CHAPTER 2: Kissing My Target

9.7K 339 24
                                    

Nanlalaki ang mga mata ni Sundee habang magkahinang ang mga labi nila ng lalaki. Tila ba namanhid ang labi at hindi na niya nagawang tugunin pa ang labi ng lalaki.

Naramdaman ni Samuel na natitigilan ang babaeng kahalikan kaya kusa na siyang bumitiw. Wala na siya sa harap nito pero nakatayo pa rin ito at hindi nagalaw. Para tuloy nagsisi siyang halikan ito pero infairness ay nalambot at masarap ang labi nito. Para tuloy bumaba ang confidence sa sarili dahil sa halik na iyon. Tila natabangan ang babae at hindi gusto ang halik niya.

"Mas masarap bang humalik ang Robert mo?" hindili tuloy niya napigilang itanong.

Nagulantang at tila nagising si Sundee sa kabiglaan sa tanong ng lalaki. "Hindi! Hindi!" tutol niya. "I mean, mas masarap kang humalik. T*ng 'na lang, niloko pa ako ng mukhang bisugong lalaki na iyon," gigil niya.

Napakunot-noo si Samuel. Laging sinasabi ng babae ang bisugo ngunit hindi niya naman alam iyon. "Anong bisugo?" tanong dito.

"Ha? Hindi mo alam?" gulat na tanong naman sa kaniya ng babae. "Isda iyon. Iyong ganito ang nguso," ani ni Sundee saka muwestrang nakanguso.

Kahit hindi masyadong tumatawa si Samuel ay napatawa siya nang makita ang ginawa ng babae. "Grabe! Saang lupalop ka ng mundo naglalagi at ni isda ay hindi mo alam?" gilalas niya saka naaalalang mayaman nga pala ito. Natampal pa niya ang noo niya. "Ay, oo nga pala. Mayaman ka pala, paano mo malalaman ang bisugo?" aniya. Ngunit napairap siya dahil nalamang ang lalaking kasama ay ang target niya. Sabagay hindi nito alam ang uri ng isda pero uri ng sasakyan alam nitong lahat. Halos yata lahat ay mayroon din ito.

Dahil sa tagal nilang pag-uusap ng lalaki ay tila nahimasmasan na sila. "Hindi ka pa ba uuwi?" Maya-maya ay dinig na tanong nito.

"Bakit? Nababagot ka na bang kasama ako?" aniya sa lalaki. Sa totoo ay napakalakas ng appeal ng lalaki. He has everything. Looks, career, money, fame. Lahat ng babae ay mahuhumaling dito. Ngunit winaglit niya iyon sa isipan.

"Malalim na ang gabi. 'Di bagay sa isang katulad mo ang umuwi nang gabing-gabi na mag-isa," anito na bakas pa ang concern sa boses nito. Napangisi siya.

"Ayaw mo lang na kasama ako noh! Madaldal ba ako?" kunwari ay tanong pa sa lalaki na halatang pinapaalis na siya.

Hindi kumibo ang lalaki. "Ay! Ang hirap kausap, ha! Sarili ko lang din sumasagot eh," aniyang pangungulit pa rito.

Kanina pa nagpipigil si Samuel. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit tila hindi umuubra ang talas ng dila sa babaeng kaharap. Gusto niyang sigawan at murahin ito gaya ng mga taong nasa paligid pero hindi magawa.

Nang hindi na talaga kumibo ang lalaki ay humakbang na pabalik sa pintuhan ng rooftop. Bago buksan iyon ay muli siyang lumingon sa lalaki.

"Alam mo, hindi mo na maibabalik ang buhay ng asawa mo kahit magmukmok ka pa! Maiksi lang ang buhay, you have everything. Get life! Ako, niloko man ako. Masaya ako at nakilala kita. Sundee nga pala," aniya saka tuluyang umalis.

Naiwang natitigilan si Samuel nang makaalis ang babae. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mamatay ang asawa ay napangiti siya.

Pagkauwi ng bahay niya ay agad na sumalubong sa kaniya ang kasambahay na si Salve.

"Bakit gising ka pa!" mataas agad na boses niya rito.

Napakamot sa ulo ang kawaksi. "Ser naman, eh. Nakasigaw ka agad. Hinintay lang kita, Ser," anito. Hindi masyado nagtatagalog kaya medyo malambot ang dila.

Napakunot-noo siya rito. Batid niyang babali na naman ito kaya kahit madaling araw na ay hinintay pa siya nito. "Oh, ano na naman iyon, Salve?" aniya.

"Ser," anito sabay kamot sa ulo.

"Babali ka?" aniya upang unahan na ito. Pagod siya at gusyo na niyang magpahinga.

"Kuwan, Ser. Oo eh," nahihiya pang wika nito. "Pasensiya na talaga Ser may sakit ang anak ko eh," katuwiran pa nito.

Agad na binunot ang wallet at binigay ang limanlibo. Saka dinagdagan ng limang daan. "Bumili ka ng bisugo!" turan saka iniwan na ito upang pumanhik sa kaniyang silid.

Nakamaang pa ang kawaksi ng iwan niya ito.

Kinabukasan ay maagang nagising si Samuel. May business meeting siya ng 10AM kaya maaga siya. "Manang Caring," tawag sa kusinera niya.

"Yes sir!" alertong tugon nito.

"Ayos na po ba ang almusal ko?" tanong rito.

"Opo, Sir, nasa komedor na. Naroroon na po si Salve," anito.

Agad siyang pumasok sa komedor at nakitang maayos na. Ang diyaryo sa gilid. May black coffee at may toasted bread, egg, ham at hotdog. Saka may nakatakip pa.

"Salve, ano naman iyang nakatakip?" nababaghang tanong niya rito.

Saktong papasok naman na si Manang Caring doon. Sila lang naman kasi ang kasalo rin ng lalaki sa pagkain. Kasi lagi rin namang kape lang din ang inaalmusal ng boss. Sila lang din ang umuubos ng inihahanda nilang pagkain.

"Salve, tinatanong kita?!" umiinit na naman ang ulo niya. Laging lutang itong kawaksi niya.

"Ser, ito po ang inyong pritong bisugo. Charaaaannnn!" anito sabay tanggal sa takip.

Napamulagat na lamang si Samuel ng makita ang hitsura ng pritong bisugo. Nakanganga pa ang isda saka umaalingaw-ngaw sa isipan ang sinabi ni Sundee.

'Lalaking iyon mukhang bisugo pinagpalit pa ako sa iba!' hinaing ng babae.

Sa isiping iyon ay napahagalpak si Samuel ng tawa. Tawa siya nang tawa habang ang dalawang kawaksi ay nagtinginan na lamang at nagtataka sa inaasal ng among laging galit. Ngayon lang kasi siya napatawa ng ganoon. Hindi maampat-ampat ang pagtawa ni Samuel.

"Bisugo ba talaga ito?" pangungumpirma pa sa mga kawaksi. Sabayang tumango ang mga ito. Muling napatawa ang amo ngunit ilang sandali ay sumeryoso na ito. Humigop ito ng kape saka tinignan ang diyaryo.

Hindi siya maka-concentrate sa pagbabasa ng news dahil nagsusumiksik ang huling sinabi ni Sundee. Nasabi rin kasi nitong hindi masarap humalik ang mukhang bisugo. Muli ay sinilip ang bibig ng bisugo na pinirito. Impit siyang napatawa.

Maya-maya ay tumayo na siya.

"Ser, hindi mo ba titikman ang bisugo?" ani ni Salve.

"Ayoko. Pangit ang lasa kapag kahalikan," anito saka umalis. Ngunit bago pa siya nakatalikod ay nakitang hinawakan nito ang isang pirasong bisugo saka hinalikan.

"Pwee!" ani ni Salve. "Manang natusok yata ang bibig ko!" maktol nito kay Manang Caring.

"Bakit mo naman kasi hahalikan? Aanga-anga ka talaga!" sermon naman ng matanda. "Kumain na lang tayo," anito.

Nakita pang maganang pinagsaluhan ng dalawang kawaksi ang bisugong isda. Muli ay naaalala ang babae kagabi.

Naghinayang pa siya at hindi nakuha ang kahit cellphone number nito.

Pagdating sa opisina nila ay nakita ang napakaraming tao. May pila pa. Agad na tumaas ang dugo niya. "Anong kaguluhan ito?!" sita sa guwardiya nila.

"Sir, 'di ba hiring kayo ng sekretarya niyo. Heto, po ang pila,' turan nito.

"Whaaaattt?!" gilalas na saad. "My God!" inis na tapik sa ulo. Libo yata ang naroroon at isang posisyon lang naman ang vacant. Mapipirwesyo pa sila sa naharang na aplikante.

Naiinis siyang lumakad nang biglang bundulin siya ng isang nagmamadaling babae na papunta sa guwadiya.

Mabilis ang ginawang paglakad ni Sundee. Hinintay niya talagang makita si Samuel bago siya umeksina. Hirap din ang ginawa niya. Halos hakutin niya ang buong baranggay nila upang pumila roon.

"Kuyaaa, resumè ko! Opppss!" aniya nang mabangga si Samuel.

"What the he—" putol na wika ng lalaki.

"Sorry, Sir! I'm so sorry, Sir. Please forgive me I can't stop loving you este hindi ko sinasadya," aniya rito.

Napakunot-noo si Samuel nang makilala ang babae. Ito ang babae kagabi sa rooftop. Kaya imbes na mainis ay napangiti na lamang siya. Akalain ba naman niyang nasa isip lang ito ngayon ay nasa harap na.


DETECTIVE SERIES5: Racing for Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon