Love On Process ♥ Prologue

166 4 1
                                    

Ang pag-ibig ay hindi basta basta.

Hindi parang barya na pwedeng pulutin kapag nalaglag.

Hindi parang isang bola na kapag ibinato sa'yo ay bigla mong sasambutin.

Sa pag-ibig walang permanente.

Hindi tulad sa mga palabas na puro kilig.

Hindi tulad sa mga libro na puro saya.

Kapag umibig ka, dapat handa ka.

Handa ka sa mga haharaping pagsubok.

Handa kang makaramdam ng sakit.

May proseso ang pag-ibig ngunit hindi lahat pare-pareho.

Madalas, ang isip at puso'y di nagkakasundo.

Madalas, ang nararamdama'y nagbabago.

Ngunit pag nakalampas ka at natapos mo ang prosesong nakalaan sa'yo

saka mo masasabing "Sa wakas, Pag-ibig nga ito."

Love On Process ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon