Chapter 13-Medical Magic Class

14 1 0
                                    

"You may come back here anytime little girl." sabi ni Doc Vin noong paalis na ko ng clinic.

"Bibisita po ako, pero ayoko ng ma-admit."

"Hahahahahahhah, scared of my injection??"

"Slight."

Tinawanan niya naman ako.

Kasalukuyan na kong naglalakad papasok ng building namin ng makita kong papasalubong si Dylan the Devil. Agad akong nagtago sa likod ng pader. 

"Oy chicken head, I've already seen you. Nakalabas ka na pala?"

"Y-Yeah." unti-unti akong lumabas at ganon na lamang ang gulat ko ng makitang nasa harapan ko na pala siya. "Ay devil." sabi ko.

"What did you just call me??"

"W-wala po. Don't mind, don't mind. Nagulat lang talaga ko. Heheh."

"Tch." tinalikuran niya ko saka siya nagsimulang maglakad, natural sumunod ako sa kanya dahil doon ang daan papuntang dormitory. "So you've already met my brother??" tanong niya ng hindi man lang lumilingon.

"Mm-hmm. At mabait siya at palangiti..."  di katulad ng isa diyan.

He smirked, "Huh? May sinasabi ka ba??" sabi niya with nanlilisik na mga mata.

"Wala po Devil." sabi ko saka siya iniwanan.

Wahahahahahahahahahhah!! Akala niya ah! Hmp.

Pagdating ng dormitory ay agad akong naligo at nagbihis, hindi ako makapaniwala na ang limang araw ko, matapos maging official student ng Laurelia ay igugugol ko sa infirmary. Hayyy...

Pagpasok ko ay ako na naman ang topic sa room. Syempre ilang araw akong nawala at hindi ko inaasahang mamimiss nila ko ng SOBRA!!!

"Bakit nagpakita ka pa?? We almost forgot about you you know??"

"Saka wala tayong naging problema, puro kapalpakan kasi yung isa diyan!"

"Sabi sayo e, mahirap kalabanin si Dylan, pasalamat ka na lang at nagising ka pa."

"Kung ako sayo, aalis na ko ng school. Ahahahaha."

Bakit ba trip na trip ako ng mga ito? Akala ba nila naglaban na naman kami ni devil?? No way. I love my life. Mabuti na lang at paborito kong subject at professor ang klase namin ngayon. Excited na excited pa naman akong pumasok tapos sinisira lang nila.

Maya-maya'y dumating si Yuan kaya nilubayan na nila ko.

"Yuan and Cyrus!! Hello!!" sabi ko saka kumaway sa kanila.

Yuan looked at me with a surprised look on his face na para bang hindi niya inaasahang makikita ako ngayon dito sa classroom.

"You're here. Are you... okay now?" sabi niya pagkaupo sa tabi ko.

"Mm. Super duper okay! I really have a long rest. Hehehe."

"Okay." his face relaxed at hindi na siya muling nagsalita pa or so I thought, "Is it because of Dylan?"

"Hm?"

"You are with him that day. You left together and you never came back. Did you two fight again?"

"N-noo... hindi sa ganon. It's a long story pero I assure you, it's not because of him this time. Promise." sabi ko with matching taas pa ng kanang kamay.

"Okay."

"Hehehehe."

"But I'm glad to see you again."

The Greatest WizardessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon