"Anong nakakangiti?!" sita ni Sundee sa lalaking kanina ay mainit ang ulo. Akalain ba niyang ito ang kasama kagabi. Mukhang nag-iiba ang katauhan nito sa gabi. Kanina kasi ay tila tigre na gustong lumapa ang hitsura.
"Are you going to apply?" tanong niya sa babae.
Napataas ang kilay ni Sundee sa tanong ng lalaki. Ibibigay pa lamang niya ang kaniyang resumè sa guwardiya ng aksidente este sinadya niyang banggain ang lalaki.
"I said, are you going to apply?" ulit nito na tila nagmamadali na.
"Ah! T—yes, Sir!" sabad niya.
"Okay. You're hire," ani ni Samuel saka pumasok na sa building.
Halos mapanganga si Sundee sa ginawang iyon ng lalaki. Sa haba ng pila sa labas ng building ng mga ito tapos wala pang nai‐interview tapos hired na siya. Sa totoo ay pabor iyon sa kaniya pero parang unfair sa iba na 'di naman lang na-interview.
Maraming nakarinig sa sinabing iyon ng lalaki kaya marami ang tila nais magwala. Mabilis niyang hinabol ang lalaki saka dumipa sa daraanan nito.
Napakunot-noo si Samuel nang makita ang ginawa ng babae sa harap. Hindi siya nagsasalita at hinihintay itong magsalita.
'Suplado ng lalaking ito ah!' aniya saka kumuha ng buwelo. "Hoy! Este Sir, 'di ba unfair naman iyon? Hindi ka pa nga nagsisimulang interview-hin ang iba?" sita rito.
Napailing na lamang si Samuel. "Ayaw mo noon, hindi ka na mahihirapang hintayin ang tawag namin. Your hire," tahasang saad saka lumihis ng daan.
'Aba, tatakas ka pa,' aniya saka mabilis na hinarang ulit ang lalaki.
"Ayoko ko nang ganyan, Sir. Very unfair sa iba, baka 'di ako makatulog kapag tinanggap ko ang trabaho," saad.
Sa narinig buhat sa babae, ang iling ay biglang naging ngisi. Sa panahon ngayon, konsensiya pa rin ang pinapagana ng babaeng nasa harap niya. Ngayon nga kahit magkamag-anak nagpapatayan magkamal lang ng pera. Naisip tuloy ang tiyuhin niya. Hindi tuloy niya napigilang bumangis ang mukha ng maalala ang pagmumukha ng tiyuhin.
Napalunok si Sundee sa nakitang pagbangis ng mukha ng lalaking nasa harapan. 'Sige, ipakita mo kung ano ang nagagawa ng isang Samuel Del Monte kung nagagalit,' aniya sa isipan habang sinasalubong ang bawat titig nito.
Nang makabawi si Samuel ay nilapitan niya ang babae. Titig na titig ito. Hindi niya tuloy mapigilang hindi tignan ang malalambot nitong labi. Ngayon ay kitang-kita niya ito hindi kagaya kagabi. Sa pagkakatitig na iyon ay malayang naaral ang mukha ng babae at hindi niya maitatanggi na maganda ito.
Grabe ang kaba ni Sundee habang titig na titig sa kaniya si Samuel. Halos makalas ang mga rib cage sa loob ng dibdib sa lakas ng bayo ng dibdib niya. Galit at pagkasuklam man ang pilit isinisiksik sa isipan pero iba ang bayo ng dibdib niya. Napakaguwapo kasi ng lalaki idagdag pa ang tila napkasuplado nitong ugali. Mas malakas pa yata ang appeal kaysa kay Piolo Pascual. Lalo pa at tila papalapit nang papalapit ang mukha nito sa mukha niya.
Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya. Gusto niya sanang humakbang paatras nang marinig ang sinabi ng lalaki. Na halos gusto niya itong patikimin ng kaniyang malakas na suntok.
Napapangiti si Samuel nang makitang hindi mapakali ang babae nang unti-unti siyang humahakbang papalapit rito. Tila nais nitong tumakbo pero hindi nagawa. Unti-unti rin binaba ang mukha palapit rito. Kita pa sa leeg nito ang paglunok nito. Alam niyang apektado ang babae sa paglapit niya rito. Ramdam niya ang kaba nito at akmang aatras nang bumulong siya rito.
"Ikaw na binigyan ng trabaho. Ayaw mo pa! Okay lang, hindi ka kawalan!" aniya saka tuluyang umalis. Hindi na rin siya hinabol ng babae. Nakitang natigilan ito at nang makapasok sa elevator ay nakitang nakatayo pa rin ito sa pinang-iwanan niya. Bigla ay nagsisi sa sinabi rito. Saka nag-alala. Hindi siya pwedeng maging mabait, marami ang mapang-abuso. Tiyuhin nga niya ay nilinlang siya, iba pa kaya.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES5: Racing for Love(Completed)
ActionMamahalin mo ba ang lalaking naging dahilan ng pagkawala ng iyong pamilya? Paano kung ang lalaking ito ang siyang bubuo sa pamilyang matagal mong pinangarap. Isusuko mo ba ang hustisya sa ngalan ng pag-ibig.