Nakasakay kami ng train, nakatayo ako dahil wala ng bakanteng upuan, "Lukot pa rin ang mukha mo, ganyan mo ba kaayaw na sumakay ng tren?" tanong ni Mr. Lexter the envelope.
No, it's not like that...
An hour ago...
Tinanghali ako ng gising dahil madaling-araw na kong nakatulog sa sobrang pagkaexcite at maging ang pag-iimpake ay nawala lahat sa isip ko dahil tanging tumatakbo lamang sa isip ko nung mga oras na iyon ay makakapasok na rin ako ng Laurelia sa wakas.
"I'm done." excited akong bumaba ng hagdan habang dala ang isang maleta ko at nakasabit naman sa balikat ko ang sling bag.
"So slow, sinabi ko ng kapag tatanggapin mo ay dapat nakaimpake ka na bago pa ko dumating. blah! blah! blah! blah!!! blah! blah!!! Nasaan ba ang mga magulang mo at hindi ka man lang ginising at tinulungan mag-impake???" wala siyang ibang ginawa kundi ang sermonan ako ng sermonan. "Nakikinig ka ba ha???"
"Yes po Mr. Lexter the envelope."
"This kid... Ilagay mo sa gitna ang mga gamit mo." utos ni Mr. Lexter the envelope habang magkasalubong ang mga kilay. OO may kilay siya o wala? Ah basta.
Mabilis kong sinunod ang utos niya at tumayo sa kanyang harapan, this is it, I'm so excited about this.
"What are you smiling for?"
"Well uhm, diba dadalhin mo ko sa academy? Excited na kong makita ang magic mo Mr. Lexter the envelope. For sure it was fantastic and amazing dahil galing ka sa Laurelia. Hihihihihi.. Anong magic gagamitin mo para makarating tayo sa Laurelia? Teleportation? A broomstick? Flying carpet? Excited na ko." excited na excited talaga ko.
"Creepy. Anong sinasabi mo??? Get out of the circle."
"Hmm? Bakit??? Ah so sa broomstick? Pero never ko pang natry makasakay doon, kyaaahhhh. Anong gagawin ko, kailangan kong magprepare.."
"Are you an idiot? Be quiet at hindi ako makapagconcentrate dahil sayo." I zipped my mouth saka lumayo sa maleta ko, anong cirle ang sinasabi niya? Wala naman akong makitang circle. Maya-maya ay bigla na lamang nagkaroon ng bilog na nakapaligid sa maleta ko. Nagliwanag ito ng sobrang tindi at may parang star sa loob, so this is the magic circle??? Ang galing! Ng mawala ang liwanag ay wala na rin ang maleta ko. "Dinala ko na sa academy ang mga gamit mo, to be exact... sa magiging dorm mo mismo."
"Wooowww!!! Ang galing!!! Ang galing non Mr. Lexter the envelope! Ang galing talaga."
"Idiot. That's no big deal, it's just a simple magic." simple magic? Para sa kanya simple magic lang yon??? "Ah right, hindi mo nga pala kaya yon, you can't do anything nga pala."
"Konting preno naman diyan oh. And for your information may kaya kaya kong gawin."
"Oo nga pala, sorry-sorry, kaya mong bigyan ng buhay ang mga bagay na wala namang buhay. And yeah in a wrong way. Hahahahah."
BINABASA MO ANG
The Greatest Wizardess
FantasyGusto niyo bang matuto ng mga spells and magic?? Well.. tama kayo ng napuntahan dahil ang story na ito ay tungkol sa babaeng pangarap maging isang wizard pero palpak palagi ang nagagawa niya. She's a menace in terms of magic, a ticking time bomb. Pe...