His.
© DropdownbymygravityContinuation..
~~
"Matataas ang grado mo hija. Ayaw mo bang sa Section A na lamang mapunta?" Tanong sa akin ng assistant principal na nag assist sa akin. Tumingin ako kay Lola at ngumiti."Okay na po ako sa Section C Ma'am. Baka po mapressure ako sa Section A." Sagot ko. Tumango ito sa akin at ibinigay ang isang index card kung nasaan nakalagay ang magiging classroom at ang adviser ko sa taon na ito. Nag thank you ako sakanya at dinaluhan naman ako ng isang class officer para ilibot sa buong school. Umalis na si Lola dahil marami pa syang aasikasuhin sa kapatid kong si Harvey. I didn't mind though. Sanay naman na ako at highschool na rin.
"This is the canteen. Sa likod naman nito ang building ng mga freshmen.." Tinuro ng nagngangalang Divina ang iba pang buildings. Tumango lamang ako. Madali lang palang malaman kung saan ako pupunta dahil magkakahiwalay ang building ng bawat year.
"Doon ang faculty. Lahat ng teachers from freshmens to senior ay doon makikita, doon naman ang building natin.. Tara."
Tumango ako at sumunod sakanya. Tinanong sya kung anong section nya at nalaman tiga section A pala sya. Sa bawat year pala ay may hanggang Section J, A ang highest at section J naman ang lowest. Sa dating school ko ay mas madami ang mga section, dito ay hindi gaanong madaming estudyante kaya hindi crowded.
"8 am ang klase, per subjects ay 1 hour and 30 minutes kada isa." Tumingin ako sa aking relo at nakitang may 20 minutes pa bago ang totoong klase.
"May alam ka bang sports? Teka ano nga ulit name mo?" Ngiti nya sa akin.
"Axa Tequiro." Ngiti ko pabalik sakanya. Nag wave sya sa mga lalaking nasa covered court na naglalaro ng volleyball.
"Badminton pero hindi naman ganon karunong."
"Madami kasing activities dito. Mostly sports, may mga clubs din dito na pupwedeng salihan. Nasa literature club ako, kung gusto mo sumali iapproach mo lang ako ah. Ako kasi yung club president." Nakarating kami sa classroom kung saan ang section C kaya't nagpaalam na sa akin si Divina. Umupo ako sa pinakadulong parte ng classroom at nagfamiliarize ng mga nakikita. Maybe it's not that bad after all. Pupwede akong magkaroon ng mga bagong mga kaibigan at hindi ko na maaalala ang mga naiwan ko sa dating school.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang diary ko sa aking bag.
Wala pa yatang sampung minuto ay nagpasukan na ang mga kaklase ko. Sumunod ang isang babaeng teacher na nasa forty's na may makapal na eyeglasses.
Akala ko'y masungit ito pero ng ngumiti ito sa akin ay nagkamali yata ako.. yata, hindi ko pa alam.
"Axa?" Sumenyas syang lumapit ako sa harap na mabilis kong sinunod. The worst part of every first day, the introduction.
"I'm Axa Tequiro, 15 years old, transferee from St. Tomas Academy. Nice meeting you all." Nanginginig kong sabi. Lumapit sa akin ang teacher namin na si Ms. Pavillon na syang class advisor rin pala namin. Nagpakilala sya at nagbigay ng mga rules sa kanyang klase.
Umupo ako sa kaninang upuan ko at tumingin sa nag eexplain na teacher. Siguro ay kung hindi ako late ng isang grading ay hindi ganito ka awkward, pero sabagay, first day pa lamang naman ito at madami naman siguro ang magiging kaibigan ko sa mga susunod pang mga araw.
Natapos ang pangatlong subject namin at break time na ng lahat. Naglalakad akong patungo sa canteen ng may sumunod sa akin at tinawag ang aking pangalan.
Sila yung mga nasa middle row ng klase kanina.
"Hi ako nga pala si Dae!"
"Isha."
"Keith."
"Ako naman si Quade."
BINABASA MO ANG
His
RomanceOur old story still hunts me. Maybe our story wasn't ordinary. I love him and I'm his, completely.