chapter 7: love kita overflow

18 0 2
                                    

oo na inlove na nga ako sa kanya pero wala ni isa sa barkada ang nakakaalam, tangin si annie at rick lang.

si julia at jerrid going strong daw. si princess at si russel ganun din. si alianne forever inlove. si marti not so interested. ako eto umaasa na naman sa wala. madalas ko na ngang tanungin ang sarili ko kung mahirap ba talaga akong mahalin? o dahil mataba ako. yun siguro.

sa pagdaan ng oras, sa di inaasahang pangyayari na may magulong dahilan na hindi ko na mamarapating idetalye, lumipat na ng school si Mel, mamimiss namin sya pero un ang alam naming mas makabubuti para sa kanya.

sa mga sumunod na linggo hindi pa rin nagpaawat ang mga walang sawang text at telebabad namin ni Dave, para kaming nakikipagsabayan sa mga lovers ng barkada un nga lang kami, magkaibigan lang.

september 30, di ko maaring makalimutan replay ng concert ni tony gonzaga sa tv. magkatext kami hanggang 11, talking about non-sense. 1am na, 

"haha ui 'nak bukas na lang antok na si dad ee"

"haha sige po dad. haha good night. iloveyou"

"haha sige 'nak iloveyou more"

"iloveyou more than you could ever know :P "

"haha ah basta love kita overflow"

"sige dad tulog kna haha sweetdreams :* "

di na sya nagreply. nakatulog na ata. woah ano daw? love kita overflow? bago yun aa. super di ko maexplain ung reaction ko nun. gusto kong tumalon, sumigaw, magwala. kinikilig ako. 2:30am na di pa ako makatulog kakaisip dun, para akong uminom ng isang daang enervon. bago ako matulog binasa ko ulit.

 "love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow""love kita overflow nageecho na sa utak ko nakangiti lang ako at sinabi ko sa sarili ko.

"love kita overflow"

the story behind USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon