Chapter 4.1 - The Signs

64 4 0
                                    

comment naman diyan!! hehe. hindi ko alam kung nasasayahan ba kayo sa binabasa niyo o hindi eh.. haha.

hindi naman ako snob eh... sasagot ako. PROMISE! ^_^v

saka kung may mga tanong o may mga gusto kayong sabihin sa'kin, magpadedi or anything... GORA lang!! 

aasahan ko yan, after ng chapter na to ah! ENJOY!!!

---------------------------------------------

Ang aga ko na naman pumasok dahil maglalagay na naman ako ng letter sa locker ni Kyle. Loner ako ngayon... Ang kupad kasi ni Aina eh. Naliligo pa lang kaninang paalis ako ng bahay. Mabuti na lang at, wala pa masyadong pumapasok na estudyante kung hindi, nakakahiya kapag may nakahuli sa akin...

Nasa tapat na ako ng locker... ikatlong araw ko nang maglagay ng letter at ikatlong araw na akong kinukulang ng tulog!!!

kung hindi lang kita crush, itinigil ko na 'tong kagagahang 'to...

hanggang ngayon, sa tuwing tatapat ako sa locker niya, nagdadalawang isip parin ako kung ilalagay ko ba o hinde... bakit pa kasi siya ngumiti eh...

nagets niyo ba kung bakit sa ngiti niya eh, naging official 'secret admirer' niya ako??

ganito kasi yun...

*Flashback*

"so, gf, ano na??"

umupo sa tabi ko si Aina. Nasa harap ko kasi siya nakaupo kanina eh. Kanina pa kami dito sa library, gusto kong mag-isip...

"eh, wag na lang kaya gf??"

"ano?? kanina, okay ka na?? tapos ngayon, wag na naman? Gf naman.."

"e-eh... k-kasi..."

"oh sige... ganito na lang... kapag lalake yung pang 16 na dumaan sa harap natin, pupunta tayo... kapag hinde. edi, wapakels.. easy, right?"

"hmm... eh...."

"ops, oo at hindi lang gf... kahit ngayon lang, wag ka muna mag-reason out."

"o sige na nga..."

"good. now, maghintay na lang tayo..."

Umupo lang kami dun, kunwaring nagbabasa ng libro.. After mga 30 seconds... 

Unang dumaan, babae...

Pangalawa, Babae ulit...

makalipas ang 15 minutes... medyo, nabobore na kami ni Aina... Nakakasampung tao na ang dumadaan at puro babae lahat!! Ewan ko ba pero, medyo hindi ako natutuwa..

"Gf, matagal pa ba?? Wag na lang kaya... puro babae rin naman oh.."

Napataas ang kilay ni Aina saka tumingin sa'kin...

"Gf, ikaw?? Umaayaw sa inumpisahan mo? Don't tell me, you're losing hope? Disappointed? Aminin!!"

eh, pano naman kasi...

"Medyo..."

"hay nako... haha. hindi yan, maghintay pa tayo... anim na tao na lang oh..."

"sige na nga..."

after 10 minutes... isang tao na lang ang kailangan para malaman namin kung pupunta nga kami oh ano... at alam niyo ba?? PURO BABAE LANG NAMAN ANG DUMAAN... 15 out of 16 puro girls... Nakakawala ng gana!! (' _ _)

"gf, ayan, may dalawang parating...." kalabit ni Aina.

napaangat ako ng ulo... isang babae at isang lalake ang magkasabay na naglalakad padaan sa direksyon namin...

malapit na...

malapit na...

lumiko yung babae sa isang shelf...

YES!!

naglalakad parin yung lalake tapos...

( '" __ __)

ANG SAKLAP!!! lumiko na lang bigla sa isang shelf ang damoho!! 

"sayang, gf! Ayun na eh... Dadaan -------"

*WHOOSH*

isang napakabilis na pangyayari...

isang kumakaripas na lalake ang biglang dumaan... este, tumakbo sa harap namin...

"GF!! oh, anong sabi ko sa'yo?? ayon na oh..."

"nakita ko nga..."

so itutuloy na talaga namin ito...

That Same GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon