Chapter 3-Encounter

31 10 0
                                    


Huminto ako sa harapan ng kulay asul at puti na 3 storey building, pa-Ushape ito, maganda, malaki at nakakamangha ang pagkaelegante ng design nito. Meron itong front double doors at glass window from bottom to top on both sides, may hagdan sa harapan nito na 3 steps from the ground, may railings na pacurve at sa dulo sa pinakaibaba o ground ay may dalawang posteng bakal na nakatayo at may ilaw sa itaas.


Umakyat ako sa hagdan, feel ko papasok ako sa isang mansion dahil sa pagkaelegante ng dating ng harapan, I tried to knock, but no one answered, hinawakan ko ang knob but it was locked.


I wonder kung paano kong makakapasok dito. May spell ba na dapat bigkasin tulad ng open sesame?


That's right, wala namang mawawala kung susubukan ko.


Ehem! Ehem!


"Open Sesame!!!!!" pero walang nangyari, "Door Open!!!! Pinto bumukas ka!!!!!" para kong ewan sa ginagawa ko nagbabakasakali na kahit isa sa mga sinabi ko ay makakapagpabukas sa pinto.


"What are you doing???" nagulat ako ng marinig ang nagsalita.


Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaking matangkad, nakasuot ng kulay asul na cloak na may hood, black shoes, black pants, white na long sleeves pero nakatupi ng ¾ at nakaunbotton ang dalawang button sa itaas at silver necklace.


"I'm asking you, what are you doing here?" sa tono ng pananalita niya ay halatang naiinis siya sa hindi ko pagsagot.


"A-eh..." hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya, kakaiba ang dating ng presensiya niya kumpara sa dalawang lalaki na nakausap ko kanina, ramdam ko ang malakas na magical energy na nagmumula sa kanyang buong katawan, and I felt soooo intimidated just from his presence. "A-eh, s-sinusubukan kong buksan yung pinto." Sagot ko.


Umihip ang malakas na hangin at natanggal ang hood sa kanyang ulo na naging dahilan para makita ko ang kanyang mukha, WOW, what a beautiful creature, para siyang nagliliwanag sa sobrang ganda, tao ba siya? Para siyang anghel... the most beautiful person that I've ever seen in my whole life.


*snap!*


Nabalik ako sa earth when he snapped in front of my face, hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa kinatatayuan ko, bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, t-too close!!!!!!! Yung totoo, gawain ba talaga sa school na 'to na ilapit ang mukha ng sobra-sobra sa kausap???


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, parang nangyari na ito.. tama dun sa lalaki kanina, yung flirty...pero compared doon walang sinabi ang kaba ko sa lalaking kaharap ko ngayon, hindi ko alam kung bakit... ang alam ko lang hindi ako makagalaw ngayon.


"You're stupid." he says in front of my face. He smirked saka lumayo.


"Ano?!?" Nagulat ako sa kanyang sinabi, lumapit siya para lang ipamukha sakin yon?


Hindi niya ko pinansin...

The Greatest WizardessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon