chapter 1: introduction

33 0 0
                                    

 “Ma, Pa alis na po ako” nagpaalam na ako kay mama at kay Papa. First day of school na naman. Pero di  ako excited.

Thirty minutes  na lang  time na, nasa sakayan pa lang ako at magbyabyahe pa. buti na lang first day of school walang late, kundi tutuksuin na naman ako ng mga kaibigan ko na hindi na ako nagbago. Titolo ko na kasi ang pagiging isa sa mga Ms. Late ng batch namin.

“hi eli!” boses un ni Martina. childhood friend ko sya at ngayon matalik na kabarkada.

Sya nga pala, bago ang lahat. Ako nga pala si Elijah. Fourth year high school na ako sa Vince Ong High school

“hi Marti, I knew na makakasabay talaga kita, what else is new” ang dami ko na naman gustong ikwento sa kanya.

“haha, wala ng bago. And trust me dadating pa si Julia” sagot nya

A few moments later, may humintong tricycle. Bumaba si Julia. Hindi nga kami nagkamali. Sumunod na rin sa pagdating si Princess.

Nagtawanan na lang kami dahil eto na naman kami, ang mga reyna ng 2nd subject. Ilang sandali pa ang nakalipas umandar na ang jeep na sinasakyan namin. Walang sawang kwentuhan at asaran na naman ang byahe namin at pareparehong nasasabik makarating sa school at Makita si Alianne at Mel.

Nang hindi namin namamalayan, nasa school na pala kami. Sa pagbaba namin sa jeep ay sya ring baba ni Alianne at Mel sa jeep na sinasakyan nya. Magkaiba kasi kami ng bayang tinitirhan pero iisang lalawigan at angschool naman naming e sa ibang town proper din matatagpuan.

*giggles;hugs;laughs* buo na naman kaming anim, ika nga Riot na naman. Yanig na naman ang mundo sa tawanan at kwentuhan naming lahat.

Sa pag pasok namin sa gate ng school namin. Dito na magsisimula ang Tunay na kwento.

Bago ko simulan bibigyan ko muna kayo ng ideya tungkol sa nakaraan ng aming barkada.

Nabuo kami noong kalagitnaan ng first semester nung first year kami. Originally, magkaklase talaga kami. Pero dahil sa mataas na standard ng school namin, nagrere’rank sila ng mga estudyante taon taon at ilalagay sa sectioning kung saan magkakasama ang mga estudyanteng may magkakalapit na marka. Ideally, 45-50 students lang kami per block.

Magkakaklase pa rin kami hanggang second year, kung saan napatatag na ng panahon at pagkakataon ang samahan naming anim. Dumaan na rin sa pagsubok tulad ng lahat ng pagkakaibigan.

Ngunit ng dumating kami sa ika-3 taon naming sa high school ika nga junior year, napahiwalay sa amin si Princess. Pero hindi ito naging hadlang sa masayang barkadahan namin. Sa katunayan napatatag pa lalo kami.

the story behind USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon