Chapter 5 - The Plan

41 3 0
                                    

kung hindi siguro dahil sa pagturo ko sa kanya tuwing umaga, hindi na talaga kami magkakausap.

kahit sabihin pang halos 30 minutes lang... THE BEST parin!!!

whoo!!!!

ang sarap nga ipagmayabang kung hindi lang balik sa dati ang peg nitong lalakng to...

"oh, di ba dapat, masaya ka?? bakit ganyan mukha mo?"

"eh, kasi naman, gf, kala ko okay na kami... yun pala, hindi pa... tutor niya lang ako tapos balik din sa dati pagkatapos..."

"pumayag ka kasi eh... pero, to think na tuwing umaga kayong nagkikita tapos may time kayo sa isa't-isa... gf, okay na di ba??"

heto na naman po tayo...

"yun na nga lang ang iniisip ko eh..."

"pano kaya kung unti-untiin mo na na ipaalam sa kanya kung sino ka talaga?? 2 weeks straight mo na din siyang pinapadalhan sa locker ng letters... at sabi mo mukhang gusto niya na malaman kung sino ka... so why not tell it na?"

"edi ba nga, hindi ko kaya? kaya nga ginagawa natin yung paglalagay ng letters eh..."

"eh, paano kung may ibang tao na magclaim at maniwala siya?"

napatigil ako dun ah... oo nga, kalat na sa buong  campus yung tungkol dun. paano nga kaya kung may magclaim?

"edi, bahala na... ayoko pang ipaalam..."

"hay nako gf, ayan ka na naman... hindi mo naman agad na sasabihin eh..."

"eh, paano kaya kung tigilan na natin??"

"WHAT?!!"

eskandalosa talaga 'to kahit kelan...

"wag ka ngang maingay... nakatingin na sa'tin yung mga tao oh..."

"eh sino bang hindi magugulat sa sinabi mo??"

"eh, kasi naman, parang wala rin namang mangyayari eh..."

"anong walang mangyayari? hello?! hindi ba, sabi niya gusto na niyang makilala kung sino talaga yung nagpapadala nung mga yun?"

"oo... pero..."

"o sige... ganito... subukan natin kung magiging interested parin siya kung once a day ka na lang maglalagay?"

"parin? eh, hindi naman siya naging inte---"

"anong hinde? why do you say na hinde eh lagi nga niyang chinecheck kung meron kang letter eh... hindi pa ba interested yun?"

"eh..."

"gf, trust me..."

ayan na naman kasi eh... may tiwala naman ako ah...

"eh may tiwala naman ako sa'yo eh... pero sa sarili ko wala... may ilang beses na din akong muntik mahuli di ba? buti na lang nakakaisip ako ng palusot o ng excuse... tapos minsan naman buti na lang meron ka... paano kapag one of these days mahuli na talaga niya ako?"

"basta... saka, ipapahamak ba kita...?"

"sige na nga... what's the plan?"

"ganito... we'll make him guess, kung sino ka, tapos kapag may hint na siya na ikaw nga talaga we'll set it up... pero, dapat kailangan maging friends muna kayo para hindi na mahirap kapag nalaman niya..."

"hindi kaya mas maging mahirap kapag friends na kami??"

"bakit naman?"

"kasi parang niloko ko lang siya??"

"hindi ah.. paano naman? ah, basta... ganun na... we'll make steps para malaman niya..."

"what steps??"

"ako bahala..."

basta talaga mga plano para sa akin walang tatalo kay Aina... ano na naman kaya pinaplano nitong babaeng to?

sana lang mag-work...

haay..

That Same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon