Chapter 7 - The Day Ender

45 3 4
                                    

"I'm home!" bati ko pagdating ko sa bahay...

actually, hindi 'sa bahay' mismo.. I live in a apartment. Independent na ako matapos ko grumaduate ng college. At malayo-layo ito sa bahay namin.

"hoy babae, san ka nanggaling?!? aber!?" biglang sulpot ng boses.

"langya ka naman Arbie! bigla-bigla ka na lang sumusulpot! Kanina ka pa ba diyan?" sagot ko sa kanya...

yan si Arbie... ang gwapo kong kaibigan na magulo ang utak. Ang misteryosong tao niyan, sobra, hindi ko nga alam kung bakla yan o hinde eh. ayaw na kasi pumasok sa isang relationship after nung nangyari sa kanya. May pagka-woman-hater na din simula nun. Saka, may pagka-feminine kasi. Kaya medyo nag-iingat ako pag lalapit diyan.  Alam niyo na... :D

Parehong magulo ang buhay namin nung nagkakilala kami. Siya, kakagaling sa isang super duper heart break na eksena at ako naman, ang gagang naloko at nanloko. Kaya, eto kami ngayon, magkasama sa isang bahay. Super Friends!! haha. Oops! hindi lang naman kami syempre. may mga kasama pa kami. Sila Dane at Pawi. Pinsan ko si Pawi at si Dane naman ang kapatid ni Arbie.

"medyo. san ka nga nanggaling?? ang aga mo umalis tapos ngayon ka lang umuwi? kumain ka ba?" haay nako, nagsesermon na naman po...

"pumunta lang po ako ng cafe, ser! opo, kumain na po ako dun, ser! maaga pa naman po. Tirik na tirik pa yung araw oh, ser!"

ang gandang pagtripan tong taong to eh. haha. hindi napipikon. Haha.

"oh, sige, ma'am ha. magpahinga ka na po madame. kung nagugutom ka, may pagkain pa diyan. ipinagluto ka po namin madame..."

"okay po, ser!" tapos tumawa ako ng malakas.

"ate, nandiyan ka na pala... anong nangyari sa paglabas mo?" biglang sulpot ng topless na si Pawi na mukhang bagong ligo..

"hoy, bata ka, kelan ka pa natutong maghubad sa harap ko ha?? magbihis ka nga..." 

"opo. Kakaligo ko lang naman eh, kaya ako nakaganito.." sagot ni Pawi. Nasabi ko na bang, lalake i Pawi?? kung hindi pa, well, yes. Lalake si Pawi. At pakipaalala nga sa'kin kung paano naging magandang lalake itong batang to??

Pagkatalikod ni Pawi sa amin ay biglang lumabas si Dane galing sa kwarto niya.

"kuya, nakita mo ba yung---- waaaaaaaaaaaahh!!! bastos! bastos! Lumayas ka dito!! sino ka bang bastos ka?!" nasaktong nagkabanggaan ang dalawa. Pinaghahampas naman ni Dane si Pawi.

"aray! a- teka! aray! aray! ano-- aray ko! hoy--- teka-- ano ba!? Ako to, dane!" anggil ni Pawi. Tinitignan lang namin silang dalawani Arbie at medyo natawa na.

"Bastos ka! Bastos! lay---- huh?" napatigil sa paghampas si Dane at tinignan si Pawi.

"aray ko!! parang namanhid na ata yung mga pinalo mo... Baliw ka talaga. Ewan ko sa'yo! Dyan ka na nga." inis na sabi ni Pawi at saka umalis.

"waaaaaaah!!! Sorry Paw!! Hindi ko naman alam eh. Pasensya ka na!! Bakit naman kasi topless ka eh... kala ko tuloy nakapasok na dito yung lasenggo dun sa tindahan sa kanto. Sorry!!" sabi naman ng paiyak nang si Dane na sumusunod kay Pawi. Ang kyot talaga tignan nung dalawang yun.

Nagkatinginan naman kami ni Arbie ng sinundan ni Dane si Pawi hanggang sa kwarto nito. Sinundan namin ni Arbie yung dalawa pero nung malapit na kami sa pinto biglang....

"waaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!!!" nadinig namin ang sabay na sigaw nung dalawa.

Naloko na!!

"Labas! Labaaaaaaaaaaaaas!!"

"bakit hindi mo sinabing magbibihis ka pala!!??!!!"

"ako pa may kasalanan?! bakit mo ko sinundan?!"

"eh, magsosorry lang naman ako eh. Saka, malay ko ba! Hindi ka naman naglock ng pinto eh... Waaaaaaaaaaah!!! Lalabas na ko! Magbihis ka na!"

"talaga!"

Pabalag na isinara ni Dane ang pinto ng lumabas ng kwarto ni Pawi.

"nakakainis! nakakahiya! bwisit!" pabulong na sabi ni Dane habang pabalik sa kwarto nito.

Ang cute-cute talaga nung batang yun. Haha. Bagay sila ni Pawi.

"hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan??"

nagulat ako nang magsalita bigla si Arbie. Kabute talaga to.

"wala! kausapin mo si Dane. Kausapin ko na lang si Pawi." papasok na sana ako sa pintuan ng umiral na naman ang mapang-asar kong utak. >:) "bie, gusto mo ikaw na lang kumausap kay Paw?? topless oh..." sabi ko with matching pataas-baba ng kilay.

"ulul!" akmang hahampasin na niya ako ng pumasok ako sa kwarto ni Pawi.

Wala naman akong balak kausapin si Pawi eh.. Ewan. Gusto ko lang siguro na kahit papano eh makahinga ako. Saka, ewan, iba parin talaga yung mood ko dahil dun sa pagkikita kanina. *sigh* napasandal ako sa pinto.

"ate?" iniangat ko ang ulo ko.

"dito muna ako ha." paalam ko at pilit na ngumiti.

"anong nangyari? spill, ate. Makikinig ako. okay ka lang ba?" lumapit sa'kin si Pawi. i just bowed my head.

When his hand tapped my shoulder, my tears started to fall. I never expected na ganito parin ako kaaffected. It's been 3 years.. yet, i never really did move on. Seeing him in front of me... hindi ko alam pero nandun parin yung sakit.

Hindi ko namanlayan na humahagulgol na pala ako ay akap-akap na ko ni Pawi. I just can't help myself from crying.

"I saw him again. Nakita ko ulit siya Paw... at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko... Nakilala niya ako pero I pretended to be someone else."

"sssshhh... tahan na ate. Tahan na. Upo ka muna" he lead me sa bed niya at pinaupo. Buti na lang at meron si Pawi.

"ate, iiyak mo lang. Sabihin mo kung ano ang gusto mo. I'm just here to listen."

Medyo nakalma na ako at sinimulan ko nang ikwento yung nangyari sa cafe kanina. I was crying the whole time na nagkukwento ako. Hindi ko nga alam kung naiintindihan pa ako ni Pawi eh. He just keeps on rubbing my back for comfort. nung matapos akong magkwento, parang nabawasan na din yung bigat sa dibdib ko.

"ate, ikukuha lang kita ng tubig ha. Wait lang. Relax ka lang diyan." nakangiting sabi ni Pawi. Ang bait talaga ng batang to.

Tumango lang ako. Pagkalabas niya ng kwarto, nahiga ako. Nakatitig lang ako sa kisame. Ilang sandali pa ay nakaamdam ako ng antok at unti-unting pumikit ang aking mga mata. Pagod. Napagod ata ako dahil sa pag-iyak.

Gising pa ang diwa ko pero ayoko nang dumilat. Nadinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Pawi tapos ay sumara ulit. Maya-maya ay nadinig ko na naman itong bumukas. Naramdaman ko na parang may lumapit sa'kin. Naramdaman ko na lang na binubuhat na ko. Parang kusang gumalaw ang mga kamay ko at kumapit sa leeg ng bumuhat sa'kin. Nadinig ko ulit na sumara ang kwarto at bumukas naman ang isa pang pinto.

"kuya, ikaw na bahala ah." dinig kong sambit ni Pawi.

Si Arbie. Bakit ganito yung feeling?? I feel safe in his arms. Next thing i knew, i was being put down in my bed. I know it's my bed.

"thank you." nasambit ko na lang. Then I turned around to face the other side of the bed.

I can hear his steps heading towards the door. I heard him turned the knob and opened the door. Then the unexpected day ender happened...

"Just stop crying. It hurts me. A lot." he said and went out of my room.

That Same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon