Chapter 3 - The Decision

73 2 2
                                    

it's been two weeks since the 'secret admirer' proposal...

at naghahati ang utak ko ngayon...

gagawin ko ba? o hindi?

Konsenya: sige na, gawin mo na, it's your chance..."

eh paano kung hindi niya basahin?

Konsenya: bakit ang nega mo? edi wag mo nang ilagay... 

eh, sayang naman kapag hindi ko nilagay...

Konsensya: edi ilagay mo na... dali na... 

eh kung ikaw kaya...

Konsensya: ay, shunga ka? kung hindi ako konsensya lang, kanina ko pa nilagay yan... ilagay mo na nga...

Yan ang pagtatalo ko at ng konsensya ko... Paano kasi, kanina ko pa pinag-iisipan kung ilalagay ko ba itong letter na to o hindi.

Nandito kami ni Aina ngayon sa tapat ng locker ni Kyle... At kung paano ko nalaman kung alin ang locker niya? Dahil kay Aina, isa ding parang detective. Nagtanong-tanong daw siya.

Ewan ko ba, pero, parang close sila ni Kyle. Pero hindi parang more-than-friends close. Parang... basta... parang ang tagal na nilang kilala ang isa't-isa....

"hoy, gf, ano ilalagay mo o hinde? anytime dadating na yun. bilis na!"

Bumalik ako sa katinuan dahil sa boses ni Aina. Oo nga pala, maya-maya ay pupunta dito si Kyle para kunin ang practice uniform niya para sa soccer practice nila.

"i-shoot mo na kasi yan, gf!" nag-aalburutong sabi ni Aina.

"teka naman, nagrarationalize ako ng pwedeng mangyari..."

"utang na loob, gf. Ngayon lang, wag ka muna mag-rationalize... ilagay mo na.. walang mawawala sa'yo..."

"eh, paano kung..."

"hay nako... akin na nga..."

Bigla niyang hinablot ang letter sa kamay ko saka isiningit sa locker ni Kyle...

HALA!! shinoot niya!!

"bakit mo nilagay??"

"bakit? ilalagay mo rin lang naman eh..."

"dapat ako maglagay..."

"eh, ang tagal mo eh... magriring na yung bell..."

"hindi pa n----"

*RRRIIIIIIIIIIIIINNGGG!!!!*

"see? lika na, lalabas na yun ibang students. Malapit na din pumunta dito si Kyle. Dun na tayo sa gilid. Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya."

"h-ha? ah... eh... sige."

wala na akong nagawa, hinila niya na ako papunta sa likod ng isang poste na hindi kalayuan mula sa locker. Nagtago lang kami dun. Hindi ako mapakali...

Lakad dito... Balik doon...

"gf, wag ka nga pabalik-balik diyan... sinusumpong ka na naman ng panic attack mo diyan... ikaw kaya tumingin dito..."

"a-ayoko... i-ikaw na lang. Ikwento mo na lang sa akin kung ano..."

"hay nako... ikaw nga dito... ayan na siya... halika na, dali."

hinila niya na naman ako para makita ang paparating na si Kyle. Bakit ba pati paglakad niya, ang gwapo??

Ayan na...

Nasa tapat na siya ng locker niya...

Inikot-ikot niya yung para sa code.. yung parang sa vault na iniikot.. hindi ko alam yung tawag dun eh.

Ayan na...

Binuksan niya na yung locker niya....

Napakunot ang noo niya...

NAKITA NA NIYA!!!!

Inilabas niya na yung letter....

Inikot-ikot niya yung maliit na envelope. Nakakunot parin ang noo...

Binuksan niya na yung envelope.

Wag mong basahin!! WAAAAAAAAG!!!

Nilabas niya yung piraso ng papel. 

Babasahin na niya!!!

Binabasa na niya...

Nang matapos niyang basahin ay tumingin siya sa paligid... Parang hinahanap niya yung naglagay nung envelope.

Mabuti na lang at malapad tong posteng pinagtataguan namin kaya hindi kami makikita.

Bumalik ang tingin niya sa papel.

At...

Magkakaroon ata ako ng Heart Attack!! Sheeeeet!!!!

Ngumiti siya... ibig sabihin...

I'm now his official 'Secret Admirer'....

That Same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon