8...

13 2 1
                                    

Nandito parin ako sa mga Buenavista pero hindi na yata ako tatagal pa. Eh paano ba naman bukod sa hindi pala ngiti si lola Amor ay napakasungit pa nito. Inuulit ko, na-pa-ka-su-ngit.

"Nasaan na ba yung tubig ha?! Aba isang baso lang ang ipinakuha ko parang isang drum ang bitbit mo!" sabi ko sa inyo eh masungit siya.

"La,kabababa ko lang po wala pa nga pong isang minuto yun promise." sabi ko habang nakataas ang kanang kamay at hawak naman ang isang basong puno ng tubig sa kaliwa.

"Akin na nga yan,kukupad kupad kasi!" ganito ba talaga pag menopause na? hinablot niya sa kamay ko yung baso at ayun nag reproduct sila,nabasag into pieces. haay ano ba talaga ang ginagawa ko dito? Taga-alaga ng senior citizen o Maid?

"Ayan! Kung binilisan mo sana edi hindi sana yan nabasag!" wow sorry po lola, sorry talaga -_-

"Pasensya na po ililigpit ko nalang po. Bibilisan ko na rin po sa susunod.Magpahinga na lang po kayo sa itaas." sabi ko nalang sa kanya habang nakangiti. Baka kasi kapag sumimangot pa ako eh makatikim na naman ako ng kanyang mabagsik na kasungitan powers.

Pinulot ko yung mga basag na piraso ng baso. Haay kawawang baso nadamay pa. Aray ko po! Bigla nalang humapdi ang daliri ko at naramdaman kong may tumulong mainit na pulang likido mula rito. Du-dugo?! O-O "AAH!!" napasigaw naman ako at sabay takip ng kaliwang kamay sa mga mata ko. Ayoko kasi talagang nakakakita ng dugo kahit itanong niyo pa kay Lord.

"Why are you screaming?" tanong ni Clyde na kakapasok lang sa kusina.

"Nahiwakasiakokayanagdugoyungdaliriko." sagot ko habang nakapikit.

"What?!" inis niyang tanong. Bakit ba lahat ng tao dito may bahid ng kasungitan? isinumpa ba itong bahay na ito?

"Yung daliri ko dumudugo!" sigaw ko naman ulit sa kanya.

"B-blood?" ay engot kakasabi lang -_-

"Ay hindi,juice. May tumulong juice sa daliri ko oh. Gusto mo tikman? -_-" sinamaan niya ako ng tingin pero teka.. Bakit parang..

"Takot ka sa dugo no? Hahaha sabi ko na nga ba eh hahaha kalalaking tao takot sa dugo hahaha gwapo ka pa man din sana kaso hahaha dugo lang takot na" sabi ko with full force of laughter. Pano ba naman kasi napansin kong namutla siya nung sinabi kong dugo.

"Bakit ikaw hindi ba? "tanong niya sakin habang nakataas ang kanang kilay. Natigilan naman ako sa pagtawa. Oo nga pala takot din ako sa dugo -_-

"So sinong matapang? Tss." super duper mega ultra facepalm. Nakakahiya.

"And what did you said? Gwapo ako? I knew it. Sabi ko na nga ba." nginitian niya ako ng nakakaloko pag kasabi niya niyan. Baliw din yata to eh!

"H-ha? W-wla akong sinabi no tska anong I knew it ka diyan?" sige kim ideny mo pa goodluck nalang sayo.

"You're fantasizing over my body." tenenenentenen fireworks boom!!! 

"A-Aray ansakit ng sugat ko grabe wooh" sabi ko habang hinihipan yung kunwaring masakit na sugat ko sa kamay. "S-sige gagamutin ko lang to' byeee." Tumalikod na ako at dali-daling itinapon yung bubog sa basurahan at lumabas. Hindi ko nadin siya tinignan ulit dahil bukod sa nahihiya ako eh hindi ma-process ng utak ko yung sinabi niya. fantasizing over his body daw? OO gwapo siya walang duda minsan din hot siya ay hindi pala minsan madalas pero hindi ko siya pinagnanasaan no! hindi halata haha joke lang!

"Ate Angel! What happened to your finger? Are you alright?" nagulat nalang ako ng may biglang sumulpot na kabute sa harapan ko. Ay mali, si Clara pala XD

"Wala to, nagbabawas lang ako ng dugo sa katawan." sagot ko sa kanya ng seryoso pero nagulat naman siya sa sinabi ko. 

"Eh? Was that necessary?" Napa-cute na bata talaga nitong si Clara ansarap iuwi sa bahay namin.

"hahaha joke lang! dala lang to ng kashungaan ko pero don't worry okay lang to." hindi naman kasi gaano kalaki yung sugat ang kaso nga lang mukhang medyo malalim to.

 "But it keeps bleeding ate angel! Wait for me here okay." hindi na ako nakasagot dahil nagmamadali siyang umakyat sa taas bago pa ako makapagsalita.

Bumaba din kaagad si Clara at nasa likod naman niya si Clyde  na may dala-dalang first aid kit. Masama ang pakiramdam ko dito. 

"Next time, don't pick up broken glasses through bare hands idiot, tss." at pagkasabi niya nun, nilapitan niya ako at inilabas niya na ang laman ng first aid kit. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.. Eh ano pa nga ba ang laman ng first aid kit? edi..

....ALCOHOL O_O

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love On Process ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon