Chapter 6

12 1 0
                                    

His.
© Dropdownbymygravity

Tinawagan ko si Sari at nag rant sakanya, ngunit tinawanan lang ako ng impakta na para bang ayon talaga ang nasa plano. She even told me that I should moved on and enjoy my vacation.

Ibinaba ko na lamang ang tawag dahil tama naman ang kanyang sinabi. I should enjoy the whole place and stop drooling, I mean stop thinking about Fraud.

Nagbabad muna ako sa bath tub at nag isip ng mga susunod na isusulat. Wala na rin akong halos matandaan sa mga nakaraan at ngayong nakita ko pa ang malaking parte ng mga alaala na yon ay mas nagulo pa ang isip ko. Napabuntong hininga nalang ako ng hanggang sa sumapit na ang gabi ay hindi ko pa rin nadadagdagan ang naisusulat.

Lumabas ako at dumeretso sa beach bar, maraming tao, mga foreigner ang karamihan. I'm not into dancing, hindi rin ako masyadong umiinom, depends kung tense or kagaya nitong mga oras na ito.

Bumili ako ng isang stick ng lights at sinindihan gamit ang lighter na nakuha ko sa ibabaw ng table sa labas ng kwarto ko. I need inspiration.

"Pwedeng makisindi?" tinungga ko ang rum na aking inorder at hinagilap sa bulsa ko ang lighter. Iniabot ko sa lalaking nanghihiram ng hindi man lang ito tinitignan.

"Hindi bagay sa iyo ang manigarilyo at uminom, you look like an underage." may panunuya pa sa tono nya na inirapan ko. You don't need to entertain such assh*les Hellayna. Itinulak nya pabalik ang lighter.

"You're a snob. Hindi bagay." and there. Maybe I need to tell this assh*le to mind his own business and shut the fck up.

Lumingon ako at nawala ang inis ko ng makita ang isang pamilyar na mukha.

"Nainis ka ano?" ngisi nya. Umorder sya ng isa pang baso ng rum at tinulak ito palapit sa akin.

"Kailan ka pa bumalik?" hindi makapaniwala kong tanong. This shthead!

"Three weeks na rin. Pupuntahan sana kita sa inyo but coincidence, you're here!"

Tinapon ko ang yosi at inapakan nya yon. As always as to Rome. Maraming bawal.

"It's been three years!" natuwa kong bawi. I miss this assh*le.

Marami kaming napagkwentuhan, he's still the same. Parang walang nagbago. We talk all night at ng mag 3am na ay nagpaalam na sa isa't isa. Hinatid nya ko sa aking cottage bago sya umalis. It's good to see old people. Old memories coming back. Napangiti ako at mabilis na binuksan ang aking laptop. At last.

***
I don't know where's Frits now. May dalawang buwan na ang nakalipas simula ng huli ko syang makausap. I want to say sorry sa lahat ng nagawa ko, sa mga nasabi ko, maybe I'm being too harsh on him. Hindi naman nya ginustong hindi sya lumalaban sa nangbubully sakanya. Napabuntong hininga ako at pinasa sa harapan ang blangkong answer sheet. I don't have it in me. Wala ako sa aking sarili. I'm too occupied of these what ifs. Paano kung wala na, kung lumipat na sya ng ekwelahan? Kung pinahinto na sya ng pag aaral? I don't have any other friends here, I choose him to be my one and only friend pero umalis sya?

Umiling ako at inalis sa isip ko ang mga tanong. Baka nagpapagaling lamang sya. Baka babalik rin sya. Sana.

"Okay ka lang?" kalabit ni Quade. Nakatingin sakanya ang iba pang mga kaibigan nya. I didn't answer his question. Baka isumpa pa ako ng mga kaibigan nya.

Tumayo ako ng marinig ang bell at dumeretso sa back door ng classroom. Huminga ako ng malalim at naisip na puntahan ang pinsan ni Frits.

"Alec!" sigaw ko ng makita ito sa soccer field. Nilingon ako nito at matagal na tinitigan. Umirap sya, binitawan ang bola at lumapit sa akin.

"Kailan babalik si Frits?" nagkibit balikat sya sa aking tanong.

"Baka hindi na."

Napanganga ako sa narinig ko pero mabilis akong bumawi ng mga tanong.

"Tita decided to bring him to Manila. Nalaman nya ang mga nangyari rito. Ang mga bumully sakanya ay matatanggal naman. Why you asking? Hindi mo na sya kinausap matapos non hindi ba?" napasinghap ako at napakagat sa aking labi.

"Saan sa Manila? Anong school?"

"Ayaw nyang malaman mo. You're one of the reason why he left." natameme ako, gusto kong magtanong muli pero ayoko na rin. Umalis si Alec at doon ako napaiyak. Nanikip bigla ang dibdib ko. Ganon ganon lang yon? Ganon kabilis? Hindi man lang sya nagpaalam? Gawain ba yon ng isang kaibigan?

"Axa." iniangat ko ang aking ulo at nakita si Quade sa hindi kalayuan sa akin. Hagulgol na ang kaninang iyak lamang. Paano na? Paano ako? Ganon ganon nalang ba?

.
.
.
.

"I have all the notes. Kopyahin mo nalang. We have exams in few subjects too, magreview ka." tumalikod sya at tuluyang lumabas ng canteen. May isang linggo na rin magmula ng malaman kong lumipat na ng paaralan si Frits. May galit ako sakanya dahil sa hindi nya pagpapaalam pero siguro nga ay unfair na masyado ang mga tao rito. Unti unti ay nakakarecover ako. Hindi ko alam kung bakit ako tinutulungan ni Quade sa mga academics ko but I decided to ignore all the posibilities. Tinanong ko na rin naman sya tungkol doon pero hindi nya ako sinagot.

I survived half of senior year with Quade's help. Iniignore na ako ng iba at dahil doon ay okay na ako. I gain a few friends mula sa mga lower section pero kapag naaalala ko si Frits ay dinadapuan pa rin ako ng lungkot at mga tanong. Para bang nag aaral lamang ako pero hindi ako masaya. My grades are okay but I can't be fully happy.

.
.
.
.
Sinindihan ko ang nag iisang stick na sigarilyo mula sa kaha. Tiningala ko ang full moon na nagbibigay ng liwanag mula sa isla. Hindi ko alam kung sapat na ba ang naisulat ko para sa gabi na to, I feel restless, para bang ngayon lang nangyari na ang escape ko mula sa mundo ay ang dahilan kung bakit napapagod ako.

Napaso ang aking labi ng hindi ko mapansin na filter na lang pala ang natitira. Pinatay ko ang baga sa ashtray at pumikit ng sandali.

Kailangan ko ng matapos ang kwento.

"Sht!"

Napadilat ako at nakita ang lalaking susuray-suray na naglalakad sa aking banda. Malapit ang mukha namin sa isa't isa. Naaamoy ko ang matapang na alak sa kanyang bibig sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

My heart is racing.

Tumitibok ito ng mabilis kagaya ng pagtibok nito ng muli kaming magkita 9 years ago.

Ngayon nalang ulit tumibok ang puso ko ng ganito. Ngayon na lang ulit.

--
To be continued..

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon