Chapter 1

30 2 1
                                    

His.
© Dropdownbymygravity

'Paano ko ba uumpisahan ang kwentong gusto kong sabihin sa lahat?'

Panimula ko sa aking draft. Prente akong nakaupo sa swivel chair, tinataktak ang pambura ng lapis sa aking noo, ilang oras na akong nakaupo sa harapan ng laptop pero hindi ko pa rin mawari kung paano ko ba uumpisahan ang aking bagong kwento.

Nasa pang apat na libro na ko at bad idea yata na makuha ako ng isang publishing house para maging published author.

Pinaikot kong muli ang aking swivel chair at tumingin sa kisame ng aking kwarto. My works are all fiction, inspired lang ako magsulat sa hindi mawaring kadahilanan pero ngayong bayad na ang aking pagsusulat ay para bang nawawalan na ako ng motivation. Parang napepressure ako. Hindi 'Parang' dahil napepressure talaga ako.

"Plot. Plot. Plot." bulong ko na para bang nagdadasal. I can't let them down. Nag expect na sila sa akin at kapag sinayang ko ang pagkakataon ay masasayang pati na rin ang iba ko pang mga libro, though not all because they already published the others.

Nagring ang aking cellphone at ng makitang si Sari ang tumatawag ay sinagot ko nalang ito, iniloudspeaker at inilapag na muli sa aking lamesa. "Hellayna!" sigaw nya. Hindi ko alam kung bakit hilig ng mga tao sa paligid ko ang pagsigaw.

"Oh, bakit?" mag uumpisa na sana akong magtype ng sa haba ng binanggit nya ay mapatigil ako sa pagtitipa. Inilagay kong muli sa aking tainga ang cellphone at inalis ito mula sa pagkakaloudspeaker.

"Si Fraud nasa TV!" tili nyang muli. Mabilis kong pinindot ang remote ng flatscreen tv at inilipat ang channel nito sa channel na sinasabi ni Sari.

"Be ang gwapo nya!" tili nya. Nilapag ko sa aking binti ang cellphone at napatitig sa mukha ng lalaking gumulo sa utak ko noong highschool ako.

Si Fraud Millar.

Nakasoot sya ng isang magarang tux at sa tabi nya'y isang foreigner model. Seryoso ang kanyang mukha habang naglalakad sa red carpet ng event ng isang tv network. Matagal pa akong nanood bago ko napagtanto na ang event palang iyon ay ang movie launch ng kanyang Auntie.

Huling rumampa si Sir Neo at Mam Brielle na para bang hindi tumanda ang mga itsura.

"Hellaynaaaaa!" munting tinig ni Sari mula sa cellphone, inilapat kong muli ito sa aking tenga at pinatay na ang tv ng commercial na ang sumunod na palabas.

"Ayon lang ba ang itinawag mo?" irita kong tanong. Natawa sya sa akin at binago ang usapan.

Tinanong nya ko tungkol sa pagtuturo ko at kung anong plano ko ngayong wala na kong trabaho. I'm not really jobless right now, gusto ko lang libangin muna ang sarili sa pagsusulat, right now I just want a break from everything stressful, siguro ay magtravel na rin kung papalarin. Mag iisang buwan palang rin naman simula ng magresign ako sa pagtuturo.

"So iset up na ba kita ulit ng date? You're turning 30 next year kailangan mo na ng mapapangasawa." natawa ako sa narinig sakanya.

"I don't need anyone right now Sari. Kung tumandang dalaga, it's alright. Sa dami ng naghihiwalay at niloloko sa panahon ngayon ayoko ng sumali sa trend. Kung gusto mo ng lovelife ikaw nalang. Osha, sige na wala kang naitutulong sa peace of mind na kailangan ko."

