2...

62 3 0
                                    

Natapos na mag training sina kuya. haaay ! 6 na ah. isang oras ako nagintay (>.<) pero ayus lang kase pinapanood ko naman si mistery guy na magbasketball at infairness ha magaling siya ! bravooo ! lalo tuloy ako nacurious sa pangalan niya eh.

Hala teka lumapit siya.. saakin?! weeeh?! bakit kaya?

"Excuse me." sabi sakin ni mistery guy.

"Uhm yes?" sagot ko naman agad.

"Yung bag ko."--mistery guy

"Huh?Yung bag mo? hindi ko kinuha hindi ako magnanakaw noh." aba anung akala niya nangunguha ako ng bag..

"I mean tumayo ka muna kase inuupuan mo yung bag ko." sagot niya naman. ahhh akala ko..

"Ahhhh ganun ba? hehe. di naman kase sinasabe eh. hehe sorry. :))" Tumayo tuloy ako agad agad. nakakahiya.. enebeyen !

 --

"Tabs ! tara na."Pagtawag sakin ni kuya Drey at tumakbo naman agad ako sa kanya.

"Kuyaaa ! diba ililibre niyo pa ako?! nagugutom na talaga ako eh." sagot ko kay kuya.

"oo ililibre tayo niyan." Sabi naman ni Kuya Krey.

"hoy anong ako? ikaw naman. ako na nung nakaraan eh.." paggiit ni kuya drey.

"Kelan yun? wala akong matandaan..." ang kukulit talaga nang kambal nato eh !

"Eeeeh naman eh ! kayong dalawa nalang magbayad basta ilibre nyo ako OK?! TARA NAAA..." pagpuputol ko sa pagtatalo nila.

"ikaw ang taga kain at kami ang taga bayad. takaw mo talaga..*gulo ng buhok ko*"--Kuya Drey.

"Tara na. alas sais na." pagyakag saamin ni kuya Krey.

--- Sa 7/11--

"Kuya sakin siopao tska Root beer tska Cheetos."-- ako

"Sakin din."-- kuya Krey.

"Oo na. sa bahay nalang natin kainin iniintay na tayo ni mama."--kuya drey.

bumili na si kuya tapos naglakad nalang kami pauwi dahil mejo malapit na din naman yung bahay namin.

"Kuya tabs, Kuya chabs may itatanong ako sainyo."nag uusap kami habang naglalakad.

"Anu yun tabs?" tanong naman ni Kuya drey.

"kilala niyo ba yung isang varsity player na kausap ko kanina? yung matangkad na maputi kaso mejo masungit?" pagsisimula ko ulit ng tanong.

"Bakit chabs? crush mo?" si kuya Krey malisyoso ! haha !

"Pag tinatanong crush agad? pasasalamatan ko lang kasee.. basta ang chismax niyo naman eh." 

"oo na manahimik ka nga muna. ang daldal mo talaga tabs!"

"Mana ako sayo kuya eh. haha :))"

  Hindi ko na naitanong ulit yung pangalan ni Mistery Guy. baka sabihin nila kuya crush ko nga yun.

*Sa bahay*

"Mama ! mejo ginabi po kame kasi nilibre pa po ako nila kuya." *nagmano ako kay mama*--Ako

"Ma oh.*abot ng siopao* Naisahan na naman ako niyang dalwang matakaw na yan. haha "--kuya drey

Love On Process ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon