JhoDdie?

504 9 62
                                    



1st,

2nd, 

3rd, 

4th and....


5th anniversary na namin pero simula nung 2nd anniversary hanggang ngayon ay hindi na kami nagkikita sa personal.

"I really miss you."

Sambit ko habang patuloy ang pagtutulo ng mga luha ko.

"I miss you too. Malapit na Jho, we'll be together na ulit soon. Just wait and be patient."

Magkausap kami ngayon through skype at tuwing namimiss ko siya ay tinatawagan ko lang siya. Lagi niya nalang sinasabing maghintay ako at alam kong kaya ko yun gawin kasi mahal ko siya. I'll wait for her hanggang sa dumating na siya.



"Shh na baby ko, please stop crying na. Alam mong nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak."

Nakatingin lang ako sa screen ng laptop at pinagmasdan siya doon. Ilang beses na akong humiling na sana, andito lang siya sa tabi ko pero hindi iyon natutupad. Gustong gusto ko na siyang mayakap. Maiiyak nalang ako bigla pag namimiss ko siya eh.



Ngumiti lang ako habang pinupunasan ang sarili kong mga luha.



"Maddie, uwi ka na please."

I pleaded. Nang dahil don ay napa buntong hininga siya.



"Jho, gustuhin ko mang umuwi na dyan ay hindi pwede. I need to convince my parents na muna na uuwi ako dyan. Patience lang Jhoana ko."



Tumulo nanaman ang mga luha ko. Pinilit ko nang hindi iyon tumulo pero tumulo pa din. Kung pilitin kong umuwi si Maddie, uuwi ba siya?



Ilang years na ang nakakalipas nang lumipat sila sa States. Kaya sila lumipat kasi dun na mag tatapos si Maddie. Pero ngayon, graduate na kami pareho.



"Pero Maddie, ano nangyari sa sinabi mong uuwi ka pag graduate na tayo? Diba sabi mo pag nakapagtapos na tayo pareho, uuwi ka na?"

"Napag usapan na natin 'to Jhoana. Paulit ulit nalang ba tayo? Oo, sinabi ko yun pero please, intindihin mo naman ako Jho. Yung parents ko, hindi pa ako pinapayagang umuwi dyan."


Ba't ganon? Ako nalang ba lagi ang mag iintindi? Pwedeng ako naman yung intindihin kasi parang namamatay ako araw araw dulot ng pagka miss ko sakanya.


"Nakakapagod na din kasi Maddie eh."

"W-what do y-you mean?"


Nauutal niyang sabi.



"Nakakapagod lang."

"So, anong gusto mong mangyari?"

"Wala."

"Jhoana, tell me."

"Wala nga kasi eh."

"Pagod ka na diba? Sabihin mo sakin."

"Anong gusto mong sabihin ko?"

"Alam kong gusto mo nang magbreak tayo."

Bigla naman akong tumawa ng dahil don pero agad naman akong napaseryoso ng mukha.

ShotsWhere stories live. Discover now