"Peace of mind, peace of mind ka pang nalalaman. Kung gusto mo ng peace of mind iprint mo nalang yung isesend ko sa email mo. Nagbook ako ng ticket papuntang Cebu saiyo ko na lamang ipinangalan, kakaopen lang nung resort na pinagawa nila Yesha eh ang dami kong deadlines dito sa lintek na trabaho kaya sayo na lang yung slot ko. Alam nila na ikaw ang pupunta, iaassist ka ng mga iyon. Wag ng tumanggi. Next next week na iyon."

~~
"Axa!" deretso ang lakad ko dahil alam kong kay Fritz nanggagaling iyong boses. Siguro nga ay mali ang ideya na pinansin ko sya at nginitian. Ngayon halos lahat ng mga estudyante rito sa school ay iba ang tingin sa akin. God! Masama bang maging polite at magmalasakit.

"Hey stop!" Huminto ako sa pila ng mga kumakain at sumingit doon. Hindi ko na inintindi ang mga reklamo. Hindi ako nagugutom, oo, pero ayoko lang na mapag usapan pa ng mga kapwa seniors ko.

"I got yo-your wallet, nahulog saaa bag mo. Kung ayaw mo akong pansinin ku-kunin mo nalang kay Ate!" Lumingon ako sakanya dahil sa isinigaw nya at nakitang iniaabot nya na yon sa tindera ng stall ng fruit shake. Huminga ako ng malalim at umalis sa pila. Bakit nga ba ako tumatakbo palayo?

Oo.

Tumatakbo ako palayo dahil sya ang pinaka weird na tao sa buong year namin. Na dahil sa pagsunod-sunod nya sa akin ng mahigit dalawang linggo ay nilayuan na ako ng mga bago kong kaibigan. Na ayaw daw nila kumaibigan sa akin dahil panay ang tawag ni Fritz sa pangalan ko.

Bakit?

Kasi weird sya.

Gaano ka weird?

Braces, thick glasses, sobrang talino, may stalker tendencies, may speech disorder.. name it!

Lumapit ako sa babaeng pinagbigyan ng aking wallet at bumili na din doon.

"Gusto lang makipagkaibigan nung tao sayo, Miss isang straberry frappe." Tumingala ako pinanggalingan ng boses at tumingin sa paligid. Isang sikat na volleyball player at ang mga kaibigan nya ito.

"Teka? Ako kausap mo?" Turo ko sa aking sarili. Sobrang gwapo, parang galing sa mga manga na binabasa ko ang lalaking ito ah. Pero ang sungit ng aura nya.

"Bukang bibig ka nung tao, na kesyo nginitian mo daw sya, na baka daw for the first time may makipagkaibigan na sakanya. Guess he's wrong, you're like the others." Umiling-iling ito at kinuha ang order na frappe.

"Sad. Tumitingin ka din sa itsura at estado bago kumaibigan."

~~
"Hellayna. Hellayna Villa Velez." banggit ko sa babaeng attendant. Ipinangalan sa akin ni Sari ang reservation nya sa resort nila Yesha. Next week pa ang flight pero kailangan ko na daw kunin ang voucher para less hassle. May sampung minuto pa akong naghintay para sa confirmation at pag aabot ng reservation letter sa akin ay nakangiti akong nagpasalamat at umalis.

Nasa pang limang chapter na ako. Mabilis ang takbo ng storya sa isip ko na baka maipasa ko ito ng mas maaga pa. Sana. Ipinabasa ko ang prologue at mga nagawang chapters sa aming head editor at sinabing exciting ito kahit medyo clićhe ang plot. Pupwede na daw pumasa bilang isang mini series. Naexcite ako pero muli ring napressure. Paano kung sa mga susunod na chapter na magawa ko ay bigla akong mawalan ng gana?

Pumunta ako sa malapit na coffee shop matapos pumunta ng office para sa isang maaliwalas at tahimik na ambiance. Umorder muna ako ng makakain bago umupo at binuksan ang aking laptop, isinaksak ang earphones sa tenga at ilapat ang aking mga daliri sa keyboard.

Don't be pressured, Hellayna! Kaya mo yan.

Huminga ng malalim at ngumiti. "Okay Hellayna. Start!"

--
To be continued..

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon