ata, shoot na lang for promo ad," nakangiting sagot ni Julie. Tumango naman si Marian at pumwesto na sa make up table/vanity mirror sa dressing room nila, dumating din kasi ang make up artist nito.
"Ikaw, ate? Ilang sequence ka pa?" Tanong ng dalaga habang inaantay sumagot sa tawag niya si Kuya Jerry, ang driver niya.
Napapakunot na ang noo niya dahil ang usapan ay dapat 6pm ay pupuntahan na siya nito. 7PM na ay wala pa rin.
"Dami pa, pagod na ako kaloka! Miss ko na Kuya Dong mo," lungkot-lungkutan pang sagot ni Marian, na ikinatawa naman ni Julie.
"Lapit ka na magpack-up ah! Andyan na sundo mo?" Usisa ni Marian. Julie let out a sigh and raised her phone at her Ate Marian.
"Di nga sumasagot driver ko, ate. I guess I'll stay here muna... free day ko naman tomorrow so kahit gabihin ako okay lang," bago pa man makasagot si Marian ay biglang pumasok si Boobay, excited na excited.
Nagkagulatan pa nga silang dalawa sa agaw eksenang entrance nito.
"Bakla ka talaga! Kalbuhin kita eh," lumapit ito kay Julie at pabirong hinila-hila ang buhok, pero kilig na kilig.
"Anyare?" Natatawang tanong ni Julie, pareho sila ni Marian na natatawa.
"Yang boylet mo! Nasa labas pinagkakaguluhan ng fans, may dalang bulaklak. Kainis ka!" Kilig na kilig na sagot ni Boobay.
"Naks naman! Yieeee kainggit!" Pang-aasar ni Marian na ikinablush na lang ni Julie.
"Labasin mo na bago pa mapapak ng mga faneys," tumatawang sabi ni Boobay kaya napatayo si Jukie at iniayos saglit ang sarili.
"Aysus! Patay na patay na sa 'yo yon, no need na!" Hirit ni Marian bago tuluyang makalabas si Julie ng dressing room.
Naabutan niya sa lobby ng resort na pinagkakaguluhan si Kiko, kahit staff ay todo papicture dito at ang boyfriend naman niya ay masaya namang pinagbibigyan ang mga ito kahit na halos mapipi na ang bugkos ng bulaklak na hawak nito.