6...

88 2 0
                                    

"Po?! bakit daw po?" ako yan at gulat na gulat. Sinabi kasi saakin ni mama kung ano ang nakalagay sa sulat na bigay ni tita bernadeth.

"hindi ko nga alam eh.. wala namang nilagay sa sulat kung bakit ka pinapapunta dun sa kanila.." nagtataka din si mama..

"Hala.. wala naman po akong nagawang kasalanan sa kanila diba? wala ka naman pong utang sa kanya diba? hindi niyo naman po ako pinagawang maid para pambayad diba? mama......" pagmamaktol ko kay mama..

"Kim magtigil ka nga diyan.. ang OA mo ha tska ang lakas ng bibig mo dinig hanggang sala.."--Kuya drey

"Tss.. nag uusap eh sabat.. dun ka na nga kuya.." at umalis na nga siya.., hahaha si kuya takot sakin, joke :P

"Wag na kayong magtalo. at kim hindi ka gagawing maid at wala akong utang sa tita bernadeth mo OK? :))" paglilinaw sakin ni mama.. haay nakahinga ako ng maluwag dun :)

"Eh kelan naman daw po ba ako pupunta dun?" tanong ko ulit kay mama.

"malapit na mag 3rd week ng October kaya malapit na ang 2 weeks sembreak niyo kaya dun ka muna sa kanila anak.."

"PO? papayag ka? ma, samahan niyo nalang po ako kung hinde eh di po ako papayag.."

"Nako nak, nakakahiya sa tita bernadeth mo kung hindi ka papayag.. minsan lang yun makiusap sa akin. siguro ay natuwa yun sa'yo kaya gusto niyang dun ka muna sa kanila.."

"haayyy sige po ma pagiisipan ko :)"

 

 

.........

 

________ o ___________

 

Nasa school na ako ngayon. Lunch namin kaso ako lang mag-isa wala kasi si Mae at allen may practice sila ng volleyball pareho kase silang varsity.. ako naman walang hilig sa sports kaya nag choir nalang ako :)) makapunta nga sa may field namin masarap ang hangin dun eh..

Nakahiga ako sa damuhan sa malawak na field namin at kumakanta pa ako.. saraaap talaga dito.

 

"I'm singing my blue...s par-- ay palaka ! sino ka?"  Napatigil ako sa pagkanta ng may magtakip ng mukha ko.

"hahaha ! hulaan mo.. clue, gwapo ako."  sabi ng epal na nagtakip ng mukha ko.

"tsss... tanggalin mo nga yang kamay mo sa mukha ko T_T" 

"Sino muna ako? dapat sa clue ko kilala  mo ako agad eh.."

"Anak ng ! Pag di mo tinanggal yan sasapakin kita !" banta ko sa kanya..

"Amazona grabee.." tapos tinanggal na niya yung kamay niya sa mukha ko..

"Ikaw?! bakit ka andito?!"

"Hindi mo ako nakilala? sa clue ko palang alam mo na dapat na ako yun eh.."

"Kung MAYABANG siguro ang sinabi mong clue eh siguro nahulaan ko agad na ikaw yan."
sigaw ko sa kanya..

"Ang sama mo saakin.. bakit andito ka? tas magisa ka pa? senti?"

"Senti ka diyan.. hindi ah. wala lang kasi yung dalawang bestfriend ko may practice."

"Ahhh... ui may practice din ng basketball oh.. diba yung mga kuya mo varsity?"

Love On Process ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon